ML PLAYER

21 4 0
                                        

ML PLAYER GF

YOU HAVE SLAINED AN ENEMY!*

DOUBLE KILL!*

TRIPLE KILL!*

MANIAC!*

SAVAGE!*

Aba, ang lupit ah.

Pasimple akong sumilip sa laro ng gf ko. Pareho kaming naglaro ng ML pero nauna ako matapos sa kaniya kaya naman malaya akong pinanood siya.

"Galing mo na, ah?" Komento ko. Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya dahil masyado siyang abala kakalaro.

LEGENDARY!*

"Kala mo, ah..." Mahina niyang bulong patungkol sa kalaban. Napailing-iling naman ako saka umalis sa kama para kumuha ng makakain.

Nakakakita ako ng ice cream sa ref kaya naman 'yon ang pinagdiskitahan kong lamunin. Bumalik ako ulit sa kwarto saka tumabi sa kaniya.

YOU DESTROYED THE TURRET!*

"Mahal, alam mo ba kung anong meron bukas?" Tanong ko sa kaniya saka sumubo ng ice cream. Tiningnan ko siya at kumunot lang ang noo niya habang naglalaro.

"Huy!"

"Ano ba?!" Pagalit niyang asik pero nakatutok sa laro ang atensyon niya. Napalayo ako ng kaunti sa kaniya at kunwaring emosyonal na napahawak sa dibdib habang nakatitig sa kaniya.

"Tinatanong ka lang! Wag mo sabihin sa'kin na nakalimutan mo kung anong meron bukas?" Pinapapak ko ang ice cream habang nakatingin sa kaniya. Inaantay ang sagot niya.

"Ano ba bukas? Malamang sabado! Iritable niyang tugon.

Okay, na first blood niya ako do'n.

"Hindi ko tinatanong kung anong araw bukas, ang tanong ko kung alam mo kung anong meron bukas."

Na-double kill ko siya. HAHA.

"Aba, malay ko ba?! Wala naman akong alam kung ano banv may'ron bukas."

Double kill.

"Bakit hindi mo alam?"

"Eh, sa hindi ko nga alam!"

Triple kill.

"Kaya nga bakit hindi mo alam— hindi mo inalam— hindi mo tinandaan!" Nangagagalaiti ko nang singhal.

'Yong bukas pa talaga ang kinalimutan kung kelan monthsary namin! Konting-konti nalang talaga, mahahagis ko na 'yang cellphone niya.

"Ayokong alamin, eh. Wala naman akong pakialam."

Maniac!

G*go?!

"Walang pakialam?! Eh, ako? May pakialam ako!"

"Hindi ko naman tinatanong kung may pakialam ka ba."

SAVAGE!

Sa'kin niya namana 'yan, eh.

Marahas akong napahilamos sa buo kong mukha dahil sa inis. Putik! Pwede bang manapak ng girlfriend?!

Sa sobrang inis ko ay lumayo ako ng kaunti sa kaniya saka sinadyang sipain ang phone niya kaya niya 'yon nabitawan. Saka ko narinig ang—

SHUTDOWN!*

Uh— oh... wrong move.

Agad kong pinakalma ang sarili dahil alam kong may paparating na delubyo. Nang tingnan ko ang gf ko ay nakatitig na siya ng walang emosyon sa cp niya saka niya iyon dahan-dahang binitawan.

Sinimulan ko naman ang pag-atras dahil alam kong literal akong papatayin ng gf ko. Dahan-dahang umikot ang ulo niya— at may cracking sound pa talaga! At nang mahuli niya ang mga mata ko ay ngumisi siya ng mala-demonyo.

Kinabahan naman ako ng sobra at sisimula na sanang tumakbo nang mauna pa siyang kumilos sa'kin. Sinalubong ng palad niya ang mukha ko habang galit na galit na pinatungan ako.

"HAAAAAAYOOOOPPPP KAAAAAAAA!"

Sumigaw siya na masisiguro kong magigising ang nasa iba pang kabahayan saka ako— PINAGPAPALO PALO!

"Put*ngina! Hay*p ka! G*go ka! Hinayupak kang animal ka! Dimunyo! Pisti! Pisti—"

"Ahh! M-Mah— tama na! T*ngina! Hahahaha!"

Ang kaninang kaba ko ay nauwi nalang sa tawa. Umiiwas ako sa bawat palo niya habang siya ay nanggagalaiti parin akong pinagpapapalo habang matalim ang tingin sa'kin.

"G*go ka—"

Pero sabay kaming natigilan nang marinig ang phone niya.

DEFEAT!*

Patay.

• ONESHOT STORY
• Photo is not mine.

✍️: @janesscious|Janess Manunulat

ONESHOT TAGALOG STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon