HE WANTS SPACE
Everything was okay. Being with Gabriel, my boyfriend, was so happy.
Paanong hindi magiging okay? Halos na sa kaniya na lahat. Gwapo, protective, strict, sweet and caring. Halos wala siyang araw na pinalampas na hindi ako masaya. Lahat ng moments namin magkasama, sobrang unforgettable sa'kin.
Hanggang sa hindi ko inaasahan isang araw, nakipaghiwalay siya sa'kin.
"B-Bakit? Babe.. m-may nagawa ba akong masama? Sabihin mo kung meron.. pangako babaguhin ko." Determinado kong sabi habang nangungusap na nakatingin sa kaniya. Wala na akong pake kung magmukha akong desperada sa harap niya ngayon. Hindi ko pa kayang bumitaw. Hindi pa ako handa.
"Wala, Carla." Huminga siya ng malalim na para bang pilit pinapahaba ang pasensya sa'kin. "Gusto ko lang ng space. Masyadong sabog na ang utak ko sa dami ng problema ko." Seryoso niyang sabi.
Napayuko ako. Ngayon naiintindihan ko na. Ang dami niya kasing problema ngayon tungkol sa family niya kaya siguro hindi na niya kinakaya. Pero bakit kailangan pa niya akong iwan kung handa naman ako maging sandalan niya sa t'wing magkakaganito siya?
Isa 'yon sa responsibilidad ko bilang girlfriend niya, 'di ba? Ang magstay sa tabi niya kapag problemado siya. Ang pagaanin ang loob niya sa t'wing malungkot siya. Gustong-gusto ko 'yong sabihin pero mukhang sigurado na talaga siya sa desisyon niyang makipaghiwalay sa'kin.
Ang magagawa ko nalang ngayon ay ang intindihin siya at hintayin siyang bumalik sa'kin.
----
Isang linggo na simula no'ng makipaghiwalay sa'kin si Gabriel at hindi ako mapakali kakatingin sa messages ko. Inaabangan kung magchachat ba siya.
Wala naman siyang sinabi kung kailan siya babalik pero hindi ko mapigilang umasa. Ang sabi niya naman kasi gusto niya lang ng space. Alam ko naman na babalik parin siya sa'kin.
Pero habang tumatagal ang paghihintay ko mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko kasi parang may mali. Parang may hindi tama.
Dahil wala na akong magawa at sobrang miss ko na siya, sinubukan kong i-stalk ang account niya. Nang mapadako ako sa profile niya, kita kong wala na doon yung quote sa bio niya na para sa'kin. Napakagat ako sa labi. Nagsisimula na akong mag overthink.
Ano bang mali do'n, Carla? Naghiwalay na nga kayo 'di ba?
Kahit yung pictures namin sa featured photos niya wala narin. Yung sa'kin naman hindi ko binura. Napaisip tuloy ako na ang unfair niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsstalk nang aksidente kong mapindot ang profile picture niya. Pero sa halip na picture niya ang makita ko, myday niya ang bumungad sa'kin.
Natulala ako. Napakurap-kurap. Hindi makapaniwala sa nakikita.
'Happy 1st Monthsary, Baby!'
Halos hindi ko na malaman kung ilang minuto o ilang oras na akong nakatitig sa caption ng myday niya. Pilit 'yon nagpoproseso sa utak ko. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang unti-unting pag-agos ng luha ko kasabay ng pagbigat ng dibdib ko. Unti-unti, parang may pumipigil sa'king huminga.
Hindi ako makapaniwala. Kahit masakit ay tiningnan ko parin ang pictures nila... picture ng bago niya.
Kasama doon sa caption ay ang picture ni Gabriel kasama ang isang babae. Maganda 'yon at maputi. Mas lalo akong napaiyak sa isipin na isa 'yon sa dahilan kung bakit siya nakapaghanap agad ng bago.
Dahil mas maganda sa'kin yung bago niya. Mas maputi at mayaman pa.
Pero mas lalo akong nanlumo nang may mapagtanto.
Na sa isang taon naming relasyon, halos mag-iisang buwan niya na pala akong niloloko habang kami pa.
Kaya pala nakipaghiwalay na siya. Pinagbigyan ko kasi akala ko space lang talaga ang kailangan niya.
Ang gusto niya pala talaga, makasama ang bago niya. Na walang humadlang sakanila.
✍️: @janessCious
Dedicated to Carla Mae Ternal
• NO MORE NEXT
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
