𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐀𝐂𝐓𝐄𝐑 𝐈 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐒 𝐎𝐔𝐓 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐓𝐎 𝐁𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐄 𝐈𝐍 𝐇𝐈𝐒 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃Umupo ako sa damuhan kung saan ko hilig magbasa ng librong pinakapaborito ko. Tumingin ako sa paligid. Napakaaliwalas ng panahon. Sobrang sarap sa pakiramdam ng hangin.
Malungkot akong bumuntong-hininga. Ngayon kasi ramdam ko talagang nag-iisa lang ako. Wala na akong pamilya. Wala ring kaibigan dahil masyado akong tahimik para makipagkaibigan. Kaya mag-isa lang talaga ako.
At ang higit na masakit sa lahat, ang lalaking mahal ko.
He never exist in this kind of world.
Paano ay kailanma'y hindi ko makikita o mahahawakan ang lalaking mahal ko dahil hindi siya nabuhay sa mundong 'to. Nabuhay siya sa librong kinahihiligan ko.
Napatingin ako muli sa libro. His name was Archangel. Napangiti ako. Pangalan pa lang niya halatang mukha na siyang anghel.
Siya 'yong unang nagmahal sa babaeng bida sa libro pero hindi siya ang pinili sa huli. That's why I feel sad for him.
Sana kasi ako nalang pinili niya.
Mas minahal ko pa siya sa sumunod na chapter ng libro. Doon kasi ay mas nakikilala ko ang katauhan niya, at na-iimagine ko palang kung gaano siya kagwapo ay kinikilig na lahat ng laman at bituka ko.
Habang nagbabasa, napatigil ako bigla ng POV na ni Archangel ang nabasa ko. May kakaiba... doon sa POV niya.
Archangel's POV
"Hindi man ako ang pinili nang unang babaeng minahal ko, ramdam ko parin na may isang babaeng nagmamahal sa'kin. Babaeng tahimik na sumusuporta sa'kin. At dahil sa pagngiti niya sa t'wing buhay ko na ang binabasa niya, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, na kahit magkaiba pa ang aming mundo, hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa tulad niya sa pamamagitan lang ng pagngiti niya sa t'wing ako na ang bida sa kwento."
Wala sa sariling napahawak ako sa puso ko nang bumilis ang tibok no'n. Anong ibig niyang sabihin?
Ang weird. Sobrang weird.
Nakaramdam ako ng takot pero mas nangingibabaw ang excitement ko sa hindi malamang dahilan.
Ano bang nangyayari sa'kin?
Huminga ako ng malalim saka napailing nalang. Malamang wala lang 'yon. Parte lang 'yon ng nangyayare sa buhay niya.
Natapos na ang POV ni Archangel kaya POV naman ng ibang character ang binabasa ko. Nang matapos, ang susunod namang pahina na babasahin ko ay POV na ulit ni Archangel.
Pero bago pa man ako makabasa ay bigla nalang lumiwanag yung libro!
Napaharang ako sa mata gamit ang kanan kong braso pero nanatiling hawak ko pa rin ang libro sa kaliwa ko. Masyadong makakasilaw ang liwanag na 'yon mula sa libro.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...