𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝐅𝐎𝐎𝐋𝐒 𝐃𝐀𝐘
"OMG! Claire! Yung crush mo, si Prince! papunta na dito! May sasabihin daw sa'yo!" Parang kinikiliting bulateng sabi ni Mara, bff ko.
"H-Halaー t-talaga?? Ano daw y-yon??" Kinakabahan kong tanong. Gosh! Ano kaya 'yon? Na-eexcite ako crush, ah.
"Aba, ewan! Siya ang tanungin mー ayan naaaaa! Waaaaa!"
Nang mapalingon ay bigla na namang nag slow motion ang lahat sa paligid ko habang nakatingin sa nakangiting hitsura ni Prince. Dumadagundong ang puso ko sa tuwa! Aaaa!
Hihimatayin na sana ako pero nakalapit na sa harapan ko si Prince kaya naisip ko mamaya nalang himatayin.
"You're so beautuful, Claire." May bahid ng ngiti niyang sabi at hinalikan ang likod ng palad ko! Waaaa! Gusto ko na talagang himatayin pero ayaw ko ma missed ang moment na 'to!
Napatingin ako sa suot niya. Pareho pa kaming naka black ah! Mukhang pinagplanuhan, hihihihi.
"E-Ehmm.. s-shelemet, ehehehe... " Pabebe kong sagot saka hinawi ang buhok ko sa likod ng tainga ko. Enebe, kress nemen eh.
Wala sa sariling napatutop ako sa bibig ng lumuhod siya sa harap ko! WAAAAAAAHHH! Eto na ba yon??? Yong magco-confess siya nang feelings niya sa'kinー tapos hihingin niya yung kamay ko para isuot yung singsing tapos ayain akong magpakasal taposー tuwang tuwa ang mga magulang namin taposー kinasal na kami saka nagkaroon ng maraming anak na kamukha niya at kamukha ko??? WAAAAHHHH ettoooo na ngaaaa!
"OH... MY... GAHD.... " Nasambit ko nalang ng may kuhain siya sa bulsa niya! Kulay black 'yon na lagayan ng singsing! Waaaaaa di ko inakalang matutupad ang mga pangarap ko na akala ko hinding hindi mangyayare!
Hindi mapaglagyan ang saya ko ng biglangー
' JUST FRIENDS. '
' JUST FRIENDS. '
' JUST FRIENDS. '
Kinusot ko pa ang mata ko baka kasi mali lang ang nakikita ko! Peroー gano'n pa din!
' JUST FRIENDS. ' - ang nakasulat sa papel sa loob ng INAKALA kong lagayan ng singsing!
BAKIT?????? GANO'N???????
"Happy April Fools Day," Natatawang ani sa'kin ni Prince. Sa pagkakataong ito, parang gusto ko siyang sakalin hanggang sa malagutan siya ng hininga.
Letche April Fools Day nga pala ngayon.
Nameke ako nang tawa at niyakap siya. Natigilan siya pero niyakap rin ako pabalik dahil mukhang alam niya ang nasa isip ko.
MARAMING NANONOOD SA'MIN AT PANIGURADONG MAPAPAHIYA AKO KAPAG NALAMAN NILA NA HINDI NAMAN TALAGA SINGSING 'YON! NGINA NAMAN!
Kunwari masAyA. Peste.
Nanatili lang kaming gano'n habang ako peke nang nakangiti at pinag-iisipan kung paano patayin ang crush ko ngayon. Para pagkatapos ko siyang patayin pipili nalang ako ulit ng bagong crush. Yung hindi PAASA.
✍: Janess Manunulat|@janessCious
#ArawNgMgaGagoAtManloloko
#HappyAprilFoolsDay
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
CasualeEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...