LOVE SUCKS
"Mahal?"
"Yu hooo!" Napapangiti pa ako habang nakatanaw sa babaeng mahal ko na ngayo'y kumakaway sa'kin. Nilapitan ko siya saka malawak na ningitian.
"Bilisan mo naman! Ang bagal-bagal mo eh! Nalulusaw na yung ganda ko oh!" Singhal niya sa'kin habang lukot ang mukha. Napahalakhak naman ako saka siya inakbayan nang itirik niya ang mga mata sa hangin.
"Excited much?" Nakangisi kong tudyo sa kaniya. Sinamaan niya naman ako nang tingin.
"Tsk! Kapag pangit ma gown ang natira sa'kin hindi na kita pakakasalan!" Asik niya sa'kin ngunit tinawanan ko lang siya ng malakas
"Oo na. Halika na, baka mamatay ka sa excitement na makasal sa'kin eh," Nakangisi kong sabi saka umiwas ng tingin dahil alam kong tinatapunan niya na ako ng matatalim niyang tingin. Pigil ang pagtawa ko kaya lalong sumama ang mukha niya.
Pikon, Hahahahhaha!!
Nandito kami ngayon sa botique at magsusukat naman siya ng gown para sa kasal namin. Ikakasal na kami ilang linggo nalang ang darating kaya naman 'di mapaglagyan ang saya ko.
Sa totoo lang ay ayaw ko sumama pero pinilit niya ako dahil gusto niya na makita ko daw kaya wala narin akong magawa. Kung 'di pa ako sasama baka hindi na kami mag honeymoon.
-
"Bagay ba, Mahal?" Napalingon ako no'ng nagsalita siya. Agad namang nanlaki ang mga mata ko at bumilog ang nakaawang kong labi habang nakatingin sa kaniya.
Off-shoulder ang gown niyang 'yon at may palubog ng konti sa dibdib. Napalunok ako.
Halos kuminang ang mga mata ko dahil sa paghanga sa kaniya, katulad nang kumikinang ring diyamante sa paligid ng puting tela.
Nangilid ang luha ko saka siya nilapitan at walang sabi-sabing siniil siya ng halik. Hindi ko narin inisip ang mga makakakita sa'min dahil ang alam ko lang, napakaswerte kong lalaki dahil ako ang papakasalan niya.
Di pa rin ako makapaniqala na ang babaeng minahal ko simula noon, mapapakasalan ko na ngayon.
Naghiwalay ang mga labi namin nang may malawak na ngiti sa mga labi. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na 'to.
-
DALA KO ang isang bugkos ng rosas para dalhin sa mahal ko. Nakangiti ko pa 'yong tiningnan nang maalala kung gaano niya kamahal ang rosas.
Nakarating ako sa destinasyon nang mag-isa. Tahimik, payapa ang paligid. Ngunit habang papunta pa lang sa aking pupuntahan ay bumibigat na ang nararamdaman ko at nagsisimula na akong balutin nang lungkot at pangungulila.
Miss na miss ko na siya.
Kahit mahirap man ay tumuloy ako sa paglalakad dahil gusto ko nang makita ang babaeng tinitibok parin ng puso ko.
Nang makita siya ay agad ko siyang ningitian. Wala akong natanggap at walang matatanggap na tugon kaya naman lumuhod ako upang tunghayan siya.
Inilapag ko ang paborito niyang rosas sa tabi niya. "Mahal.. alam mo ba kung anong may'ron ngayon?"
Kahit alam kong walang sasagot ay nakangiti parin akong nakatingin sa kaniya.
"Anibersaryo natin ngayon, Mahal ko.. 50th Anniversary natin.. " May bahid ng lungkot at sakit ang boses ko. Hayun na naman ang nanlalabo kong mataー senyales na nagbabadya na naman akong maluha.
Hanggang sa hindi ko na napigilan at sunod-sunod na pumatak ang aking luha sa kaniyang lapida. Naro'n pa naka-ukit ang pangalan niya, dala ang apelyido ko ngunit higit na mas masakit pa iyon dahil hindi ko man lang naipagmalaki sa iba dahil wala na siya.
Nasa simbahan ako nang mga araw na 'yon at kabadong-kabado na dahil hindi pa siya dumrating. Hanggang sa nabalitaan na lang namin na nabangga sila nang sinasakyan niya kaya naman pareho silang binawian nang buhay ng driver.
Mas umukit pa ang sakit sa aking puso nang malamang buntis siya. Saka ay sinabi sa'kin nang matalik niyang kaibigan na hindi niya muna daw 'yon sasabihin sa'kin at gagawing surpresa.
Magkasama silang namatay dala ang magiging anak namin. Sarili ko lagi ang sinisisi ko dahil kung naingatan ko lang sila, ediー sana masaya kami ngayon, buong pamilya.
"Mahal na mahal kita.. at alam ko, kung mawala man ako sa mundong ito ay makakasama ko rin kayong anak at asawa ko.." Naluluha kong sabi saka ay inilapat ang aking labi sa lapida niya.
Love sucks.
• ONESHOT STORY
@janessCious|Janess
****
Just visit my facebook account, (Janess) if you want to read my story there!
꧁𒊹︎︎︎꧂
@janessCious|Janess
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...