HOW I LOOK AT HER

14 3 0
                                        

HOW I LOOK AT HER

"Kapagod!"

Napatingin ako sa pinto nang may sumigaw. Agad naman akong na-excite nang makita na nakauwi na pala ang mahal kong mokong.

"Hello Mahal," Sabi niya saka mabilis na humalik sa labi ko at tumabi sa'kin. Ngayon ay nasa sofa kami nakaupo.

"Ginagawa mo?" Usisa niya habang nakatingin sa phone ko.

"Ah.. wala. May tinatanong lang sa'kin'yong kaibigan ko," Sagot ko saka nagtipa ulit sa aking phone saka 'yon pinatay at inilagay sa tabi ko. Ayaw kong sabihin na inaaya ako ng mga kaibigan ko sa barー

"Bakit? Ina-aya ka na naman ba pumunta sa bar? Wag kang pupunta." Agad ay tutol niya na para bang nabasa ang nasa utak ko. Napaamang akong nakatingin sa kaniya.

'Oh, well. Magtataka pa ba ako? Eh, kilalang kilala na ako nito.'

Saad ko sa utak ko saka napailing-iling nalang. Nagulat naman ako nang humiga siya sa mga hita ko at ipinikit ang mga mata.

"Gusto ko matulog dito Mahal..." Malambing niyang sabi kaya napangiti ako at marahang sinu-suklay suklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Dumilat ang mga mata niya kaya tumingin muna ako sa paligid.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at napangunot-noo nang makitang nakatitig parin siya sa'kin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Blanko lang siyang nakatingin sa'kin saka bigla ay parang nagpipigil matawa.

"Ang pangit mo... pfftt.. " Sagot niya dahilan para umawang ang labi ko.

W-WTF???

"A-Ano?"

"Ang pangit mo."

"G-G*go ka ba???"

"Ang pangit mo." Di makapaniwalang pinanlakihan ko siya ng mga mata at wala sa sariling sinuntok siya sa dibdib.

"Siraulo! Alis!" Agad ay nangingitngit ako sa inis! Kaya dali-dali ko naman siyang pinatayo mula sa hita ko saka binigyan nang nakakamatay na tingin.

"Hahahahahahahahhaha!!" Humagalpak siya ng tawa habang hawak-hawak PA ang tiyan!

Kingina! Baliw ba 'to??

Naririndi ako sa tawa niya kaya naman pinaghahagis ko sa kaniya ang mga unan. Nang hindi parin siya tumigil ay walis tambo naman ang pinanghampas ko sa kaniya.

"A-Ahh! Hahahahahahah!! A-Aray Mah一 hahahhaha!! Aray一 m-masakit! Hahahahhahaha!! Tama n-na一 masakit nga hahahahhahaa!!"

Hindi parin siya makapagpigil nang tawa kaya naman lalo pa akong nababadtrip!!

"Hinayupak ka! Bwisit一"

"I love you."

Waaaaaa! Karupukan! Layuan mo ako!

"G-G*go一"

"I love you nga.." Doon ay naging malambing na ang tinig niya kaya hingal na hingal akong napatigil sa ginagawa saka masama parin siyang tiningnan.

ONESHOT TAGALOG STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon