JEEP
Gabi na nang matapos ako sa trabaho. Kaya ngayon palang ako makakauwi.Nasa gilid ako ng kalsada kasama ang ibang commuters habang inaantay ang mga Jeep. Shemss! Punuan lahat nang Jeep at paano naman ako makakauwi nito?
Nang may nakita na akong Jeep papunta sa amin ay agad akong nakipag unahan.
Pagkahawak ko sa bakal nang Jeep ay may lalaking inunahan ako atー pota! Nilamas ba naman ang dibdib ko!
Para niyang kinapitan ang kaliwang dibdib ko kaya namilipit ako sa sakit habang naghahanap nang mauupuan. Hayop 'yon ah! Anong akala niya sa dede ko kapitan nang mga taong nasasaktan? ChawOt.
Di ko siya namukaan dahil naka hood ang ulo nito. Nako 'pag nakita ko ang pagmumukha mo babanatan kita nang sampung beses! Argh!
Tumingin ako sa paligid. Shet! Wala nang maupuan! Tang*na gusto ko magsisigaw sa mura!
Palapit parin ako sa dulo nang may isang lalaking malaking ngiting nakatingin sa'kin.
"Miss, dito ka." Sabi niya nang nakangiti at may pagka-awtoridad ang boses. Takteng ngiti 'yan halatang may balak.
Ba't ba ang sama nang araw ko ngayon? Buset!
Wala na akong choice kaya pinilit kong makiupo sa tinuro nang lalaki. Pero bigla ay may humapit sa bewang ko!
Napaupo ako sa hita nang humila sa'kin. Shit! Namumula ako bakit kayo nakatingin lahat sa'kin?
Tiningnan lang nang masama ng lalaking kanina nag-aaya sa'kin umupo ang humila sa'kin. Hindi ako makalingon dahil abot na ng ulo ko ang bubong nang jeep at dahil narin sa pagkakandong ko sa...ewan ko ba sino ba 'to?
Tiningnan ko ang mga paa niya at hita. Sa suot palang nito na pantalon at sapatos halatang kupalー este, lalaki.
"K-Kuya bakit mo ako hinila?" Di mapalagay kong tanong at pinapakiramdaman siya sa likod ko.
Hindi siya nagsalita. Hindi narin ako umalis sa inuupuan ko dahil punuan na talaga at wala nang space kahit konti.
Makalipas ang ilang minuto nang may maramdaman akong matigas na bagay malapit sa pwetan ko. Putcha! Nako baka kung anong bato 'yon at mapasabak ako sa labanan! No way!
Pinilit kong umalis sa inuupuan ko dahil narin sa naramdaman ko pero lagi niyang hinihila ang bewang ko. Nang tumigil ako niyakap niya ang bewang ko at nakaramdam ako nang milyon milyong boltahe nang kuryente sa katawan. Oh no!
Napatigil ako. Ano 'tong nararamdaman ko? May nararamdaman akong 'kakaiba' sa taong 'di ki kila at 'di ko makita ang itsura?
Pamilyar kasi ang pakiramdam na 'yon pero isang tao lang ang nakakagawa sa'kin no'n.
Nang may umalis na isang pasahero sa tabi namin ay nakahinga na ako nang maluwag. Sa wakas makakaupo narin ako nang maayos.
Tiningnan ko ang lalaking pilit akong ikinandong sa hita niya. Nandilim ang mukha ko nangー
Shit!
"Aba! Ikaw yung lalaki kanina ah?? Sabihin mo.. bakit mo nilamas dede ko, ha!?" Napasigaw na ako sa inis. Ngunit namula naman ang pisnge ko nang makitang nakatitig lahat sila sa'kin. Bakit ba kasi ang bastos nang bibig ko!
Mas lalo akong nainis ng hindi man lang ako nilingon nang lalaki. Pota ginagalit mo talaga ako ha!?
Huminga ako nang malalim dahil narin sa inis. Arrrgggghhhh! Parang gusto ko nang pumatay!
"ーAt bakit mo rin hinila ang bewang ko, kuya?" pilit akong huminahon.
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Anong nakakatawa? Lagutan ko kaya 'to ng hininga?
"Syempre bakit naman kita pakakandungin sa iba. Sa'kin ka lang dapat papatong." Napalunok ako sa sinabi niya at nagtinginan sa'min ang mga pasahero. Pucha!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala siya!
"M-Mahal!?" napasigaw ako sa gulat. Takte kanina pa ako nakakandong sa kaniya ni hindi ko man lang siya nakilala!
Ningitian niya lang ako.
"Sorry Mahal 'di kita nasundo. Marami rin kase akong ginawa sa work namin kanina." lumambot naman ang mukha ko sa sinabi niya. Nag away kase kami kanina dahil nga 'di niya ako nasundo. Ngumuso nalang ako.
"Para pala do'n sa tanong mo kanina mung bakit ko nilamas 'yan, 'di ba dapat ako lang lalamas niyan?" Nakangisi niyang sambit!
T*ngina kailangan pa bang sabihin 'yan!?
- Reposted
****
You can read it on facebook if you want, here's the link: (won't force you to do react, comment and share!)
✍️: Janess | @janessCious
![](https://img.wattpad.com/cover/258036539-288-k452497.jpg)
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...