INLOVE WITH A POSER
"Love, send pic."
Humagikhik pa ako pagkatapos kong pindutin ang 'sent button'. Sineen niya 'yon kaya ilang sandali pa akong naghintay, baka nagpapapogi pa.
Halos maglilimang minuto ang lumipas bago siya nagreply. Tuloy ay nagtaka na naman ako. Bakit sa t'wing nanghihingi ako ng picture niya, natatagalan siya?
May ideya na ako kung bakit pero pilit kong binabalewala 'yon dahil mahal ko siya.
"Eto na, love." Reply niya. Kasunod noon ay ang picture niyang medyo blurry, bagsak ang buhok at naka-facemask. Hindi ko mapigilang magwapuhan pero, hindi na katulad noon na sobra ang paghanga ko.
Ngayon kasi andami nang pumapasok sa utak ko. Siya ba talaga ang mga nasa picture? Hindi kaya poser 'tong boyfriend ko? Hindi kaya... CRP siya?
Nagkakilala kami ni Khiro sa Instragam noon. RP account ko lang din ang gamit ko nang magkausap kami. Nang lumipat naman kami sa facebook, doon na lumalim ang samahan namin. Hanggang sa nanligaw siya at sinagot ko rin. LDR kami at magtatatlong buwan na.
Pero kung kailan matagal na kami ay saka ko naman pinagdudahan ang pagkatao niya. Alam kong mali at dapat may tiwala ako sa kaniya pero, hindi ko lang talaga mapigilang mag-overthink.
Kung totoong poser siya, anong gagawin ko? Pwedeng-pwede ko 'yon mapatunayan dahil marami na akong ebidensya at tumatama lagi ang mga hinala ko.
Hindi ko na alam ang gagawin. Parang sasabog na ang utak ko.
Pwede naman siyang umamin, 'di ba? Baka matanggap ko pa kapag umamin na siya agad. Pero bakit kailangan pang patagalin?
**
"Love, may aaminin ako."
Dinagundong nang malakas ang puso ko. Eto na 'yon, Ashley. Eto na yung pinakahihintay mo.
Pitong buwan na kami ngayon. Hanggang ngayon hinihintay ko parin siyang umamin, gano'n ko siya kamahal. At nangako ako sa sarili ko na kahit ano mang aminin o kung ano man siya, tatanggapin ko siya.
"Ano yun, love?" Reply ko kahit na namamawis na ang palad ko dahil sa kaba.
"CRP ako."
Kumurap-kurap ako. Pinakiramdaman ang sarili.
Hindi na ako nagulat. Dahil tulad nga ng sabi ko, tumatama lagi ang mga hinala ko.
Crossed Role Player (CRP) means kabaligtaran ng gender mo sa Role Play World (RPW) ang gender mo sa Real World. Ibig sabihin, panlalaking account ang gamit niya pero in reality, babae siya.
Tuloy ay dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na siya nareplayan.
"Love, sorry talaga."
"Kahit babae ako, mahal kita."
"Love, gusto ko sanang hilingin na wag mo akong iwan pero kung ano mang maging desisyon mo, rerespetuhin ko."
"Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita."
Wala sa sariling napangiti ako. Ngayong alam ko na ang tunay niyang pagkatao, pakiramdam ko mas lalo ko siyang minamahal.
May kutob na ako sa pagkatao niya noon at ang hinihintay ko nalang palagi ay ang umamin siya. At isa lang ang na-realize ko ngayong sinabi na niya ang totoo.
Hindi pa siya umaamin, tanggap ko na siya. Hindi na ako nagulat nang sabihin niya ang totoo dahil kahit ano mang maging kalabasan no'n, alam ko sa sarili kong mas mamahalin ko pa siya ng todo.
Dedicated to: Ashley
✍️: Janess | @janesscious
• ONESHOT STORY ONLY
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
DiversosEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
