KUNG AYAW SA'YO NI CRUSH, DAANIN MO SA DAHAS

27 3 0
                                    

KUNG AYAW SA'YO NI CRUSH, DAANIN MO SA DAHAS

Me: Hi crush! Goodmorning!♡

Nagtatatalon pa ako sa tuwa nang makitang typing siya! Owemji!!

TYPING SIYAAA!! Aaaa...

Crush♡: Morning. Reply niya.

Me: May pupuntahan ka ba mamaya? Gusto mo gala tayo?

*After a

*1*

*2*

*3*

*4*

*5*

*6*

*7*

*8*

*9*

*10*

MINUTES LATER!!!!!

Arghhhh!!

*11*

*12*

*13*

*14*

*15

Crush♡: Do you mean a date? No. It's a big NO, Clea.

WHAT THE FUDGE?!! Wala pa nga, eh— basted na agad?!

Naiinis na binato ko sa kama ang cellphone ko. Nakakabadtrip talaga ang crush ko na 'yon! Masyadong suplado! Sayang, gwapo pa naman, hmp!

Magsisisipa pa sana ako sa paanan ng kama dahil parin sa inis nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

*1 Message received from Crush😘*

Agad na napalitan ng malaking ngiti ang labi ko. Mahina akong napahagikhik.

Abot langit parin ang ngiti ko nang buksan ang message niya. Pero nang mabuksan at mabasa ko na 'yon, pakiramdam ko nahulog ang puso ko.

Crush♡: Clea, when will you stop? Hindi maganda sa babae ang naghahabol sa lalaki. Isa pa, hindi ko magugustuhan ang babaeng desperada—

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa. Sumubsob nalang ako sa unan at doon umiyak.

Nakakainis naman, eh! Bakit ba nagkagusto pa ako sa lalaking 'yon?! Ginawa ko naman ang lahat, ha! Ano pa bang kulang? Anong kulang?! Pangit ba ako?! Kapalit-palit ba ako—

'Teka! Paanong kapalit-palit, eh— hindi nga naging kayo!' Saad nang munting tinig sa isip ko kaya mas lalo akong naluha.

Humanda ka sa'kin, Crush! Lintek lang ang walang ganti!

Dali-dali akong bumangon saka inayos ang sarili. Pupuntahan ko ang bahay ng crush kong 'yon! Lagot siya sa'kin!
_

ABOT-ABOT ang kaba na nararamdaman ko nang makipagtitigan sa pinto ng bahay ng crush ko.

'Clea, ito ang gusto mo, 'di ba? Edi panindigan mo!' Lakas-loob kong sabi sa sarili saka malalim na humugot ng hininga. Saka ko pinindot ng tatlong beses ang doorbell.

Pagkabukas ng pinto ay saktong—

WAAAAAAAAAHHHHH! SI CRUSSSSSHHHHH!!

Halos hindi makalma ang puso ko sa pagtambol nang masulyapan ang gwapo niyang mukha! Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang suot niyang eyeglasses kaya naman nagmumukha siyang matalino. Ramdam ko rin ang mga paro-parong nagliliparan sa tiyan ko. Nagkarambol-rambol na ang sistema ko dahil sa maliit na distansiya naming dalawa!

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon