GIRLFRIEND WITH A LONG FRIEND

17 2 0
                                    

"Babe, CR lang ako."

Andito kami ngayon sa isang Mall, paikot-ikot. Kaya naman ng maramdamang tawag ako ng kalikasan ay agad akong nagpaalam sa girlfriend ko.

"Sige, sabay tayo. Tara." Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya dahil ang nasa isip ko ay magkasama kaming pupunta sa iisang CR. Napailing nalang ako sa sarili.

Nauna na siyang lumakad sa'kin kaya naman sinundan ko nalang siya.

Nang makita ang CR ay agad na akong tumakbo dahil sa pagmamadali ng ihi ko na gustong-gustong na lumabas.

At hindi ko na din nakita kung saan nagpunta yung girlfriend ko.

Nakatayo na ako sa harap ng bowl at sinimulan nang buksan ang zipper ng pants ko. Habang umiihi ay napatingala nalang ako at napapapikit.

Nang hindi ko namalayan na may nakahawak na pala sa kamay ko.

Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, senyales na natapos na ako. Ngunit bago ko maipasok ang kaibigan ko sa zipper ng pants ko ay may naramdaman na akong nakatitig sa—

Friend ko down here.

Bumaling ako sa side ko—

AT GANO'N NALANG ANG GULAT KO NANG MAKITA ANG GIRLFRIEND KO SA TABI KO HABANG NAKANGISI— AT NAKATITIG SA KAIBIGAN KONG MAHABA!

F*ck—

"B-Babe..."

Di ko alam pero wala ng salita ang lumabas sa bibig ko habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Doon ko lang din napansin na hawak niya pala ang kamay ko.

Dahil sa magkahawak naming kamay ay ramdam kong nanginig din siya— katulad sa'kin kanina pagkatapos kong umihi!

Mas lalo naman akong nagulat at namimilog ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"Babe... p-papa'no ka umihi? Saka b-bakit ka nakatayo??" Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman siya sa'kin saka bumaba ang paningin niya sa baba niya na para bang gusto niya na tumingin din ako doon.

Bigla akong pinagpawisan kahit na malamig naman dito sa loob ng CR. Nanginginig din ang mga kamay maging ang tuhod ko sa 'di malamang kadahilananan. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at ramdam ko din ang sarili kong nananabik na makita ang may'ron sa baba niya.

Lalaki din ako 'no. Na may matinding pangangailangan. HA! HA!

Kung ano-anong malademonyong senaryo ang naiisip ko habang dahang-dahang titingnan ang may'ron sa baba niya. Hindi ko maiwasan mag-isip ng masasarap— masasamang bagay pala na nagsisimulang makapagpainit sa katawan ko.

Sa labas ng hitsura ko ay makikitang inosente lang ang mukha ko pero sa loob loob ko'y nakangisi ako ng mala-demonyo.

Ha! Hah! Haaah!

At ng makita ko na—

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at literal na nandilim ang paningin ko. Maging ang paghinga ko ay hindi ko na maramdaman at ang puso ko ay tumigil sa pagtibok.

Mas lalong tumindi ang panginginig ng tuhod ko at panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko luluwa na ang mga mata ko sa nakikita.

At ang tangi ko nalang na naririnig ay ang mala-demonyong tawa ng girlfriend ko.

"Ang laki 'no, babe?" Mas lalo pa akong nagulat ng mailabas niya ang totoong boses niya!

T*ngina! Boses lalake!

AT ANG LAKI NG KAIBIGAN NIYAAAA!!!!!

Pakiramdam ko mas matindi pa 'to sa pagiging heartbroken. Ang paasahin ka ng taong mahal mo— o paasahin ka niyang MANI ang may'ron siya— kahit ang totoo ay parehas pala kayong may TALONG.

At ang pinaka masaklap sa lahat, mas malaki at mas mahaba ang kaniya kaysa sa'kin.

Huhu.

✍️: @janessCious | Janess Manunulat

• Work of Fiction
• WALA NG NEXT!

Photo is not mine.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon