REGLA
"Ahh! Ang sakit... badtrip naman!" Halos mapamura nalang ako habang hawak ang tiyan dahil sa pananakit ng puson ko. Iba talaga kapag first day!
Pabalik-balik rin ako sa cr dahil sa dysmenorrhea. Parang natataè ako na hindi kapag nakapasok na sa cr. Mababaliw na ata ako.
Namimilipit sa sakit akong nahiga sa kama. Umuungol at pabalin-balin ang katawan para maibsan kahit papa'no ang sakit.
Pumasok naman sa kwarto ko si Clarence. My boyfriend since third year highschool. Hindi na ako nagulat dahil lagi naman siyang pumupunta dito.
Umupo naman siya sa tabi ko.
"Mahal?" Kumunot ang noo niya nang tingnan ako. "Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
Doon ay hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kapit na kapit parin ang hawak ko sa tiyan ko kaya napatingin siya doon.
Biglang nagbago ang ekspresyon niya. "Wag mo sabihing..." Nangunot nalang ang noo ko nang dumilim ang mukha niyang tiningnan ako sa mata.
"Sinong ama niyan?!" Bigla ay galit niyang sigaw! "Sabihin mo sa'kin! Bakit mo ako nilok— aray!" Napahinto naman siya nang kurutin ko siya sa nang mahigpit sa tainga.
Inis ko siyang tinaliman ng tingin. "Ano ka ba, ha? Ang OA mo! Gusto mo ibalibag kita? Ha?!"
Sa lagay ko ngayon, kayang-kaya ko siyang ibalibag! Wala pa naman ako sa mood!
"Sorry." Ngumuso siya. "Bakit ka ba kasi umiiyak?"
"Meron ako, eh."
"Merong ano?"
"First day ko ngayon."
"Huh?? Saan?" Nagtataka niyang tanong. Napahawak nalang ako sa sentido ko at malalim na humugot ng hininga. Sinamaan ko siya ng tingin.
Umirap ako at tumayo. Ipinakita ko sa kaniya ang likod ko na may tagos nang dugo. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Mahal! May dugo! Saglit lang! Dadalhin kita sa hospital!"
Napakagat ako sa labi. Punyèťa talaga.
"Tánga!" Ugh. Gwapo nga tànga-tänga naman. "Hindi ko na kailangan ng doctor." Pinaupo ko siya sa paanan ng kama. Saka muli pang huminga nang malalim dahil mahaba-habang eksplanasyon na naman 'to.
"Ah... naintindihan ko na. Sige, mahal. Hahanap ako nang paraan para mabawasan ang sakit ng puson mo." Sabi niya matapos kong mai-explain sa kaniya ang lahat. Halos ituro ko na sa kaniya ang tungkol sa puberty at science. Jusko.
Nahiga nalang ulit ako. Hinayaan ko nalang siyang lumabas at baka makahanap pa nang paraan para mabawasan ang sakit ng puson ko kahit papa'no.
A few minutes later....
"Mahal!"
Nang marinig ang boses ni Clarence ay umupo ako sa kama. Mukhang nakasagap siya nang paraan para sa'kin. Bakas sa ngiti nito ang tuwa at kagalakan.
"May nalaman na ako para matanggal 'yang pananakit ng puson mo."
Hmm, mukhang nakahanap nga siya ng paraan. Pero bakit parang iba ang dating ng ngiti niya ngayon?
"Ano 'yon?" Curious kong tanong. Kung ano man ang nalaman niya sana makatulong talaga 'yon sa'kin.
"Bubuntisin kita."
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi. ANO DAW?!
"H-Ha?" Napatigalgal ako. Walang mahanap na salita sa narinig sa kaniya. "Bakit..."
Nataranta ako. Sa pagiging slow niya ngayon ko lang nalaman na may alam rin pala siya sa ganyan. Pero... bakit sa lahat nang paraan 'yon pa ang nalaman niya?!
"Nagresearch ako, mahal." Aniya sa seryosong boses. Mukhang hindi talaga siya nagbibiro. Mas lalo akong kinabahan. "Kapag nanganak ka, kapag nailabas na yung baby maisasama doon sa ilalabas mo yung dahilan nang pananakit niyang puson mo. Kaya halika, simulan na natin."
Napaatras ako nang magsimula na siyang lumapit sa'kin. Mapungay ang mga mata niyang tumuon sa'kin. Seryoso at parang sigurado sa gagawin.
"M-Mahal..." Malalim akong lumunok. "S-Sure na ba 'yan—"
"Nag-aalala lang ako sa'yo, mahal. Hindi ko kayang tingnan ka lang na umiiyak habang iniinda 'yang sakit na pwede naman nating tanggalin." Ngumiti pa siya ng matamis. "Kaya sige na, hubad na!"
P-Pero.... wala bang tulong diyan? Huhu.
✍️: @janesscious | Janess Manunulat
• NO MORE NEXT
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...