FIRST KISS

16 4 0
                                    

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐊𝐈𝐒𝐒


Sa hindi kalayuan tanaw ko ang lalaking nasa isip ko palagi. Lalaking alam kong imposibleng maging akin. Dahil kahit anong gawin ko, hanggang pagtingin lang mula sa malayo ang magagawa ko.

Hay, bakit ba ako ganito? Alam ko naman na wala akong pag-asa pero ang puso ko higit na umaasa.

Uwian na namin ngayon at katulad ng dati kong ginagawa, parati ko siyang inaabangan sa labas ng school namin. Pero hindi ko inaasahan ang isang babae na lalapit sa kaniya.

"Hi, Joshua. Pwede ba tayo magsabay?" Rinig kong malumanay na tinig ng isang babae. Doon ko nakita ang babaeng sobrang ganda. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong, makinis, mapupula ang mga labi at dalagang Pilipina kung kumilos.

Napangiti naman sa kaniya si Joshua at kinausap niya ito. Tumalikod nalang ako dahil hindi ko na mapigilan ang paninikip ng dibdib ko.

Hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Napababa nalang ang tingin ko sa sarili ko at napabuntong-hininga.

Kahit kailan talaga hindi ko kayang pantayan ang ganda niya.

Si Joshua lang naman ang nag-iisa kong minahal nang ganito. Minsan ko na rin siyang nakasama, pero umiiwas ako. Umiiwas ako dahil alam ko kapag pinagpilitan ko ang sarili ko sa kaniya, habang magkasama kami ay bibigyan ko ng malisya ang lahat ng kilos niya at masasaktan lang ako sa huli.

Gano'n naman kasi talaga kapag gusto mo ang isang tao. Lahat nalang sa kaniya mahal mo at lahat ng kilos niya ay bibigyan mo ng kahulugan.

Namalayan ko nalang na lumandas na ang isang butil ng luha mula sa mata ko papunta sa pisnge ko. Kaya bago pa bumuhos ang emosyon ko, dali-dali na akong naglakad papalayo at pinunasan ang luha ko.

Sobrang hirap ng ganito. Umaasa kang magustuhan ng taong gusto mo kahit alam mong imposible siyang mapasa'yo.

Habang naglalakad pauwi ay napatitig ako sa kalangitan. Nagiging kulay kahel na ang langit at malapit nang lumubog ang araw. Napangiti nalang ako sa ganda na nakikita ko.

Patuloy parin ako sa paglalakad nang bigla ay may naramdaman akong yabag ng mga paa papalapit sa'kin. Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan at mas binilisan pa ang paglalakad.

Habang nagmamadali ramdam ko rin na nagmamadali na ang yabag sa likuran ko. Hindi ko kayang lumingon dahil natatakot ako at baka pagharap ko may halimaw na doon!

Gusto ko nang umiyak na ewan, ang lakas rin nang kabog ng puso ko at patuloy parin sa pagmamadali.

Pero halos lumabas na ang puso ko sa kaba ng maramdamang nasa likod ko na siya.

"M—"

Nang may marinig akong nagsalita a𝗍 hinawakan ang balikat ko ay agad kong kinuha ang braso niya nang walang lingon-lingunan! Pinilipit ko iyon patalikod at napasigaw naman siya sa sakit.

Buti naalala ko pa yung self-defense na tinuro sa'kin noon ni Dad

"A-Aray! Ahh! T-Teka lang naman, Mae!"

Para akong napaso at agad na binitiwan ang braso niya ng marinig ko ang boses na 'yon. Halos matulos ako sa kinatatayuan ng makilala ang nasaktan ko.

"J-Joshua?" Gulat kong tanong.

Nakangiwi siyang ngumiti sa'kin dahil iniinda niya parin ang sakit ng braso niya. Napatutop ako sa bibig at agaran na nilapitan siya.

"H-Hala— sorry! Sorry, Joshua. Ikaw naman kasi, eh! Tinakot mo 'ko," Bwelta ko. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa dahilan para kabugin nang malakas ang puso ko.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon