MY INSANE GIRLFRIEND
"Mahal naman, eh!"
"Sige naaaa! Please?"
"Suotin mo na 'to! Ang dali-dali lang, eh!"
"Mahal!"
Kanina pa ako naririndi sa bunganga nitong girlfriend kong baliw dahil sa pamimilit sa'king magsuot nang— I don't even know how to call it. And why the hell she's forcing me to wear a freaking dress like that?!
Pinagpatuloy niya lang ang pamimilit sa'kin. Naiikot ko nalang ang mata ko sa hangin at walang ganang tumingin sa kaniya.
"Why would I?"
"Tsk! Isuot mo nalang kasi!" Inis niya pang sabi. At siya pa ang may ganang mainis ngayon, ah.
"I don't want to."
"Ano?!" Singhal niya kaya dahan-dahan ko uli siyang nilingon.
Hayun. Totopakin na.
"Hoy, ikaw lalaki ka, ha. Tigil-tigilan mo ako sa pag-eenglish — english mo! Nasa pilipinas tayo, hindi sa Amerika!" Bulyaw niya at nakapameywang pang nakaharap sa'kin.
"Suot mo na!" Pamimilit niya NA NAMAN kaya pinanlalakihan ko siya ng mga matang tiningnan. Pilit niya rin inaabot sa'kin pangit na dress na 'yon.
Huminga ako nang malalim dahil sa kawalan nang magagawa. Kawawa naman 'tong babaeng 'to at baka umiyak. Kapag lumala ang topak ako pa ang kawawa. Hays... problema nga naman sa Pilipinas— at sa mga babae.
Sinubukan ko pang tingnan siya nang may pagmamakaawa dahil baka magbago pa isip niya. Ngumuso ako saka nagpa-beautiful eyes pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ayaw mo?" Mahinahon niya 'yong sinabi na parang nagpapaintindi. Bahagyang lumiwanag ang mukha ko sa tuwa.
Nakangiti akong umiling sa kaniya para iparating na ayaw ko— dahil kahit kailan hindi ko naman gugustuhin. Ngumiti siya sa'kin pero bigla rin 'yong nawala at napalitan ng mataray niyang ekspresyon.
"Ayaw mo, 'di ba? Edi ayaw ko narin magpa-kiss sa'yo at hindi ka narin makakahalik sa'kin." Panghahamon niya kaya namilog ang bibig ko sa gulat.
No! Her kisses and my kisses for her is my everyday habit!
"You won't do that." May kumpiyansa kong sabi. Natawa naman siya nang peke.
"Of course, I can."
"No. You can't."
"I can."
"No! You wouldn't do that!"
Sumilay ang ngisi sa mapang-akit niyang labi dahil unti-unti ang panghahamon niya ay naging matagumpay.
"If you don't want to, then wear this freaking dress."
Bumuntong-hininga ako saka inabot ang dress na 'yon. Gusto kong tumutol pero— mas gusto ko parin yung kiss na segu-segundo.
Sinuot ko nalang 'yon sa harap niya para hindi na siya magreklamo pa. Nang makitang suot ko na ay napapatalon-talon pa siya sa tuwa nang makita ako. Wala akong emosyon sa mukha.
"Ang cute mo, mahal! Yieeee!" Mula sa pagiging mataray— hanggang sa pagiging isip bata. Galing ng talent. Mabilisang palit ng mood swings.
Pinipisil-pisil pa niya ang pisnge ko pero parang pagod lang ang ekspresyon ko. Pagod na sa mundo na akala mo gano'n kalaking problema ang pasan ko.
Patulan ko ba naman ang katopakan nito.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...