𝐘𝐎𝐒𝐈 𝐱 𝐒𝐈𝐋𝐈
𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐇𝐈𝐓𝐇𝐈𝐓𝐄𝐑𝐎 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐉𝐎𝐖𝐀
"Mahal? Dito na 'ko.. "
"Mahaー"
"Hoy Babae! Saan ka galing na naman, ha!?" napapitlag ako sa gulat nang singhalan ako nang sira-ulo kong jowa. Kinunutan ko ito ng noo.
"Sinabi ko sa'yo kung saan ako pupunta, 'di ba?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. Kung maka-sigaw naman 'to akala niya hindi ako nagpaalam sa kaniya. Tsk.
"Oo, alam ko kung saan ka pumunta kasi sinundan kita... " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Ini-spy yata ako ng kumag na 'to. "Pero 'di mo sinabi sa'kin na may makakasama ka palang mga lalake!" sigaw na naman niya! King ina. Sarap nito sapakin ah. Nagsisimula naman ako mainis.
"Oh, ehーano naman? Bakit, nilandi ko ba yung mga lalaking 'yon ha!? Nakita mo ba hinalikan koーniyakap koーpinatungan koーnakita mo ba, ha!? 'Di ba hindiー"
"And daldal mo, manahimik ka!"
What theーarghhhh! Aaaaaaaaaーang sarap sarap katayin nitong lalaki na 'to! Puーargh!
Kunot na kunot ang noo niyang tumingin sa'kin na pareho ko, nauubusan na nang pasensya. Leche! Ano bang ginawa ko at tinopak na naman 'to nang pagiging masungit?
"Ano bang problema mo, ha?" tanong ko sa kaniya. Naiirita parin siyang tumingin sa'kin. Tss. As if namang 'di ako naiirita sa kaniya.
"Wag mo 'kong kausapin."
W-What the heck!? "Ano bang nakain mo at tinopak kaーt-teka!"
Napasigaw ako nang kumuha siya nang yosi at walang sere-seremonyang sinindihan 'yon sa harap ko! SA HARAP KO! Leche!
Dumeresto siya sa teresa at doon pinagpatuloy ang paninigarilyo. Pisti! Sumunod ako sa kaniya. "H-Hoy! Baka nakakalimutan mo yung kasunduan natinー"
"Hindi ko nakalimutan."
"Oh, ehーanong ginagawa mo?" nababadtrip na tanong ko sa kaniya.
"Naninigarilyo. 'Di ba obvious?" sarkastiko nitong sabi. Nakagat ko nalang ang labi ko sa sobrang inis. Argh!
King inang hinayupak na haeop 'to. "Peste! Ang ibig kong sabihin, bakit ka naninigarilyo!" kinuha ko ang yosing hinihithit niya saka iyon itinapon sa labas. Nanggigil narin siya sa inis ngunit hindi iyon nakapagpahinto sa kaniya para manigarilyo dahil kumuha pa siya nang isa at sinindihan uli 'yon! king ina!
May kasunduan kaming hindi na siya pwede manigarilyo dahil ayaw kong magkasakit siya. Maraming bad sides/effects ang paninigarilyo na pwedeng maka-apekto sa katawan niya habang nabubuhay pa siya. Pero mukhang gusto nitong mapa-aga ang pagkawala niya rito sa mundo. Ugh!
"Tss. 'Wag kang mag-alala hindi naman ako agad mamamatayー"
"Gusto mo nang mamatay? Ha!? 'Pwes, ako ang papatay sa'yo nang matupad 'yang kahilingan mo!" habol ko ang hininga dahil sa sobrang inis slash galit at badtrip. Dumeresto ako sa kusina saka kinuha ang pinaka-matalas at mahaba na kutsilyo. Ngumisi ako.
"Ano!"
Nanlaki ang mga mata niya sa hawak ko. Minuwestra ko ang kutsilyo sa kanang bahagi ko saka mahigpit na mahigpit na hinawakan iyon na para bang sabik na sabik na makasaksak. Bumalatay ang kaba sa mukha nang gago kong jowa.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
