WHEN OUR BELOVED PETS DIED

10 3 0
                                    

WHEN OUR BELOVED PETS DIED

"Baby Lina..."

"Baby Lina? I'm home na!"

"Baby?"

Nasaan na kaya siya?

Patuloy lang ako sa paghahanap sa baby kong si Lina. Ang mahal kong chikiting na aso.

"Baby- Hayun!"

Natuwa naman ako nang makitang nakahiga lang pala siya sa sahig. Nakatalikod siya sa'kin kaya dahan-dahan akong lumakad sa likod niya para gulatin siya.

"Boo! Hahhaha bab-"

"Baby?"

Agad ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang makitang hindi man lang siya nagulat o gumalaw. Bigla ay kinabahan ako.

"Baby?" Nilapitan ko ito at niyugyog pero wala parin. Binuhat ko siya saka bahagyang inilagay sa mga hita ko.

"Baby? Tulog ka ba?"

Nanatili lang itong nakapikit kaya naman inilagay ko ang tainga ko sa dibdib nito para pakiramdaman ang tibok ng puso niya.

Ngunit wala man lang ako narinig na tibok mula sa puso niya.

Nangilid agad ang luha ko sa posibleng ibig sabihin nito.

N-No...

Umiling-iling pa ako dahil alam kong hindi naman ito totoo.

Niyugyog ko ulit siya ngunit sa ilang beses na pagbanggit ko ng pangalan niya at pagyugyog sa kaniya ay 'di parin siya gumagalaw o tumutugon. Hanggang sa 'di ko na namalayan na tuloy-tuloy na pala ang pagbagsak ng mga luha ko.

"B-Baby... huy.. galaw naman d-diyan oh.." Pinunasan ko ang pisnge ko dahil sa mga luhang nagmumula ro'n pero hindi do'n nakatuon ang atensyon ko. Doon lang sa walang malay na mukha ng alaga kong aso.

No.. hindi 'to totoo. Baka natutulog la v si baby. Tama.

P-Pero... kung natutulog lang siya... b-ba't hindi na siya gumagalaw?

Bigla nalang akong humagulgol dahil hindi ko rin mismo masagot ang tanong sa na 'yon.

Bakit ba kasi hindi ka na gumagalaw.. baby?

Lalo lang lumakas ang hikbi ko kasabay ng walang hinto na pagbagsak ng mga luha ko.

"Lea? W-What happened?" Huminto ako sa pag-iyak saka binalingan ng tingin ang nagsalita. Si Joana, ang bestfriend ko at isa siyang Veterinarian. Kita sa mukha nito ang pag-a-alala sa'kin.

Saka ay bumaba ang tingin niya kay Lina na ngayo'y nasa hita ko parin. Lumuhod siya upang magpantay kami at masuri si Lina.

'Tama! Veterenarian nga pala si Joana. Baka may sakit lang si Baby, tatanungin ko siya.

Tumango-tango pa ako sa sarili na para bang kausap ko ang isip ko.

Lumunok ako upang iwasan ang pagpiyok bago magsalita sa kaniya ngunit bigo ako. "Joan, b-bakit hindi na siya gumagalaw? May sakit ba siya? P-Pwede tingnan mo kung ano yung sakit niya?"

Halos magmakaawa na ako sa kaniya. Gumuhit sa mga mata niya ang kalungkutan na para bang alam niya na ang sagot sa pamamagitan nang pagtingin lang kay Baby Lina.

"A-Ahm.." Kahit siya ay tila ba nag-aalinlangan sa isasagot niya. Napakamot nalang siya sa ulo saka bumaba ang tingin.

"L-Lea..." Nag-angat siya ng tingin sa'kin at kita ro'n ang pagsusumamo niyang tingin na para bang gusto niyang iparating na intindihin ko ang anumang sasabihin niya.

May isang butil na naman ng luha ko ang tumulo. Mas nalungkot pa ang mukha niya kaya naman dali-dali ko pinunasan ang pisnge ko saka ngumiti.

"May sakit ba siya? Anong sakit niya, Joan? Pagalingin mo siya... p-please?" Umaasa at nagmamakaawa kong sabi. Nanatili lang itong tahimik at nakababa ang tingin.

"Sige na, Joan." Nakangiti ko itong niyuyogyog para pumayag nang sa ga'yon ay gumaling na si Baby.

"Dalhin na natin siya sa clinic mo para mapagaling mo na siy-"

"W-Wala na siya, L-Lea. Wana na siyang... b-buhay." Nakita ko pa ang paglandas ng luha sa pisnge niya kaya naman napatulala ako at natigilan.

H-Hindi... hindi pwede 'to...

"N-Nagbibiro ka lang, 'di ba? Di ba Joan? Ha-ha." Umaasa ko 'yong sinabi saka dinugtungan ng pilit at malungkot na tawa. Mas lalo akong binabalot ng katotohanan dahil sa emosyon ko.

"W-Wala na siya, s-sorry.." Doon ay tahimik na siyang lumuluha kaya naman bumagsak ang balikat ko.

Bumaba ang tingin ko sa alaga ko saka ay nanlalabo na naman ang paningin ko at tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko. Umiling-iling akong lumuluha saka ay nilagay ko ang dalawa kong palad sa mukha ko upang doon humagulgol.

Tiningnan kong muli si Baby Lina. "Baby... baby, gising ka na. Maglalaro pa tayo habulan, 'di ba? Gising ka na... baby p-pleasee... hindi ka pwedeng m-mawala..." Mas lumakas pa ang hikbi ko habang akap-akap ang wala nang buhay niyang katawan.

Nanghihina ako at nanginginig, 'di ko akalain na ganito kasakit kapag nawala sa iyo ang bagay na pinapahalagahan mo, tao man 'yon o hayop.

Napakasakit isipin na sa mga oras na nalulungkot ako, andiyan si Baby Lina. Siya ang pampalipas oras ko at naging libangan ko. Napamahal na siya sa'kin at inaalagaan ko siya nang maayos, masaya ako kahit na wala na akong pamilya, boyfriend o kaibigan basta andiyan lang siya. Pero... heto siya at iniwan narin ako....

It really hurts to accept that, nothing in this world is permanent.

✍️: @janessCious |Jane Writes

• Work of Fiction (but the photo are real)

Photo is not mine.

This photo makes me sad.💔

****

Just visit my facebook account, (Janess) if you want to read my story there!

꧁𒊹︎︎︎꧂

@janessCious|Jane Writes

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon