MY JEALOUS BOSS
(My Heartless Boss 2)
"This is the number of stocks in the last two months..."
Abala ako sa pakikinig sa harap na may nagrereport habang nagte-take notes. May conference meeting kasi kami ngayon kasama ang executive members ng kumpanya at syempre, ng CEO namin, si Sir Ziero.
"Sir Ziero?"
Kumurap-kurap ako nang marinig ng paulit-ulit ang pangalan ng boss namin. Nilingon ko siya sa tabi ko at halos masamid ako nang makitang nakapangalumbaba siya at nakatitig sa'kin.
Parang wala siyang pakialam sa naririnig at tuon parin ang atensyon sa'kin. Kabado kong nilingon ang mga tao sa paligid. Naguguluhan silang nakamasid sa'ming dalawa ni Sir Ziero na parang may hindi sila alam na kaming dalawa lang ang nakaalam. Napapalunok akong tumingin nalang sa documents na nasa harap ko at pakunwaring nagbabasa.
"Sir—"
"Go on, continue." Pormal niyang sabi na hindi parin inaalis ang paningin sa'kin.
Napipilang nagpatuloy sa pagrereport ang nasa harap, naguguluhan sa inaakto ng boss namin. Napapapikit nalang ako dahil sa hiya.
Nagpatuloy ang meeting na ganoon lang. Mukha namang hindi occupied ang atensyon ni Sir Ziero pero mas madalas tumuon ang mga mata niya sa'kin kesa sa nagsasalita sa harap at sa mga tao sa paligid. Tuloy ay dahil sa tingin niya, hindi ko rin magawang mag focus sa trabaho.
Nang magsilabasan na ang mga tao at kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng conference room, mabilis ko siyang hinarap at tinaliman ng tingin.
Inosente pa siyang tumingin din sa'kin. "What?"
Halos matawa ako nang sarkastiko. Malakas ko siyang hinampas sa braso dahilan para mapa-igik siya sa sakit.
"What the?! Why did you do that?!" Asik niya saka himas sa parteng hinampas ko. Mas lalong tumalim ang mga mata ko.
"Tatanong-tanong ka pa talaga! Ano bang sinabi ko sa'yo, ha?"
"What? I don't remember anything."
Inis akong bumuntong-hininga. "Ziero, ang sabi ko sa'yo, ihiwalay mo ang personal sa trabaho. Kapag walang trabaho, boyfriend kita, girlfriend mo 'ko. Pero kapag nasa trabaho, secretary mo ako, boss kita. Ano bang hindi mo do'n maintindihan?"
Bumuntong-hininga rin siya. "It's hard to... you know, take my eyes off on you. Every angle you move, the way you talk and smile... I don't want to miss any of that. It's breathtaking."
Umiwas ako ng tingin at huminga pa ng malalim. T*ngina self, bibigay ka agad? Iwasan mong maging marupok!
Pero mukhang magiging habit ko narin ang pagiging marupok.
Inirap ko nalang lahat ng iniisip at tumayo paharap sa kaniya. "Sa susunod, hindi ko na 'to palalampasin. Nawawalan rin ako ng focus sa trabaho dahil sa ginagawa mo."
Inosente lang siyang ngumiti sa'kin.
Pasalamat ka talaga at gwapo ka.
"Come on," Tiningnan ko ang list ng schedules niya sa Ipad ko. "May lunch meeting ka pa with Mr. Villaz, appointment with CEO Crysyl at 2pm, another meeting with the director of boards on 4pm—"
Natigil ako sa pagsasalita at halos mahigit ang hininga nang hilahin niya ang kamay ko at kinandong sa mga hita niya!
Kinulong niya ang maliit kong bewang gamit ang malaki niyang braso saka ako niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay isiniksik niya ang ulo sa leeg ko at hinalik-halikan ako doon. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba at lakas ng tibok.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
