HUGASAN

15 2 0
                                    


"Hoy! Ano ba naman kayong mga bata kayo?? Puro silpon na naman ang inaatupag niyo! Bakit hindi kayo dito maghugas ng pinggan?! Tambak yung hugasin! Juskoooo! Naman talaga—"

RATATATAT TAT! RATATATATATA TAT!

Umagang-umaga andiiiitooooooo— na naman ang mala-machine gun na bunganga ni Mama kaya napatigil ako sa pagshesharedpost ng minu-minuto. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis.

Lintik! Bawal ako magpalipas ng sharedpost! Nakakasama sa kalusugan!

Marahas akong napabuga ng hininga saka nawawalang ganang lumabas ng kwarto. Iniwan ko na ang mahal kong 'silpon' sa kwarto dahil mahirap na kung 'yon naman ang puryintahin ng mala-machine gun na si Mama.

Pagkalabas ng kwarto ay hindi parin mahinto sa kakaratatat si mama. Hay, buhay.

"Wala na kayong ginawa kundi magsilpon nang magsilpon! Matulog! Humilata! Magtambay sa kwarto hawak ang silpon— pati modules niyo hindi niyo pa rin inaasikaso! Ano bang plano niyo sa mga buhay niyo??? Ha???!! Bakit hindi kay—"

"Opo na Ma." Agad kong tigil sa kaniya. "Huhugasan na daw ni Ate yung hugasa—"

"Anong ako?!" Hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita nang sumingit na ang isa pang nakakarinding boses ni Ate. Namumula na ang buo niyang mukha maging ang tainga dahil sa galit. Bigla ay gusto ko nalang humalakhak.

"Eh, ikaw yung Ate eh." Nawawalang ganang tugon ko. Tumaas naman ang isa niyang kilay at binigyan ako ng matalim na tingin na para bang gusto niya akong ilibing ng buhay.

"Eh ba't ikaw??" Ayun na ang nanunumbat na boses ni Ate. "Kung hindi ka nagfe-facebook— lagi ka nag e ML! Wala ka na ngang ginagawa maghapon kundi mag ML nang mag ML kaya dapat ikaw ang maghugas diyan!"

Kumunot naman ang noo ko. Ako? No way. "Eh, ba't ikaw din Ate? Halos buong araw ka na nga lang nakakulong sa kwarto kasi puro ka wattpad. Ni hindi ka na nga natutulog eh." Asik ko. Mukhang hindi natutuwa ang Ate ko at mukha na siyang mananaggal na ubod ng pangit habang namumula sa galit.

"Ikaw na maghuga—" Ako.

"Ikaw na maghuga—" Ate.

"Manahimik kayo!" Pigil sa'min ni Mama na hindi man lang namin namalayang nakaalis na pala sa harap namin. Nando'n na siya sa salas at prenteng nakahilata sa sofa habang hawak ang cellphone niya.

Di lang naman kami ni Ate ang adik sa cellphone eh.

"Hugasan niyo na 'yan! Hindi 'yan magkukusang malinis kung puro lang kayo sigaw diyan!" Bulyaw sa'min ni Mama. Napakamot nalang ako sa ulo at napairap naman sa hangin si Ate.

"Ikaw na ng kasi ang maghugas!" Mahinang bulong pero may diing sabi ni Ate habang dinuduro yung hugasan para daw hugasan ko na hindi ko naman gagawin.

"Ayoko! Ikaw na! Bahala ka diyan." Sagot ko at akma na sanang tatalikod papaalis nang hilahin niya ako papunta sa lababo kaya naman muntik ko nang halikan ang maduduming hugasan.

Pusang ina. Halos isubsob na niya ang mukha ko sa lababo ah??!!!

Napakagat nalang ako ng labi sa inis dahil sa ginawa niya. Kaya naman sa sobrang inis ay pumunta ako sa likod niya— at tinulak siya ng marahas palabas ng kusina.

Nanahimik ang paligid pagkatapos ng ginawa kong 'yon. Bigla ay nanlamig ang katawan ko't namawis ang ulo ko habang unti-unting sinisilip ang pinaghagisan ko kay Ate.

Natulos ako sa kinatatayuan. Walang namutawing salita sa bibig ko't napako sa katawan ni Ate na punong-puno ng dugo.

"A-Ate..."

Ramdam ko ang paggaralgal ng boses ko at panginginig ng kamay ko maging ng kalamnan ko. Hindi ako makalunok nang maayos dahil pilit ko paring pinagsisiksikan sa utak ko ang nangyari na hindi ko maisip.

'Kasi wala ka namang utak'. Sabi ng utak ko— a-ano daw??

Hanep ang kabobohan ng utak ko ha.

"A-Ate! Hindeeeeee!"

Tumakbo ako papalapit sa kaniya saka nanghihinang napaupo sa tabi niya.

Hindii.. hindi 'to pwede mangyari.. sabihin niyong namamalikmata lang ako...

"Ate! Gumising ka! Hindi 'to pwede!" Namalisbis na nang sunod-sunod ang luha mula sa mga mata ko habang niyuyugyog ang katawan niya. Hindi ako makapaniwala.... na wala na si Ate, at ako na ang maghuhugas ng pinggan.

Hindeeeeeeeeeee pwedeeeeeee!!!!

Nasasaktan ako sa isiping ako ang maghuhugas ng lahat ng maduduming hugasan na 'yon. Mula sa baso— kutsara— mangkok— platito— at yung lintek na mga kaserola!

Hindi 'to katanggap-tanggap!

"A-Ate! Gumising ka! Nasa'n ang hustisya?? Ayaw ko maghugas! Gumising kaaaaaa!"

Kahit masikip sa dibdib, iniwanan ko nalang ang hindi naman kagandahang katawan ni Ate sa labas ng kusina at napilitang maghugas ng pinggan habang naluluha pa din.

Ang dudumi tapos ang dami. Hindi ito makatarungan. Ibigay niyo ang hustisiya sa'kin! Lintik ka, Ate!

✍️: @janesscious | Janess Manunulat

Please note the sarcasm. Hindi ko alam kung bakit nag sad react yung iba diyan HAHAHA.Wag seryosohin. Ito po ay Work of Fiction lamang.

Photo is not mine.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon