Nakapikit ako't ninanamnam ang simoy ng hangin. Palinga-linga lang ako sa paligid, ng may maramdaman akong presensiya sa likod ko.Humarap ako at biglang—
"O-Oh my..."
Napatutop ako ng bibig! Si— hindi na mahalaga yung pangalan— ay nakaluhod at nagpo-prose sa'kin!
Napaluha ako. Matagal ko nang pangarap 'to!
ANG MAGPAKASAL!
Hindi ko alam na taken na pala ako. Taken na pala ako?
Masaya akong napaluha. All this time, hinintay ko siyang magpoprose sa'kin. Matagal ko nang hinihintay 'to, dahil akala ko wala na akong halaga sa buhay niya. At sa wakas, matutupad na ang pangarap naming dalawa.
d^_________^b!!!!!!
Kahit naluluha ay inihanda ko parin ang daliri ko para maisuot na ang singsing. Nang hindi siya gumalaw ay ako na mismo ang nagsuot no'n sa'kin.
Hindi naman kasi siya talaga gumagalaw— Ha? Oo nga pala. Makakapangasawa ako ng gwapo. Hihihi!
Matapos 'yon ay buong puso ko siyang niyakap habang halos mapuknat na ang mukha ko sa kakangiti.
Medyo matigas siya— baka kakapa-macho siguro— pero hindi ko na ininda pa 'yon dahil sa sobrang saya ko!
d^________________^b!!!!!!!!!!!!!!
"Kailan kasal natin, babe?" Tanong ko sa kaniya habang malawak na nakangiti. Napangiwi naman ako nang hindi siya magsalita.
Pero hindi na mahalaga 'yon. Ako na mismo magseset ng kasal namin. Bukas mismo! BUKAS MISMO!
HEHEHEHEHEHEHHEHEHEHE. d^________^b!!!
Isa na ito sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Magpapakasal kami at gagawa ng statwa— I mean ng anak pala, ihihihihi.
Mainggit kayo sa'kin. Ako kasi Engaged na at taken pa. Eh kayo? Forever single? Ahh... kawawa, ha-ha. Atleast ako may papakasalan na.
"Di ba babe?" Tanong ko sa kaniya na para bang alam kong nabasa niya ang nasa isip ko. Hindi parin siya sumagot at nakaluhod parin.
Mukhang gusto ng mapapangasawa ko na magpo-prose sa'kin araw-araw. Ayaw niya kasi tumayo sa pagkakaluhod eh. Aba, masaya 'yon sobra! Ang swerte ko! d^_____^b
✍️: @janessCious | Janess Manunulat
#EpektoNgKasobrahanSaBoga—DrogaPala
Photo is not mine.
![](https://img.wattpad.com/cover/258036539-288-k452497.jpg)
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...