I'M JUST HIS REBOUND GIRL

20 3 0
                                    


Zeik: "Zaccckk! 119th Anniversary na ng simbahan namin sa Sunday. Pupunta rin sila James, Charlie at Angel. Pupunta ka rin ba?"

Sent.
2:15pm

Ilang minuto pa akong napatitig sa phone ko, hinihintay ang reply niya. Lumipas ang 5 minuto, saka siya nakapagreply.

Zack: "Busy ako eh. Baka hindi ata."

Seen.
2:20pm

Bigla ay nalungkot ako. Agad na napalitan ang mood ko. Bakit naman di siya makakapunta? Ngayon na nga lang kami magme-meet eh.

Zeik: "Pero di ba magme-meet na tayo? Sayang kasi free na ako sa Sunday."

– Sent.
2:21pm

Zack: "I'm sorry, Zeik. Di na tayo matutuloy."

Zack: "Sige ha, may ginagawa pa kasi ako. Bye."

– Seen.
2:26pm

Napatulala ako sa phone ko. Nawalan na ng ganang magreply. Parang di matanggap ng utak ko na gano'n nalang ang mga sinabi niya.

Para akong tangang umaasa na wala namang kasiguaraduhan. Ganito ba talaga kahirap kapag wala kayong label?

Si Zack ay kaibigan ng bestfriend ko. Nakilala ko lang siya online and ka MU ko na ng almost 1 month. Araw-araw naman ay may sweet messages siya sa'kin, lagi niyang sinasabing gustong-gusto na niya ako makita dahil kahit nasa iisang lugar lang kami, hindi pa kami nakakapagmeet up. Palagi rin kaming iloveyou's sa convo namin, pero ngayon...

Di ko alam kung anong meron.

–––

"Wala pa rin siyang chat, tsk." Naiinis kong tinapon ang cellphone ko sa kama ko. Bakit ba hindi na siya nagchachat?? At kapag magrereply naman sobrang bagal ng reply?! Tapos ang cold pa ng mga chat niya??

Sa kabila ng inis na nararamdaman ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ang hirap umasa sa ganito lalo na't wala namang magandang status ang relasyon namin. At kahit alam kong wala akong aasahan sa kaniya at balang araw ay magiging ganito siya, umasa pa din ang tanga kong puso.

Haysssssttt!!!

Ngayon na ang 119th Anniversary ng simbahan namin at sayang talaga ang araw na 'to dahil gusto ko na makipagkita sa kaniya. Kaso, wala eh.

Busy siya.

–––

"Huy Zeik! Bakit ganiyan ang hitsura mo? Anyare?" Pang-uusisa ni Angel. Nandito na kami ngayon sa simbahan at inuumpisahan na ang misa.

"Wala." Tipid kong sagot saka tumingin sa harap. Tinatamad na ako ngayong magsalita dahil napalitan na naman ang mood ko.

"Sus, wala daw. Kay Zack na naman 'yan ano?"

Di ako sumagot dahilan para tuksuin niya pa ako lalo. Umirap lang ako at di siya pinansin.

"Hoy Charlie, nasa'n 'yong kaibigan mo na may Crush dito sa bestfriend ko?" Narinig kong tanong ni Angel kay Charlie na katabi niya sa kanang side. Automatik naman akong napalingon, hinihintay ang sagot ni Charlie.

"Ha? Si Zack? Nandito 'yon ah? Di niyo ba nakita?" Ani ni Charlie. Napakunot ang noo ko.

"Nandito siya?" Singit ko. Napatingin naman sa'kin si Charlie.

"Oo, nandito 'yon. Pinauna niya lang ako kasi sabi niya susunduin niya daw

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon