MY VALENTINES GIFT
"Uyyyy! Si Trisha!"
"Ayieeeee!"
"Yung jowa andiyan na! Tabi-tabi mga single!"
"Kala mo naman may jowa siya."
"Oo nga."
"Ampangit naman."
"H-Hoy! Hindi ako panget!"
"Panget ka一"
"OMG! ANDIYAN NAAAAAAA!"
Naririndi na ako sa mga ingay nila. Hindi ba nila kayang patahimikin 'yang mga bunganga nila?
"Trici一"
"Ano ba??" Naiiritang asik ko. Napangiwi naman itong si Allisha, classmate ko.
"Ba't galit ka?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko. Napairap naman ako sa hangin.
"Ang iingay niyo kase." Tugon ko naman saka kinagatan ang burger na binili ko kanina.
Ni halos wala na akong maintindihan sa mga pinagsasasabu nila dahil sabay-sabay pa silang magsalita.
"Pa'nong hindi maingay eh.. 'yong hot mong jowa andiyan na!!" Parang kinikiliti niya pang sabi. Natigilan naman ako sa pagnguya saka napatingin sa kaniya.
"A-Andiyan na si Andrew?" Natutuliro kong tanong."
"Ay, teh! Wala pa! Jusko ka! Kanina pa kami nagbubunganga dito tapos ikaw wala man lang kaalam-alam samantalang ikaw yung jowa!" Singhal niya sa mismong mukha ko. Napapapikit nalang ako sa inis dahil sa laway niya na tumalsik sa pagkain ko saka ko siya sinamaan ng tingin.
Ngunit nabalewala na 'yon dahil nakatuon na sa labas ang atensyon niya. Napatingin din ako at gano'n nalang ang pagtibok ng puso ko nang makita na nakangiti sa'kin si Andrew!
OMONAAAAAAAAAAAAAA!
R. I. P. Sa. Aking. Puso.
"Hoy! Teh! Galaw-galaw! Yung jowa m一 mmmm mmm mmmm!!"
Napatigil na siya sa pagdadada ng isaksak ko sa bunganga niya ang natirang burger. Hindi ko na siya pinansin saka lumapit na kay Andrew.
Para namang binubulate sa pwet ang mga kaklase ko kung kiligin na noo'y nakaabang lang sa'min. Kasama rin ni Andrew ang dalawa niyang classmate na sina Lance at Cedrick na campus hearthrob rin dito sa school.
May hawak na malaking red at hugis pusong baloon si Lance, habang si Cedrick nama'y may hawak na pulang bulaklak at chocolates.
Valentines nga pala ngayon.
Kaya todo ang ngiti ko sa kanila dahil alam ko naman sa'kin nila 'yon ibibigay.
Pero gano'n nalang ang panlulumo ko nang makitang sa ibang babae nila 'yon inabot.
Napatingin ako kay Andrew habang sinisigawan siya sa utak ko.
'NASAAN YUNG SA'KIN??!!'
Mukhang nakuha niya ang nasa isip ko kaya ngi-ngisi ngisi siyang lumapit sa'kin. Nagtataka naman ako sa inaasta niya dahil parang tuwang-tuwa siya.
"Eto nga pala gift mo, babe." Sabi niya saka nilahad ang sarili.
HUH???
Kulang nalang lagyan ng malaking question mark sa taas ng ulo ko dahil sa pagtataka ko.
SAAN ANG GIFT DO'N??!!
Saka siya ngumisi at nagbaba ng tingin. Sinundan ko ang tiningnan niya at halos mamilog sa gulat ang bibig ko ng makita kung ano 'yon!
Bakit nakaribbon yung一 YUNG ANO!
Napatutop ako sa bibig at halos maluha-luhang nakatingin sa kaniya.
Thankful talaga ako dahil binigyan ako ng Mahal ko ng napaka-importanteng regalo.
Ang saya ko, dahil sa wakas.. may talong narin akong makakain.
Mukhang masustansiya naman, at mabubusog ako nito ng siyam na buwan.
✍️: @janessCious|Janess
• Work of Fiction
• Onshot storyPhoto is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
CasualeEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...