LOVE ME, OR I'LL KILL YOU?

36 2 0
                                    

LOVE ME, OR I'LL KILL YOU?

"Where are you going, Lailah?"

Lumingon ako kay Athena. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Sobrang lungkot ng hitsura dahil sa nangyari sa kanila ng démônyong minahal niya.

"May gagawin lang ako." Tipid akong ngumiti sa kaniya bago siya iniwan sa apartment niya.

Ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan may gawin ako para mailigtas siya.

Ngayon kasi ang araw na haharap siya sa itaas upang parusahan siya sa nagawa niya. Malala ang parusa dahil nagmahal siya ng dèmònyo lalo na at nagkaanak pa sila.

Kailangan kong puntahan ang Diyosa ng Kagubatan upang manghingi ng tulong.

Malamig ang simoy ng hangin habang payapa akong naglalakad sa gitna ng gubat. Madilim pero hindi ako nakakaramdam ng takot. Ang mga Anghel ay hindi madaling matakot. Dahil kami ang gumagabay sa mga taong maraming kinakatakutan.

Kumakanta pa ako habang naglalakad pero natigil ang mga paa ko sa paghakbang. Kumunot ang noo ko.

Huh?

Sinubukan ko pang gumalaw pero tila yatang nayelo ang mga paa ko sa lupa. Naninigas ang paa ko at umaakyat na 'yon papunta sa katawan ko.

Dinagundong ako ng kaba. Hindi dahil sa baka may taong nakakakita sa'kin. Dahil hindi naman kayang gawin ng tao ang ganitong mahika. Malamang na ibang nilalang ito.

Sinubukan ko 'ring gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi 'yon gumagana dahil hindi ako makabwelo. Naiipit ako at parang malalagutan na ng hininga. Kahit ang mga pakpak ko ay hindi ko maibuka dahil sa klase ng itim na mahikang bumabalot sa'kin.

Itim na mahika... isa lang ang ibig sabihin nito.

Démónyo.

"Magandang gabi sa'yo, aking binibini."

Napasinghap ako at nanlamig ang buong katawan nang marinig ang kakaibang boses sa likuran ko. Hindi ko magawang lumingon dahil hindi parin ako makagalaw. Pumikit nalang ako at pinakiramdaman ang may-ari ng boses na iyon.

Tumaas ang balahibo ko nang maramdamang may kung anong talahib ng bulaklak ang dumadaplis sa mukha ko. Naamoy kong rosas iyon na hawak ng nilalang sa likod ko, pero halos mapunit na ang mukha ko dahil sa talas ng kakaibang bulaklak na iyon.

"Ano ang dahilan at narito ka sa gitna ng dilim?" Patuloy parin ang paghaplos ng matinik na rosas na iyon sa mukha ko. Bumababa pa iyon papunta sa leeg at dibdib ko. Mas lalo akong inatake ng kaba.

Pumikit ako ng mariin at sinubukang kumunekta sa Panginoon sa pamamagitam ng pagdasal pero natigil lang 'yon nang muli siyang magsalita.

"Walang bisa ang dasal mo rito, binibini." Saka siya tumawa ng malakas. Gusto kong takpan ang tainga ko dahil masakit sa tainga ang boses niya na nanggaling pa sa kinailaliman ng lupa. Nangingilabot ako.

"A-Ano bang kailangan mo sa'kin?" Mahina at malumanay kong tanong. Kailangan kong malaman kung anong pakay niya habang nag-iisip ng paraan upang makatakas.

Kahit yata ang isip ko ay nabasa niya. "Hindi ka makakatakas dito kahit pa anong gawin mo. Balot na nang enerhiya ko ang kagubatang ito, bago ka palang magpunta rito." Muli pa siyang tumawa.

Mas lalo akong binabalot ng takot. Nawawalan na ng pag-asang makatakas. Kahit ang kapangyarihan ko ay wala 'ring silbi dahil mukhang pinaghandaan talaga ng démónyong ito ang pagdating ko. Hindi hamak na mas malakas siya sa'kin lalo na at nakatungtong ako sa teritoryong inangkin niya.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon