MY HEARTLESS BOSS
"Liza ano na? Pumayag ka na!"
Abala ako sa harap ng computer nang sumulpot na naman sa harap ko si Tria. Ang officemate slash bestfriend ko.
"Ano ba 'yon?"
"Makipag blind date kana! May irereto ako sa'yo!"
Ngumiwi ako. Hindi interesado.
"Oh, come on!" Reklamo niya nang makita ang reaksiyon ko. "Hindi ka naman i-c-crushback ng boss natin. Alam mong pusong bato 'yon."
Sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng tumingin sa paligid. Kapag may nakarinig talaga sa kaniya, kakaladkarin ko siya palabas ng building na 'to.
"Sige na kasi! Hindi ka rin lugi. Gwapo 'yon, saka may abs! Hindi ka magsisisi." Ngumisi siya sa'kin.
Bumuntong-hininga ako. "Kailan ba?"
"Mamayang 4pm."
Napailing nalang ako. Hindi ako tatantanan nito hangga't hindi ako pumapayag. "Oo na."
"Yes!" Nasasayahan pa siyang pumalapakpak. Pero bigla siyang natahimik nang makitang nasa harap niya na mismo ang boss namin. Pati ako ay nagulat.
Lagot.
"Don't you have a work, Ms. Guillera?" Malamig na tono ng boss namin ang nagpatulos sa kaniya sa kinatatayuan. Naaawa ako kay Tria. Malamang sobrang kabado na siya ngayon.
Gusto kong magsalita pero natatakot akong mabulyawan. Iba pa naman ang ugali ng lalaking 'to.
Hmp. Kung hindi lang kita gusto, matagal narin kitang sinapak dahil sa gaspang ng ugali at manhid mo.
"I-I'm...I'm s-sorry, Sir." Nakayuko at mabilis na tumakbo si Tria paalis sa harap niya. Nakita ko pa ang talim ng tingin sa kaniya ng boss namin bago malamig na tumingin sa'kin. O guni-guni ko lang 'yon?
Mabilis din siyang pumasok sa opisina niya. Umirap ako. "Topakin."
***
"Sir, I just want to say that I want to take a leave."
Nasa harap ako ngayon ng table ng topakin naming boss. Napag-isip isip ko rin kasi na since pumayag naman akong makipagdate, bakit hindi ko na lubusin? Baka sakali rin na mawala ang feelings ko sakaniya kapag sumubok akong kumilala ng iba. Na-realize ko kasing wala rin naman akong maaasahan sa kaniya. Masasaktan lang ako kung hindi ko pipigilan 'tong nararamdaman ko.
Halos limang taon niya narin akong secretary. Nagsimula lang akong magkagusto sa kaniya noong pangalawang taon ko na siyang pinagtatrabahuan. Hindi ko nga alam kung bakit hulog na hulog ako sa kaniya samantalang limang taon ko nang tinitiis ang pagiging bugnutin niya. Ang pagiging walang puso niya.
Tumigil siya sa pagpipirma ng papeles at nag-angat ng tingin sa'kin. "Why?"
Saglit pa tuloy akong napatitig sa gwapo niyang mukha. Sobrang bilis na naman nang tibok ng puso ko.
Liza! Kumalma ka!
Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "I want to take a break, Sir."
Sa limang taon kong pagtatrabaho dito, minsananan lang akong humingi ng leave kapag may special ocassions pero mas madalas na tutok ang trabaho ko bilang secretary niya. Kaya siguro papayag naman siya.
"Where are you going?"
Natigilan ako sa tanong niya at nanibago. Kailan pa siya naging interesado sa mga lakad ko?
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...