SHE CHEATED
Lia: E kasi ayaw siyang tantanan nung babaeng naka M.U niya, nasisira na siya sa mga kaibigan niya
Lia: Parang gusto ko tuloy ipakita sakanila na may something samin
Lia: Pangit naman kung ideny ko diba
Kumunot na ang noo ko sa dalawang huling sinabi ni Lia, girlfriend ko. Pinag-uusapan kasi namin yung tungkol sa RP boy na 'kaibigan' niya sa RPW o Role Play World, na hindi daw tinitigilan ng ka ex-fling dahil sobra daw nasaktan yung babae.
At ngayon nasisiraan daw ang image ng 'kaibigan' niyang RP boy sa mga kaibigan nito dahil narin sa desperadang ex-fling. Gusto ni Lia na ipakita sa kanila na sila na noong RP boy 'friend' niya para tantanan na siya noong babae.
Pero masama ang kutob ko tungkol dito.
Ako: Isasakripisyo mo feelings ko para sa iba dahil nasira siya?
Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait. Girlfriend ko siya kaya bakit hahayaan ko 'to? Bakit hahayaan niya 'to? Pakiramdam ko hindi niya iniisip ang mga mararamdaman ko kapag hiningi niya ang ganitong klaseng pabor sa akin. Doon palang ay sumisikip na ang dibdib ko.
Ako: pero naiintindihan ko
Ako: sabi ko naman sayo, palagi kitang susuportahanTutol man ay nasabi ko parin 'yon sa kaniya. Ayaw ko namang masyadong magdrama dahil baka isipin niya ang OA ko. Saka, pretend relationship lang naman 'yon, di ba? Ano bang kinakatakutan ko?
Lia: ang unfair non sayo diba
Lia: pero ikaw bahala if bibitawan mokoMapait akong napangiti sa sarili. Pretend lang naman 'yon, bakit kailangan bumitaw?
Kahit may ideya na ako kung bakit ay binalewala ko nalang.
Lia: pero mahaaall
Lia: sa socmed lang naman yun
Lia: ikaw kilala nila mama
Lia: ikaw lang makakapunta dito
Lia: okay?
Lia: sorry:(
Lia: basta mahal sure ako na di aabot yun sa legit promiseSunod-sunod niyang chat kaya kahit papa'no ay naibsan ang bigat sa dibdib ko. Maliit din akong napangiti. Bakit ba ako natatakot? Malaki ang tiwala ko kay Lia. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako.
8 months in a relationship na kami ngayon ni Lia. Pareho naman kaming masaya kahit madalas ay ito lang ang komunikasyon namin pero alam kong mas tatatag at titibay pa kami kung malaki ang tiwala namin sa isa't-isa.
Pero hanggang sa isang araw...
: ["H-Hindi... k-kasi..."] Humagulgol ang boses ng isang babae mula sa kabilang linya. ["Di ko alam... di ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay..."]
Huminga ako ng malalim sa kabila ng bigat na nararamdaman ko. Pinilit ko maging matatag at huwag gumaralgal ang boses para hindi siya masabayan. "B-Baka naman.. n-nagtampo lang? Suyuin mo... madali naman ata bibigay yun sa'yo..."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. ["H-Hindi... hindi ko na alam ang gagawin..."]
Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan ay hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong sitwasyon. Parang pinipiraso-piraso ang puso ko sa sakit. Pakiramdam ko hinding-hindi ko na mababawi ang sarili ko at maiipit nalang sa ganitong kalagayan. Sa ganitong posisyon sa buhay niya kung saan, nawalan na ako ng karapatan.
Kahit pa hinang-hina ang isip at puso ko sa kinahantungan namin ay pinili ko paring maging sandalan niya. Maging sandalan ni Lia kapag nag-aaway o nagb-break sila ng boyfriend niyang ka pretend relationship niya lang dati.
Nakakagulat, 'di ba? Naaalala ko pa ang mga panahong pinangako niya ang sarili niya sa'kin... pinangako niyang kahit kailan hindi magiging totoo ang feelings niya para doon sa kaibigan niya dati, pero ngayon, heto ako at pinaubaya ang sariling maging comfort zone niya kapag may problema silang dalawa, kahit pa sobrang masakit sa'kin ay tinanggap ko nalang.
She cheated. Gusto kong magalit dahil may parte sa'kin na nagloko siya. Naghiwalay kami at ang sabi niya magpapahinga lang daw muna siya pero mamalayan ko nalang, pag-aari na siya ng iba.
Tumulo na ang luha ko habang inaalala ang lahat. Nasasaktan akong nasasaktan siya ngayon pero wala nang mas sasakit pa sa nasasaktan ako dahil ganon-ganun lang para sa kaniyang iwan ako, at nasasaktan naman siya para sa iba.
Pero hindi ko siya masisisi sa naging desisyon niyang iwan ang lahat ng sa amin. Dahil alam ko sa sarili kong, kasalanan ko rin naman ang lahat.
She cheated... because I cheated first. Dahilan kung bakit naging mababaw ang pagmamahal niya na dati ay malalim. Pagmamahal niyang walang ibang intensyon kundi ang pasayahin ako, atensyon at pag-aalaga ko lang na tangi niyang gusto.
At hindi ko rin makakalimutan ang mga nasabi niya noon sa'kin.
Lia: Ansakit hahaha.
Lia: feel ko inagaw lang kita sa kung saan ka talaga
Lia: alam ko namang may gusto kang piliin, pero natatakot ka lang sa masasaktan mo
Lia: kala ko ako lang
Lia: akala ko kasi ilalaban mo ako
Lia: pero hindi. Hinayaan mo 'ko, hindi mo ako hinabol
Lia: kaya di ko na matawag na akin ka talaga.Kaya hindi ako makaramdam ng galit sa babaeng minsan ko naring minahal dahil simula't sapul palang, ako na ang unang nanakit.
Napaka-inosente niyang babaeng purong-puro ang pagmamahal pero...
Ginawan ko lang ng kagaguhan para sa sariling kasayahan.
- True story by Mj Ocampo
✍️: Janess Manunulat
- @janesscious
Photo is not mine.

BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
CasualeEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...