NEW YEAR, NEW HIM

32 2 0
                                        

N/A: Sorry guys, sa sobrang busy ko pinag-isa ko nalang gift ko sainyo nung Christmas at ngayong New Year, and eto na 'yon. New story again, enjoy reading!❤

NEW YEAR, NEW HIM

"Love, here... dito tayo."

Every ocations especially new year, palagi kaming gumagala ng boyfriend kong si Chester. Very special para sa'min ang new year lalo na't iyon rin ang araw ng monthsary namin.

"Picture, love."

I smiled happily as he hugged me then clicked the camera. Nakayakap siya patagilid sa'kin at nakahalik sa pisnge ko habang nagpuputukan ang fireworks sa likod namin. Gustong-gusto ko ang pose namin na 'yon kaya sabay namin 'yon kaagad ginawang wallpaper sa cellphones namin.

"Happy new year and happy 5th anniversary, love..." He said while looking at me intently. Binati ko rin siya pabalik pero nahinto ako nang salubungin niya ako kaagad ng isang mainit na halik.

Everything was almost perfect. Kung tratuhin niya ako ay para akong prinsesa o isang kayamanan na pinaka-iniingat-ingatan niya. He was always there for me through ups and downs. Cheering me, supporting me from every decisions that I will make, comforting me, loving me... kaya hindi na kataka-taka kung bakit mahal na mahal ko rin siya. It was like my whole life was only depending on him.

But not until one day...

"Love, nasa'n ka na?"

It's our monthsary today at paalis na sa bahay nang tawagan ko siya.

"I'm sorry love, hindi ako makakapunta ngayon dahil sa work. I'm sorry, promise, I'll make it up to you next time."

"Oh." My shoulder fell. "Okay, love. Take care."

Naintindihan ko naman siya nung una. Pero nang paulit-ulit nang nangyari 'yon at paulit-ulit kong naririnig ang sinasabi niyang babawi siya, napigtas na ang pasensya ko.

"Don't tell me hindi ka na naman makakapunta? It's my birthday today, love. Please lang, ayoko na sana makarinig ng kahit anong palusot mong sawa ko nang marinig." Inis kong sabi.

Hindi pa siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya. Alam ko na 'to, e. Alam ko na kung saan na naman papunta 'to. Sa call kami mag-uusap tapos makikiusap siyang mag-oovertime ngayon at hindi na naman ako sisiputin. Hindi ko maiwasang magalit. Pakiramdam ko palagi niya akong pinapaasa.

Hindi naman siya ganito dati. Sa t'wing may date kami ay maaga palagi ang punta niya.

May nagbago na ba? My heart tightened at that thought.

"I'm sorry love... pupuntahan kita mamaya pero 12:30am pa ang out ko. Can you wait for me?"

Parang pumutok na ako sa galit. "Wait?! Wait, chester?! Palagi kong ginagawa 'yan dahil parati mo akong pinaghihintay! Ang malala pa, hindi mo ako sisiputin kahit na alam mong may lakad tayo dapat at mag-eenjoy! Tell me, Chester, what's wrong with you now? Hindi ka naman ganyan dati! Trabaho ba talaga ang ginagawa mo??"

"Love—"

"I'm done with this! I'm done with us!"

Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na binaba ang tawag. Tumakbo ako sa kwarto saka doon nagmukmok para umiyak. Birthday na birthday ko ay umiiyak ako. Bwìsìt na buhay 'to.

Ilang saglit pa nang matigil ako sa pag-iyak nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. It's an unknown number pero sinagot ko parin.

"Hello?"

"Alice."

My forehead creased. Pamilyar ang boses na iyon.

"It's me, Ethan."

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon