PAPA

24 2 0
                                    

"Dahan-dahan lang kasi." Mahinang paalala ni Mama kay Papa nang alalayan niya itong pumunta sa hindi kalakihan naming CR. Inosente lang akong tinitingnan sila.

"Hoo!" Habol ang hiningang lumabas si Mama sa CR pagkatapos tulungan si Papa ro'n. Naupo naman ako at pinanood si Mama na ayusin ang hihigaan ni Papa.

Sa totoo lang, hindi naman ganito kabaldado si Papa noon. Nagkasakit kasi siya, stroke. Halos hindi na niya maigalaw ang kanan niyang braso at paa kaya kahit sa pagpunta sa banyo ay kailangan niya ang tulong ni Mama.

Naawa ako sa kalagayan ni Papa. Dahil nagkasakit siya ay hindi narin siga makapagtrabaho sa ngayon. Buti nalang at nandiyan ang iba pa naming kaanak para tulungan kami.

"Tapos na." Halos pilit pinapalakas ni Papa ang boses niya dahil narin sa panghihina niya. Agaran namang tumalima si Mama.

Kita sa mukha ni Mama ang pang iinda sa bigat ni Papa, maiupo lang siya sa upuan. Nakahinga narin ng maluwang si Papa dahil sa wakas ay nakaupo na siya.

Napa-aray si Papa sa sakit ng paa niya. Napahinga naman ng malalim si Mama.

"Tingnan mo. Pa'no nalang kung wala ako dito? Edi hindi mo nakayanan 'yang sakit mo." Tila nanunumbat ang tinig ni Mama, naiinis na. Pero alam kong kahit naiinis siya, nag-aalala parin siya para kay Papa. Kahit lagi sila nag-aaway, nandiyan parati si Mama para alagaan si Papa.

Hindi nalang sumagot si Papa dahil narin siguro sa ayaw na muna ng away. Napanguso lang ako at nakipaglaro nalang sa mga kapatid ko.

——

"Ahh! Ahh! Arayyy!"

Sigaw ni Papa na halos umabot na sa kapitbahay ang bumulabog sa'min. Agad naman akong pumasok sa bahay.

"Ang sakit.. " Parang maiiyak na si Papa habang hawak ng mahigpit ang paa niya. Nakita ko rin na hindi lang pala si Mama ang kasama niya. May albularyo din silang pinapunta.

Patuloy na iniinda ni Papa ang sakit niya sa 'di malamang dahilan. Parang gusto ko rin maiyak sa nakikita ko pero dahil masyado pa akong bata, konti palang ang naiintindihan ko sa mga nangyayari.

Namimilipit na sa sakit si Papa habang nakaalalay naman si Mama sa kaniya. Hindi ko alam pero parang natutusok ang puso ko sa bawat sigaw ni Papa sa sakit. Nag-aalala ako ng husto.

Nakita ko naman ang ginawa ng albularyo. May pinahid siyang kung ano sa binti ni Papa at parang nabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Nakahinga ako nang maluwang. Gano'n rin sina Mama at ang mga kapatid ko na inosenteng nanonood sa ginagawa ng albularyo.

Sunod naman ay nakita kong hinanda ng albularyo ang isang maliit na palanggana na may lamang tubig. Nagsindi siya ng kandila at pinatakan ang tubig sa maliit na palanggana.

May hugis na nabuo sa tubig na 'yon nang patakan ng albularyo 'yon. Pero hindi ko maintindihan kung ano iyon.

May sinabi ang albularyo kay Mama at Papa. Pinakulam daw si Papa. Pero hindi do'n natuon ang atensyon ko. Kung hindi ay sa sunod na sinabi ng albularyo.

"Nakipagtalik ba kayo sa iba?"

Tanong ng albularyo kay Papa na nakapagpatigil sa kanila. Parang nag-iisip pa si Papa ng sasabihin pero sa huli, umamin siya.

Inamin ni Papa ang totoo. Nakipag-s*x daw siya sa iba, una kong tiningnan si Mama. Natahimik siya.

Ang sabi ay pinakulam siya pero ngayong nasa wastong isip na ako, alam kong karma pala ang sakit na 'yon dahil sa nagawa ni Papa.

"B-Bakit mo.. bakit mo nagawa 'yon?" Gabi na nang kausapin ni Mama si Papa. Nakahiga na si Papa pero gising parin siya. Habang ako naman ay naglalaro pero ang tainga ko ay hindi mapigilang makinig sa kanila.

Halatang nagpipigil si Mama. Ilang sandali lang ang lumipas, humagulgol na siya ng tuluyan. Hindi ko naman siya malapitan o madamayan dahil hindi gano'n kalinaw sa'kin ang mga nangyari.

"B-Bakit... bakit?!" Halos napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Mama. Saka siya tumayo at sinuntok si Papa sa tiyan dahil narin sa sobrang galit at sakit nararamdaman. Ininda ni Papa ang sakit pero tahimik lang siya, hinahayaang saktan siya ni Mama habang umiiyak ng sobra.

Naaawa ako kay Papa dahil may sakit siya pero mas naaawa ako kay Mama. Dahil alam kong walang katumbas ang sakit na naranasan ni Mama nang malaman ang nagawa ni Papa.

@janessCious | Janess Manunulat

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon