"Janice!"
Busy ako sa pag-sscroll sa aking Facebook nang may marinig akong sumigaw.
"JANICE! P*TA BUMABA KA NGA!" Di na napigilan ng parang machine gun na bunganga ni mama na sigawan ako at murahin.
Talaga naman oo anak ka ng nanay mo.
"JANICE!!!"
"Andito na Ma! Ano ba kasi 'yan.." Halos nagmamaktol na reklamo ko. Nagdadabog naman akong lumabas ng kwarto ko.
"Pumunta ka doon kay Mang Turing at kunin mo 'yong talong na binili ko dahil nakalimutan kong kunin. At nang hindi ka puro babad diyan sa cellphone mo!" Singhal ni Mama sa'kin. Gusto kong umirap pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya namalayan ko nalang dinukot na pala ni Mama ang mga mata ko.
Nakababad sa cellphone ampt. Sige na nga, para sa ikapapayapa ni Mama, aahon na ako.
Nagdadabog akong pumunta sa labas. Kasi! Bakit pa kinalimutan! Patanda na kasi nang patanda kaya ayan nagiging makakalimutin na! Tsk!
Medyo malayo layo pa 'yong lalakarin ko kaya naman nagmadali na ako.
Pagkalipas ng 15 minuto nakita ko na rin ang pwesto kung saan nagtitinda si Mang Turing. Madalas kasi si mama bumili sa kaniya dahil narin sa mura ang mga gulay nito at isa narin siya sa suki ni Mama.
Nandito na ako sa harap at palinga-linga sa palagid dahil 'di mahagip ng mga mata ko si Mang Turing.
Saan na 'yon?
"Mang Turing!"
"Hello! Haluuu!"
Para akong tangang kakasigaw pero parang wala naman nakakarinig sa'kin. Asaan na ba kasi yun at bakit iniiwanan niya yung mga paninda niya.
"Mang Turing mukhang uling saan ka na ba?!"
"Mang Tur—"
Agad akong natigilan sa ilalabas sana ng aking bunganga nang halos malaglag ang panga ko sa nakita.
"Yes, Miss?" Napalunok ako nang wala sa oras. Namawis naman ako bigla.
Aaaaaaaa ang wafuuu at ang hot!
OMG naman bakit kasi hindi sinabi sa'kin ni Mang Turing na may tindero siyang ganito ede shene lege eke bemebele dete ehehe eng wefe eh.
Napapatulala ako sa katawan nito. Damn! Perfect hair, pointed nose, kissable lips, a-at— at may ABS AAAAAHHHHH!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapadako ang paningin ko pababa sa katawan nito. What the....
A-Ang haba at ang taba...
"Miss?"
Ang laki talaga sobra parang gusto ko sakmalin.
"Hello Miss?"
Ano kaya feeling hawakan no'n? Ang lambot siguro sobra tapos ma—
"Miss ano kailangan mo?"
"Talong mo."
"H-Ha?"
HALA! Sigurado akong namula nang sobra ang dalawa kong pisnge nang marealize ko kung ano ang nasabi ko sa kaniya.
Pisti gad!
"A-Ah— I m-mean—"
Halos manuyo na ang lalamunan ko dahil sa nailabas nang bunganga ko. Pahamak ka talaga selp!
Tuloy tuloy ang pagtagaktak nang pawis ko at parang hinahabol ng sampung kabayo ang puso ko. Idagdag mo pa yung nakakalokong ngiti ng gwapong nilalang na nasa harap ko.
"A-Ano.. y-yung talong daw na n-naiwan ni Mama.. k-kukuhanin ko lang." Halos hirap akong huminga at magsalita dahil sa pagkakabaluktok ng dila ko. Naman oh!
"Ah...talong." Ani naman nito habang kinukuha yung nakaplastic na talong. Nagtaka naman ako at mas lalong kinakabahan dahil 'di maalis sa labi niya ang pagkangisi. Malamang tinatawanan niya ako dahil sa kakahiyang nasabi ko. Ang gaga kasi!
Tila parang natakpan ng kung ano ang bibig ko at tuluyan na itong nanahimik habang nakatingin lang sa ginagawa niya. Hayst, ba't naman kasi kahit saang side ang gwapo niya?
"Eto na." Nakangiting iabot niya sa'kin ang isang plastik ng talong. Di ko naman maiwasang mapatitig sa makalaglag panty niyang ngiti.
Nangunot noo naman ako nang iiwas niya 'yong plastik na kukuhanin sana ng kamay ko.
"B-Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang siya hindi parin maalis ang ngiti sa labi.
"Eto lang ba? Baka may iba ka pang gusto?" Halos matunaw ako at kulang nalang na maglupasay sa sahig nang kindatan niya ako. What the heck.
"Ayaw mo sa talong ko?" Nakangisi parin ito nang nakakaloko at ako nanlaki naman ang mga mata sa naging tanong niya!
Nang-aasar ba siya o ano????
Nakaawang lang ang labi kong nakatingin sa kaniya at tila 'di alam ang sasabihin.
"Haha. Joke lang. Pero kung gusto mo talaga ng talong ko, balik ka lang. Libre na, malaki pa." At sa pangalawang pagkakataon, kinindatan na naman niya ako.
Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh babalik ako ihihi.
(Reposted)
✍: @janessCious|Janess Manunulat

BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
AcakEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...