"Where the hell are you ba?!"
: ["I'm coming babe. 'Wag ka na magalit—"]
"Ako?? 'Wag magalit?! Are you crazy?!! Pinaghintay mo ako ng ilang oras dito! Tapos sasabihin mo 'wag akong magagalit??"
I heard him sighed. Mas lalo akong nainis.
: "J-Just— okay. Calm down, will you? Malapit na ako. Ibababa ko na 'to. Iloveyou."]
Hindi na niya ako hinayaang makasagot kaya binaba na niya ang tawag. Hindi na ako galit pero naiinis parin ako.
Kapag ako talaga, naging lalaki, gagawin ko lagi 'yang gawain niya! Magpapalate ako lagi sa oras ng date namin!
——
Isang napakamalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Saka ko binilisan ang pagdadrive para makapunta na sa girlfriend kong laging galit. Heto na naman. Galit na naman sa'kin ang girlfriend ko. Well, hindi na nakakagulat 'yon. Lagi naman talaga siyang galit sa'kin.
Gano'n ba talaga kapag babae? Laging galit? Hay. Kung ako magiging babae, lalambingin ko lagi ang boyfriend ko. Kaso mukhang malabo mangyari 'yon. Lalo na sa girlfriend ko.
Tsk.
——
Sinag ng araw ang nagpadilat sa'kin. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako.
Nakatulog sa paghihintay.
Dahil do'n ay bumalik na naman ang inis ko sa 'boyfriend' kong maagap lagi pag may lakad kami. Pero natigilan ako ng makitang nasa tabi ko lang siya. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
Dahan-dahan ko 'yong inalis. Kinumutan pa niya ang buong katawan kaya mukha lang niya ang nakita ko. Napangiti ako.
Okay sige. Palalampasin ko 'to. Mukha namang pagod siya eh.
Sa isiping 'yon ay inayos ko muna ang sarili ko. Saka ako naghanda ng makakain.
"Babe.."
Napalingon ako ng makitang lumabas siya ng kwarto. Balot na balot sa katawan niya ang kumot. Nagtaka ako.
"Nilalamig ka ba ng sobra?" Kunot-noo kong tanong. Inaantok pa siyang tumingin sa'kin.
"Para kasing anlamig. Feeling ko wala akong suot na damit." Saka siya natawa at tiningnan ako. Nalusaw ang ngiti niya at napatitig sa'kin.
Napakurap-kurap ako. Ano na naman bang meron?
"B-Bakit?" Taka kong tanong. Halos malaglag ang panga niya kakatitig sa'kin at sa katawan ko.
Dahil do'n ay napatingin rin ako sa katawan ko at gano'n nalang ang gulat ko nang makitang nag-iba ang katawan ko! Dahil sa gulat ay nabitiwan ko ang basong hawak ko kaya 'yon nabasag sa sahig.
"What the..." Gulat na gulat parin ako. Para kasing kilala ko kung kanino ang katawan na nasa'kin ngayon.
Nilingon ko siya saka ko nakitang binaba niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Saka lumantad sa harap ko ang hitsura niya!
Hala! Nagkapalitan kami ng katawan?!!
Imbes na magulat sa nakita ko ay bigla humagalpak ako ng tawa. Nagulat din siya sa inasta ko.
"BWAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!"
Halos walang katapusan ang paghalpak ko ng tawa. Ni hindi ko na nga naisip kung paanong nangyari sa'ming dalawa 'to. Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko habang tumatawa dahil sa histura niya. Tumigil ako saka siya tumingin sa'kin. Tiningnan ko siya ulit saka ako tumawa.
"BWAHAHHAAHAHAHHAHAH ang pangit mo! HAHAHAHHAHAHHA!"
Natatawa talaga ako sa hitsura niya. Ang ganda ganda ng katawan ko pero pagdating sa ulo— nevermind.
Nakanguso siyang lumapit sa'kin. Ngumingiti ako, pinipigilang tingnan at pagtawanan siya. Pero hindi ko talaga makayanan.
"BWHAHAHAHAHAHAHAH!"
Mukhang naiinis na siya sa'kin dahil ang tahimik niya pero wala akong pake. Duh? Kala mo naman takot ako sa kaniya.
"Sige, pagtawanan mo 'ko. Lagot ka sa'kin sa kwarto mamaya." Nagbabanta niyang sabi. Napahinto ako.
Akala niya kinabahan ako kaya siya naman ang napangisi. Pero tinawanan ko lang siya ulit. Nawala ang ngisi niya.
"HAHAHAHAHHAHA! Kapal ng mukha mong manakot gamit 'yang katawan ko? BWHAHAHAHHA!" Pang-asar ko sa kaniya at siya naman ay mukha nang asar na asar.
Hindi na tuloy ako natakot sa banta niya dahil sa hitsura niya. Sa kalagayan namin ngayon, parang mas kaya ko nang buhatin siya at ihagis sa kama. Uulit-ulitin ko 'yon, para magtanda na siya.
Kala mo ha. HAHAHAHAHHAHA!
✍: @janessCious | Janess Manunulat
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
