SHE LEFT ME WITH HER SHADOW

13 3 0
                                    

SHE LEFT ME WITH HER SHADOW

"Babe, halika na kain na tayo," Nagtungo ako sa kwarto ng girlfriend ko at ginising ito. Nakangiti ako sa kaniya at ginantihan naman niya ako ng ngiti habang nag-uunat siya.

"G-Goodmorning babee.." Medyo inaantok pa niyang sambit saka ako mabilis na ginawaran ng halik sa labi. Napangiti naman ako nang pagkalawak lawak.

"Goodmorning too, babe. Halika na, kain na tayo." Sabi ko saka siya hinalikan ulit bago lumabas ng kwarto.

Inayos ko na rin ang kakainan namin. Napapabuntong-hininga ako. Hindi ko alam. Pilit kong inaalis sa isip ko 'yon at pilit na ngumiti nang makita ko si Dale na lumabas ng kwarto.

Napangiti rin ako sa suot nito habang siya palapit sa'kin. Suot niya ang nalumaan ko nang manipis na long sleeve shirt na di aabot sa tuhod niya. Bumagay sa kaniya ang damit ko kahit may kalumaan na dahil sa angking ganda niya.

Para siyang nagliliwanag sa panginin ko. Para siyang anghel na dumating upang bantayan at alagaan ako.

"Hey, babe." Do'n lang ako nagising sa reyalidad nang namalayang nakatulala na pala ako sa kaniya. Agad naman akong nakabawi saka siya ningitian.

"Sobrang ganda mo talaga babe..." Natutuliro kong sabi na halos hindi na inaalis ang paningin sa kaniya.

Gustong mangilid ng mga luha ko. Pero pilit ko 'yong pinipigilan at tinatatagan ang loob kong gustong-gusto nang ilabas ang lahat ng emosyon ko.

"Sus. Kaaga-aga nambobola ka na naman. Kain na tayo." Nangingiting sabi niya saka umiling-iling. Napangiti naman ako dahil sa paraan niya ng pagpipigil ng kilig.

Mabilis naman akong iginiya siya sa uupuan.

"Nice, gentleman." Nakangisi niyang sabi dahilan para matawa kaming pareho.

Pinagsaluhan namin ang agahan 'yon nang masaya, masayang kwentuhan, masayang biruan, at higit sa lahat, masayang pagmamahalan. Ngunit di ko paring maiwasan mag-isip na parang may kulang. Di ko matukoy kung ano 'yon at ayoko nang alamin pa kahit alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga 'yon. Na kahit nandito siya sa harap ko, tila nangungulila parin ako sa presensiya nito.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw, mawala na naman siya. Mawala sa harap ko yung magagandang ngiti niya. Masayang mukha niya. Magandang itsura niya.

Pero parang binabagabag na ang kosensiya ko dahil sa taong ayaw pang pakawalan ng utak at puso ko.

Binura ko nalang sa isip ko ang lahat nang isiping iyon at tinutok ang atensyon sa kaniya. Sa kaniya lang.

"BABE, DOON tayo oh!" Masigla niyang aya at hinila ako papunta doon sa lugar na nagustuhan niya. Wala akong nagawa kundi nakangiting nagpatianod sa kaniya.

"Yehey! Ang galing ko, babe! Ikaw naman oh." Ganadong-ganado talaga siya ngayon. Binigay naman niya sa'kin ang natirang darts para tamaan ang lobo doon sa isang makapal na board bilang target.

Nang araw ding 'yon ay napagdesisyonan naming magdate. Ngayon nandito kami sa peryahan.

"Awww..." Parang nalulungkot niyang ungot saka ngumuso matapos niyang hindi makatama. Natawa naman ako dahil sa kacute-tan niya at hindi maiwasang pisilin ang ilong niya.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon