"Ano ba naman, Micheal! Bitiwan mo nga ako—"
"P-Please... babe, don't do this to me. 'Wag mo akong iwan—"
"Gumising ka nga Micheal! Hindi na ikaw ang mahal ko! Will you stop this?? 'Wag ka nang magtanga-tangahan— o magbulag-bulagan na para bang wa kang nalalaman! Nakita mo na akong may iba, hindi ba? Pero bakit pinagpipilitan mo parin ang sarili ko sa'kin?! I really want to end this. I want to break up with you. I want you... to LET ME GO."
TAMA NGA bang nagising ako ng ganito?
Sabi nga niya, magising na ako.
So, eto na. Gising na gising na ako.
Literal na gising, sa kabila ng sakit na pinaramdam niya sa'kin.
Sobrang sakit.... na yung taong nakasanayan mong makita paggising mo..
Sasabihin nang magising ka sa katotohanan na hindi na ikaw ang mahal niya.
Na hindi na ikaw ang pinapahalagahan niya.
Kasi may iba na.
Na kung dati, sinasabi niyang... 'I want you, to kiss me. I want you to hug me. I want you, I miss you, I want to make family with you'...
Ay naging... "I want to break up with you. " "I want you to let me go."
Gusto na niya daw na makawala sa'kin.
Natawa naman ako ng mapait at kasabay no'n ang paglandas ng luha mula sa mga mata ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan. Halos dalawang buwan na ang nakalipas, hindi ko parin kaya makawala sa sakit na 'to, hindi gaya sa kaniya na gano'n lang kadali para makawala mula sa'kin.
Siguro hindi niya talaga ako gano'n kamahal.
Pero ako? Minahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero ano yung sinasabi nila na kapag mahal mo...ipaglaban mo. Pero, hindi eh. Mali.
Kasi, hindi lahat ng mahal, kailangang ipaglaban. Minsan, yung iba kailangan mo ng pakawalan. Para sumaya na siya....sa iba. At para din magising ka na sa katotohanan, na hindi kayo ang itinadhana.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan nating ipilit yung sarili natin, lalong-lalo na kung hindi na tayo ang mahal.
Kahit mahirap, masakit, bumangon pa din ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Ganito lang naman lagi ang takbo ng araw ko...hindi katulad noon, nang pumasok siya sa buhay ko, naging makulay ang mundo ko.
––
SUMIMSIM AKO ng kape habang nakatingin sa kawalan. Nakakawalang gana, sa totoo lang. Parang gusto ko nalang mawala ng tuluyan.
Bumuntong hininga ako saka napabaling sa wallet ko. Naisip kong buksan 'yon dahil sa pagkakaalala ko, may pinakaiingat-ingatan ako doong litrato.
At doon nakita ko na naman ang litrato naming dalawa na kung saan pareho kaming masaya. Masaya sa isa't isa.
Kung dati, napapangiti ako sa t'wing nakikita ko 'to, ngayon nama'y lungkot na ang mababakas sa akin. Dahil doon babalik lahat ng magaganda naming alala, hanggang sa matapos na kaming dalawa.
Nakasilid ang litrato namin sa loob ng wallet ko na may plastic na transparent. Naisip kong kuhanin 'yon kaya kahit mahigpit, pinilit kong kuhanin.
Dahan-dahan lang ang pagkuha ko dahil iniingatan kong huwag iyong mapunit. Nang akala ko makukuha ko na, nakarinig nalang ako ng malakas na pagpunit ng papel.
Napabuga ako ng marahas ng makitang napunit na nga 'yon. Kahit napunit ay kinuha ko pa din 'yon, at gano'n nalang ang pagkakatulala ko sa litrato ng makita kung paano iyon napunit.
Saktong sakto, saktong saktong napunit iyon sa gitna... para paghiwalayin kami.
Baliw man kung isipin, pero mas lalong nadagdagan ang lungkot ko. Larawan na nga lang ang matitira sa'kin, ganito pa din ang mangyayari.
Pinaghihiway pa din kami.
Bakit ang saklap? Ang saklap ng tadhana, t*ngina!
Hindi ba ako pwede maging masaya? Kasama siya?
O, baka kailangan ko na talagang itatak sa utak ko na sa iba na siya sasaya.
Naramdaman ko na namang nangingilid ang luha ko kaya inangat ko ang ulo ko at tumingin sa taas, ng sa gayon ay pigilan ang luhang gusto na namang lumandas.
May malaking tanong ang laging bumabagabag sa'kin, na maging sarili ko ay kinukwestyon ko kung ano nga bang kulang?
Bakit ba naghanap pa din siya ng iba? May kulang ba sa'kin na sa iba niya nakita?
✍️: @janessCious | Janess Manunulat
A/N: Sa tingin niyo, Guys... bakit yung iba kailangan pa din maghanap? Bakit kailangan niyo pa ding maghanap ng iba? Hindi ba pwedeng... makuntento nalang basta alam mong Mahal ka niya? Parang hindi naman tamang rason na maghahanap ka ng iba, dahil may nakita ka sa iba na kulang sa kaniya.
Well, that's not love, I guess.
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
AcakEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...