"Okay! Students, get your partners. Now!"Nang inanunsyo 'yon ng dance instructor namin ay nagkaniya-kaniya na ang lahat para kuhanin ang partners nila.
Halos lahat ng estudyante dito ay kilala ko. Napangiwi naman ako ng makita na mga jowa nila ang kinuha nila bilang partner.
Tsk.
"Mr. Bonang, where is your partner?" Napalingon naman ako sa dance instructor namin nang tawagin niya ako. Nabaling ang atensyon ng lahat sa'kin.
"Sir! Hindi po 'yan magkakaro'n ng partner kasi ayaw naman nila sa nerd na pangit." Nakangising pang-aasar ni Paolo, dakilang bully dito sa campus. Dahil do'n nagtawanan naman ang lahat.
Sinuway sila ng dance instructor kaya bigla sila natahimik.
"Anyone? Kailangan may partner 'tong si Mr. Bonang. May babae pa ba diyan na wala pang partner?" Tanong niya sa lahat. May nakita akong ibang babae na patagong lumalakad patalikod para makatakas. May iba namang umiwas ng tingin at kunwari nakikipag-usap na lang sa kapareha nila.
-_-
Bumuntong-hininga naman si Sir. "I'll ask the other section if there's still a—"
"No need, Sir." Pagpapahinto ko sa sasabihin niya. Napatingin naman siya sa'kin.
"May'ron na po akong partner." Sabi ko. Mukhang nakahinga naman ng maluwang si Sir saka siya tumango ng bahagya sa'kin. Dumeresto naman siya may sound system.
Tumayo na'ko sa nakihilera sa pinaka dulo. Ramdam ko ang napakaraming atensyon sa'kin kaya napalingon ako sa mga ka-schoolmates ko.
Lahat sila ay nakatutok sa'kin na para bang may inaabangan. Napakunot noo naman ako sa inaakto nila.
Nagsimula na ang tugtog kaya nagsimula narin silang sumayaw. Sumabay narin ako dahil kahit papa'no alam ko na ang steps.
Eto na pala 'yong partner ko.
Napangiti ako ng makita siya sa harapan ko. Magkahawak ang dalawa naming kamay habang sumasabay sa tugtog ng musika.
Ngiting natatae lang ang pinakita ko.
"Anong ginagawa mo baduy?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Paolo na may kalapitan sa'kin. Umirap naman ako sa hangin dahil mukha namang hindi sila sumasayaw ng partner niyang nilalandi siya.
Landian pa nga. Mahuli sana kayo.
"Sumasayaw. Bulag ka ba?" Tugon ko sa tonong sarkastiko. Mukhang nainis siya sa sinabi ko at mukha na siyang panot na unggoy na namumula na sa galit.
Baduy nga ako pero mas pangit naman ang hitsura niya.
Hinawakan ko sa bewang ang partner ko saka kami umikot dahil 'yon na ang sunod na step.
"Saan ang partner mo? Invisible?" Paggatong pa niya kaya nagtawanan na naman ang malapit sa'kin at kay Paolo habang sumasayaw.
"Di ko alam. Basta ako lang ang nakakakita sa kaniya." Walang gana kong sagot. Rinig ko ang ibang babaeng impit na naghiyawan na para bang natakot sa sinabi ko at 'yong iba nama'y lumayo sa'kin ng bahagya.
"M-May nakikita ka? May k-kasama tayo d-dito na i-ikaw lang ang n-nakakakita??" Nabaling naman ang atensyon ko sa bandang kanan ko. Parang nangingisay na sa takot si Shae habang nakatingin sa'kin.
Siya nga pala 'yong classmate kong takot sa multo at kung ano-anong kaik-ikan.
"Oo." Tipid kong sagot. Napasigaw naman ang iba sa takot at ngayon ko lang napansin na halos lahat sila ay tumigil na sa pagsasayaw.
"N-Nasaan?" Kabado paring tanong ni Shae. Binigyan ko lang sila ng tingin na nawawalang gana.
"Nasa imagination ko." Sagot ko at dahil do'n nabalot ng katahimikan ang lahat.
At bigla nalang silang sabay-sabay na humalakhak ng malakas.
Masama ba 'yon? Atleast kahit ako, hindi ako mapag-iiwanan. May kasama pa rin ako.
Ngumiti naman ako sa partner ko pero sa paningin nila, nakangiti ako sa hangin na para bang baliw.
Nasa imagination ko kasi 'yong partner ko. Sayang hindi nila nakikita. Sobrang ganda pa naman niya.
✍️: @janessCious | Janess Manunulat
• Work of Fiction
Photo is not mine.

BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...