PAINFUL BREAK-UP

50 4 0
                                        

𝐏𝐀𝐈𝐍𝐅𝐔𝐋 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊-𝐔𝐏

"Masyado pa kayong mga bata, ano ba. Angela, nag-iisip ka ba? Nakikita mo ba 'yang sarili mo kung ilang taon ka palang? Jusko naman! Katorse anyos ka palang tapos may boyfriend ka na??"

Napayuko si Angela at tahimik nalang na umiiyak. Habang ako, pakiramdam ko nayelo ako sa kinauupuan. Gusto kong lapitan si Gela dahil sa 'twing nakikita ko siyang umiiyak, parang pinipiga sa sakit ang puso ko.

Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang lapitan, gusto ko siya yakapin para patahanin pero hindi ko magawa. Dahil hindi pwede.

Kahit pa isang metro lang ang layo ko sa kaniya, parang may pader na nakaharang sa'min. At 'yon ang magulang niya.

"At ikaw.." baling sa'kin ng Mama niya. Bumalik na naman sa kaba ang puso ko. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?"

Pinakalma ko ang sarili saka nagsalita. "A-Ako po si Sebastian, 17 na po ako."

Napahinga ng malalim ang Mama niya, pinapakalma ang sarili. Si Angela walang tigil pa rin kakaiyak, habang ako nasasaktan lang na nakatingin sa kaniya, walang magawa.

"14?? 17?? Tingnan niyo nga edad niyo. Tsk." Tila ba naiinis nang ani ng Mama niya.

Alam ko ako, may pagkagago at siraulo ako. Mahilig akong pumasok sa kung ano-anong gulo o rayot noon, at kahit kailan hindi ko naramdamang matakot kahit pa si kamatayan makaharap ko. Pero ngayong nanay ng mahal ko ang kaharap ko... pakiramdam ko gusto kong umatras. Pakiramdam ko kakainin ako ng Mama niya kaya gano'n nalang siguro ang takot ko sa kaniya.

Napailing nalang ako sa sarili.

"Siguro naman maiintindihan mo, Sebastian, na hindi kami pumapayag sa relasyon niyo. Masyado pang bata 'tong si Angela. Buti nga ikaw e, mag e-18 ka na. Pero si Angela.. hindi e. Hindi pwede." Hindi naman sumisigaw ang Mama niya. Nangangaral lang ngunit seryoso. At natatakot ako sa isiping pagkatapos ko dito ay baka bugbugin si Angela ng Mama niya.

"Opo, naiintindihan ko po." Simpleng sagot ko kahit pa nangako ako kay Angela na ipaglalaban namin ang relasyon namin. Na kaya naming dalawa 'to, para maging legal na kami. Pero... wala. Wala kaming magawa pareho. Dahil hindi pa kami gano'n kalakas, wala pa kaming karapatan magpumilit sa relasyong gusto namin dahil wala pa kaming maipagmamalaki sa pamilya namin. Wala pa akong kayang ipagmalaki sa pamilya ng babaeng mahal ko para matanggap nila ako.

Ngayong araw ay plinano namin ni Angela na i-legal ang relasyon namin sa pamilya niya. Sinubukan namin, para maipaglaban namin ang relasyon namin. Sa pamilya ko naman, ayos na siguro dahil lalaki naman ako, malapit narin ako mag 18 at kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Pero sa side niya, hindi. Hindi pwede lalo na't babae siya, nag-iisang babaeng anak nila kaya naiintindihan ko kung bakit hindi pumayag ang Mama niya sa relasyon namin. Dahil gusto lang nilang ingatan si Angela. Mali ring makipagrelasyon ako sa kaniya dahil bata pa siya, pero mahal ko talaga siya.

"ANO NANG gagawin natin?" Naluluhang ani sa'kin ni Angela pagkapasok sa school. Wala akong nagawa kundi yakapin siya.

"Tama naman Mama mo, Mahal. Masyado ka pa kasing bata, makakasuhan ako ng child abuse." Biro ko at kahit naluluha, hindi niya maiwasang matawa.

"Kaya natin 'to, okay? Malalampasan rin natin 'to, Never Give up."

"Never give up." nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako.

LUMIPAS ANG araw at nagdesisyon kami na itago nalang ang relasyon namin. Ang alam ng magulang niya, wala na kami pero tinago namin 'yon sa kanila.

At dumating ang Prom. Ka-partner ko siya no'ng time na 'yon at hindi ako naboring dahil kasama ko naman siya.

Hanggang sa nagchat ang tita ko na nakapangasawa ng taga-Australia. Sinabi niyang paaralin niya raw ako pagka graduate ko ng highschool, siya na daw gagastos ng lahat sa'kin. Pinag isipan ko rin 'yon ng mabuti.

Kahit pa working student ako, hindi pa rin sapat ang kita ko para sa pag-aaral ko at pagpapadala ng pera sa probinsiya namin. Kaya pabor naman ako sa alok ni tita, pero sa isang kondisyon.

"No girlfriend. Or kung meron man, hiwalayan mo na."

At dahil katabi ko lang si Angela, pinabasa ko 'yon sa kaniya at tinitigan ang reaksyon niya. Natahimik kami bigla dalawa na kanina grabe pa ang harutan namin.

Kita ko sa mata niyang nangingilid na ang mga luha niya at malapit nang maiyak, nanikip na naman ang dibdib ko.

Hindi ko rin siya mayakap dahil maraming tao sa paligid. Napababa nalang siya ng tingin saka lumandas ang luha sa mga mata niya.

"Tama naman tita mo, Mahal." Nahihirapan niyang ani saka bumuntong hininga. "Gawin na natin?"

Napatitig ako sa kaniya, sinisiguro kung gusto niya ba pero napaiwas ako ng tingin. Nahahawa ako sa mga mata niyang malapit ng maluha.

Hindi ba talaga kami pwede?

Pakiramdam ko pinaglalaruan kami ng tadhana. Pagkikitain niya kami, pahuhulugin sa isa't isa, at kung kelan mahal niya na ako at mahal ko siya, saka naman darating ang mga hadlang sa'ming dalawa.

Sinubukan kong lumaban, kumapit ako hanggang sa makakaya ko. Pero kahit pa alam kong mahal niya ako, ramdam kong unti-unti na siyang bumibitaw.

At dahil mas nadagdagan pa ang responsibilidad namin habang tumatanda kaming dalawa, binitawan na namin ang isa't isa.

Siguro ito na ang pinaka-masakit na break up.

Walang nagloko, walang napagod, walang nagsawa,

Pero kailangang tapusin.

****

✍️: Janess Manunulat| @janessCious

ONESHOT TAGALOG STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon