MY BOYFRIEND IS A VIRGIN??

32 2 0
                                    

MY BOYFRIEND IS A VIRGIN??

"Weh?? Totoo? Virgin ka pa?"

"O-Oo, hehe..." Ani nito sabay kamot sa ulo.

Umakto pa akong nag-iisip. Nagdadalawang-isip kasi ako kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi niya.

Well? Sino ba naman kasing maniniwala. He's already 17 years old for God's sake! Nearing 18! Tapos wala pang karanasan?? At wala pa din siyang first kiss! It's not that I'm doubting his words, pero sa panahon kasi ngayon一

"一Pero一"

Oops. Ba't may 'pero'?

"Nakakita na ako ng nagse-se一"

"Ano?!" Bigla ay napatayo ako bago niya pa maituloy ang sasabihin niya dahil alam ko na ang kasunod no'n!

He frowned at my reaction. "Ahmm.. M-Mahal一" Nag-aalangan pa siyang hawakan ako pero umiwas ako!

Tinaasan ko lang ng kilay ang nakangiwi niya ngayong itsura saka siya pinameywangan. "Kailan?"

"D-Dati pa."

"Anong grade ka no'n?"

"Ahmm... grade 8 yata or 9."

"Paanong 'nakakita' ka nang 'gano'n'?"

Tinitigan ko siya ng mariin ng ilang segundo siyang natahimik. Nako! Talaga ka lang!

"A-Ano..." He let a loud breath and continue. "Yung ka-tropa ko noon, nagvi-video sila ta's nanonood kami一"

"K-Kami?!" It was shocked the hell out of me!

What the一 ibig sabihin... l-live?! Live 'yon at sila naman ang audience一 tapos nanonood 'sila' na parang may naghahalikan 'lang' sa harap nila?!

What the fudge was that!

"O-Oo. Pero sila lang naman mga kaibigan ko ang gumawa nun. Hindi ako kasali."

Dahil sa huling salitang binanggit niya ay napalingon ako sa kaniya. Napatingin rin siya sa'kin ng puno nang pagtataka一 saka ko siya pinangningkitan ng mata na sinisigurado kung totoo ba ang sinabi niya.

He sighed as a sign that he was defeated. "Ako yung taga-tingin noon kung may tao para 'di sila mahuli."

"Wow..." Sarkastiko kong bulong. Hindi pala kasali, ha.

"Atleast 'di ako sumali sa 'ginagawa' nila."

"Talaga, ha?" Ani ko na naninigurado.

"Promise." Tugon niya.

Napairap nalang ako sa hangin. Well, virgin pa naman siya physically pero wala na siyang virgin eyes.

Though, I'm still doubting it.

"What th一"

Nabigla nalang ako ng buhatin ako ng virgin kong boyfriend saka inikot ikot.

"Hoy! G*go ka talaga!"

Tatawa-tawa lang siyang binaba ako. Napanguso nalang ako ng halikan niya ako sa noo dahilan para maipikit ko ang mga mata ko.

Ganiyan siya, seryoso to loko-loko一 tapos loko-loko to sweet一 tapos loko-loko ulit.

Hmm, mahal ko pa rin naman siya kahit gaano siya kabaliw.

Minulat ko ang mata ko saka nag-ingat ng tingin sa kaniya. He looked on my lips and look on my eyes again.

"Try natin?"

Napakurap-kurap pa ako ng sandali sa sinabi niya. Unti-unti ay napaawang nalang ang labi ko ng magsink-in sa utak ko ang ibig niyang sabihin!

Kiss! HINDI PA kami nagki-kiss sa lips!

2 months in a relationship na kami pero hindi pa namin na i-try 'yon'. At isa pa, wala pa akong first kiss!

At dahil wala rin siyang first kiss...

I wonder... how would it feels?

Wala sa sariling tumango ako at pumikit. Ilang segundo pa...

Nang maramdaman ko na ang labi niya sa'kin.

Ramdam ko ang katamtamang init ng labi niya na humahaplos ng marahan sa labi ko. May nalalasahan rin akong matamis at parang gusto ko pa 'yong malasahan sa hindi ko malamang dahilan.

Ito na ba 'yong sinasabi nilang 'tamis ng halik'?

Suddenly, he moves his lips into mine. He's now sucking and biting my lips. Hindi ko alam ang gagawin kaya nanatiling nakaawang ang labi ko para sa kaniya dahilan para malaya niyang gawin ang gusto niya sa loob ng bibig ko.

His lips were moving like he is finding something. Until I felt that he's now slowly sucking my tongue making me feel a tingling sensation in my stomach.

Such a good kisser...

Napatigil ako bigla sa naisip kong 'yon at habol ang hiningang humiwalay sa kaniya.

Bakit ang一

"Bakit ang sarap mo humalik?!" Singhal ko sa kaniya.

"Ha?" He asked with a teasing smile!

Dimwit! Mali yung words!

"I-I mean... " Tumikhim ako saka lihim na minura ang sarili. "Bakit marunong ka humalik?"

Now, he looks confused. "Ah?"

"Ano?! Answer me! Bakit marunong ka humalik??! Akala ko ba sabi mo wala ka pang first kiss一"

"Nagsearch ako."

Napatingalngal ako sa kaniya. "H-Ha?"

"Sinearch ko kung pa'no." Aniya saka nagkibit-balikat na parang wala lang.

Ok. Naniniwala na talaga akong virgin siya.

✍: Janess|@janessCious

****

Just visit my facebook account, (Janess) if you want to read my story there!

꧁𒊹︎︎︎꧂

@janessCious|Janess

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon