PASENSYA NA KUNG GANITO LANG AKO

14 2 0
                                    

PASENSYA NA KUNG GANITO LANG AKO

"Babe! Happy 3rd Anniversary!"

Kahit pagod sa trabaho at wala masyadong oras, naglaan parin ako ng kaunting minuto para batiin ang babaeng mahal ko.

"Babe?" Tawag ko ulit nang hindi siya sumagot. Napakunot naman ang noo ko dahil tahimik sa kabilang linya.

["Who's this?"]

Nagitla ako ng makarinig ng boses ng lalaki. Teka! Bakit lalaki ang sumagot sa cellphone ng girlfriend ko?

"Sino ka? Bakit ikaw ang sumagot sa phone ng girlfriend ko—"

Nagtaka naman ako nang sandali ay nawala yung tawag at parang may kung anong bulabog ang nangyari sa kabilang linya. Ilang minuto pa ay tinawag ko ulit siya at babae naman ang sumagot.

["B-Babe..."]

Napangiti naman ako nang bahagya. Sa boses niya ay para siyang naghahabol ng hininga, hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"Babe? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Huminga naman ng malalim ang nasa kabilang linya saka ako sinagot.

["U-Uhm— ayos lang, b-babe."]

Nakahinga ako nang maluwag. Saka ko naalala yung lalaki kanina na sumagot sa cellphone niya.

"Babe, bakit nga pala lalaki yung sumagot kanina?"

Natahimik ang kabilang linya. Ilang minuto pa ako nag-antay bago siya makasagot.

["U-Uhh... ano k-kase— haha...y-yung boyfriend nf kaibigan ko sumagot no'ng phone ko, nag-cr kasi ako kanina. Nandito kamisa restaurant, babe."] Dere-deresto niyang sabi. Napatango-tango naman ako na akala mo masa harapan ko lang siya.

Mukha namang totoo ang sinasabi niya.

"O, sige, babe. Ingat ka diyan ha. Oo nga pala babe, may good news ako sa'yo." Nananabik kong sabi. Sigurado akong matutuwa siya sa sasabihin ko.

["Ano 'yon, babe?"] Tanong niya.

"Pinayagan na kaming umuwi, babe. Magkikita na ulit tayo!" Masaya kong sabi. Hindi rin mapaglagyan ang saya sa puso ko kapag naiisip na makikita ko na ulit ang maganda niyang mukha—

["Ha?!"] Nagulantang ako nang sumigaw siya at nangunot-noo.

["I-I— I'm sorry, babe. N-Nagulat lang ako... kasi sa wakas... m-makikita na ulit k-kita.."] Bawi niya. Bumalik ang ngiti ko at hindi mapigilang kiligin ng palihim sa sinabi niya.

Sabi na, eh! Mahal na mahal niya nga talaga ako.

Mas lalo akong napangiti sa naisip.  "Excited ka na ba sa susunod na araw, babe?"

["Sa susunod na araw na ba uwi mo?"] Tanong niya. Balak ko sanang hindi sabihin sa kaniya kung kailan ako uuwi dahil gusto ko siyang masorpresa.

"Hindi pa, babe. Hindi ba dapat mag-date tayo kasi may ice-celebrate tayo?" Nakangiti kong sabi.

["H-Huh? Anong Ice-celebrate?"] Nasa tono ng boses niya ang pagtataka. Napawi ang ngiti sa labi ko.

Nakalimutan niya ba?

"Nakalimutan mo ba kung anong may'ron ngayon, babe?" Mahina kong tanong. Natahimik siya sa kabilang linya.

["A-Ah— haha! S-Sorry, babe, nalimutan ko. Happy 3rd Anniversary."] Bati niya kaya nanumbalik na ang sigla at ngiti sa labi ko.

["Kailan ba uwi mo babe—"]

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon