OUR FIRST BABY
"Mahal! Mahal! Hawakan mo, dali!"
Patakbong lumapit sa'kin si Ellen habang nakangiti sa'kin ng malapad at nakalapat ang isa niyang kamay sa puson niya. Agad naman akong tumayo at pinigilan siya.
"Ano ka ba naman mahal? Sabi ko 'wag kang tatakbo." Pagalit kong sabi. Napanguso naman siya pero ngumiti ulit.
"Hawakan mo kasi. Gumalaw siya kanina! Hihi..." Parang kinikilig niyang sabi. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.
"Pa'no naman siya gagalaw e ilang linggo palang naman si baby, ah." Tugon ko. Kinuha niya naman ang kamay ko at inilapat 'yon sa puson niya saka siya nag-angat ng tingin sa'kin at ningitian ako.
Pinakiramdaman ko naman ang tiyan niya at halos mapuknat na sa ngiti ang mukha ko nang may maramdamang sumisipa ng mahina doon.
"Sumisipa siya mahal..." Mangha kong sabi. Mas lalo naman siyang napangiti sa'kin at napapahagikhik pa.
"Ang galing 'no?" Parang bata niyang sabi. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa pabago-bago niyang emosyon nitong mga nakaraang araw.
Minsan iiyak nalang bigla, totopakin, magiging masayahin, isip bata at higit sa lahat, madalas na siyang magsungit lalo na sa'kin. Epekto narin siguro ng pagbubuntis.
Dahil sa'yo baby mas naging masungit sa'kin ang mommy mo.
Napangiti naman ako ng palihim. Gagawin ko ang lahat para sa kanila, iingatan at aalagaan ko sila.
––
"Mahal? Saan ka na?"
Pagkapasok sa bahay ay agad ko siyang hinanap. Nagtungo na ako sa bawat sulok ng bahay pero hindi ko siya makita.
Bigla nalang akong kinabahan. Pakiramdam ko may masamang nangyari at mangyayari.
Nakarinig ako ng mahinang hikbi mula sa taas. Agad ay tumakbo ako paakyat at pumasok sa kwarto namin.
Pagkabukas ng pinto doon ay kita ko siyang umiiyak habang nakatungo ang ulo sa tuhod. Binalot naman ako ng pag-aalala kaya nilapitan ko agad siya.
"Mahal? Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong tanong. Nakaupo siya sa dulo ng kama habang ako naman ay nakaluhod sa harap niya.
"Sa tingin mo ba may 'ayos lang' na umiiyak?" Umiiyak siya ngunit nagsusungit pa rin sa'kin. Lihim lang akong napangiti dahil nagbago na naman ang mood niya ngayon.
"Bakit ka ba kasi umiiyak?" Mahinahon kong tanong. Mas lalo naman siyang napahagulgol at bigla ay niyakap ako ng mahigpit.
"S-Si Papa... tumawag kasi si Mama kanina... s-sabi, wala n-na daw si P-Papa.. mahal...g-gusto kong umuwi... gusto k-ko makita si Papa.. baka naman kasi b-binibiro lang ako ni Mama—"
"Sshhh...tahan na..." Niyakap ko naman siya ng sobrang higpit saka hinimas ang likod at buhok niya. Maging ako nalulungkot rin sa nangyari. Pero ngayon kailangan kong magpakatatag para sa kaniya. Ako nalang ang masasandalan niya ngayon.
"Uuwi tayo. Sasamahan kita." Sabi ko. Humiwalay naman siya sa'kin at kahit naluluha, napangiti siya.
Natuon ang atensyon naming dalawa sa tiyan niya nang kumulo 'yon. Tapos ay pareho kaming natawa.
"Gutom na baby natin." Nakangiti na niyang sabi. Napangiti rin ako dahil kahit papa'no, mapapawi ang lungkot niya sa pagkawala ng tatay niya dahil sa anak namin.
"Tara na mahal." Aya ko at iginiya siyang tumayo. Kahit hindi pa bumubukol ang tiyan niya ay inaalalayan ko parin siya at parang babasagin kung ingatan.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
DiversosEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...