THE COMFORT THAT WE WILL NEVER FELT FROM OUR LOVED ONES
"Babe," Nakangiti kong hinawakan ang kamay ni Alisha na nakapatong sa mesa. Tapos ay inilabas ko ang regalong dala ko. "Happy 1st anniversary."
She didn't smiled back at me. Sa halip ay sinulyapan niya sina Riz at Raz. "Bakit dala mo na naman 'yang mga 'yan?"
Natigil ako at sinulyapan ang dalawa kong alaga. Tahimik lang silang nakatunghay sa'min. I gazed at Alisha again. "W-Wala kasi silang kasama sa bahay, babe. Kaya dinala ko sila."
Sarkastiko siyang natawa at pinagkrus ang braso sa dibdib. Pagkatapos ay matalim akong tiningnan. "Seriously, Dave? Date natin, may kasama kang aso? At hindi lang isa." She made a disgusting face.
I swallowed hard and tried my best to smile at her. "Hindi naman sila magulo, babe. Hindi sila makulit—"
"Kahit na!" Bigla ay sigaw niya. Napaatras ako at tumingin sa paligid. May ilan-ilang atensyon kaming naagaw. Bumaba nalang ako ng tingin.
"You know that I hate dogs!" She angrily exclaimed. "Buti sana kung malilinis 'yan! Mukhang gagalisin! Mamaya mabahiran pa ako ng kadumihan ng mga alaga mong 'yan!"
Kumunot na ang noo ko. "Palagi ko silang nililinisan—"
"Stop." Nahinto nalang ako ng itaas niya ang kamay niya, silencing me. I pursed my lips together. "You know what? Nakakasawa na ang palaging ganito. Alam na alam mong ayaw ko sa mga alaga mo, pero ganito parin ang ginawa mo."
Hindi nalang ako nagsalita. Sa totoo lang hindi ko naman talaga balak na isama sina Riz at Raz dahil alam kong ganito ang magiging kalabasan pero hindi ko lang talaga sila maiwan sa bahay. Lalo na at nagmakaawa pa ang dalawa na isama ko sila. I can't resist them.
"Where's my gift?" She seriously asked.
Dahil doon ay aligaga kong inabot ang regalo ko para sa kaniya. Nakalagay 'yon sa paper bag. Tumaas ang kilay niya at tiningnan ang laman noon.
Kabado kong pinagkrus ang dalawa kong kamay, natatakot na baka hindi niya 'yon magustuhan. Pero sa kabila nang kabang nararamdaman ko, isang maliit na kamay ang pumatong sa kamay ko. Napatingin ako kay Raz. Parang kino-comfort niya ako at sinasabihang kaya ko 'to. Pati si Riz ay gano'n rin. Malalambing ang mga matang nakatingin sa'kin. I sighed and smiled at them.
"Ano 'to, Dave?"
Naalis ang tingin ko sa dalawa at lumipat kay Alisha. Nakangiwi siya habang nakatingin doon sa regalong binigay ko. Bumalik na naman ang kaba ko.
"Magandang brand ng bag 'yan babe—"
"Maganda?" Pabagsak niyang nilapag ang bag sa mesa na para bang basura lang 'yon. Samantalang ilang buwan kong pinag-ipunan 'yon. "Tingnan mo nga, halata namang mumurahin lang 'yan. Tapos sasabihin mong maganda?"
"Mumurahin?" Ako naman ang natawa ng sarkastiko. "10k 'yan, babe. Paanong mumurahin? Ilang buwan kong inipon ang sahod ko mabili lang 'yan—"
"Oh tapos?" She said, cutting me. Natigil ako. "Hindi naman 'yan ang brand ng bag na sinabi ko sa'yo, ah? Pero 'yan parin ang binili mo?"
Bumaba ang tingin ko at bumuntong-hininga. "Yung brand kasi ng bag na pinapabili mo masyadong mahal—"
"Hindi mo afford? Geez, Dave!" Parang namomoblema siyang hinilot ang sentido. Kinagat ko ang sariling labi. "Ganyan naman lagi, lagi mo nalang hindi afford! Bakit mo pa ako niligawan at ginawang girlfriend kung lahat naman pala ng gusto ko hindi mo kayang bilhin? Ugh." Umirap siya at umiling-iling.
Mas lalo akong natahimik. Parang sinasaksak ng mga salita niya ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit.
"Alam mo," Isinakbit na niya ang mamahalin niyang sling bag sa balikat, naghahanda nang umalis. Natigalgal ako at tumingin sa kaniya. "Maghiwalay nalang tayo."
Nanigas ako sa kinauupuan. "B-Babe—"
Itinaas niya ulit ang kamay at tumayo. "Enough. Pagod na ako sa mga explanation mong walang kwenta. Ayaw ko sa mga aso mo, ayaw ko sa mga binibigay mong cheap, at higit sa lahat," Tiningnan niya ako mula ulo at paa na parang sinusuri ako. Pagkatapos ay ngumiwi siya. "Ayaw ko sa'yo."
Literal na akong hindi nakagalaw sa kinauupuan. Natulala nalang ako kung saan ko siya huling nakita. Nakitang tumalikod papalayo sa'kin.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Bakit gano'n? Ginawa ko naman ang lahat. Ano bang kulang?
Bakit ko kasi pinilit? Pinilit ko kahit alam kong hindi ko kaya. Hindi ko kayang bilhin lahat ng gusto niya, hindi ko kayang ibigay ang lahat sa kaniya... at hindi ko kayang maging ideal man niya.
Huminga ako ng malalim at kinuyom ang kamao. Pero natigil ako nang may kumalabit sa'kin.
Lumingon ako at doon ko nakita sina Riz at Raz, nakatingin sa'kin na para bang alalang-alala. Hindi ko alam kung bakit mas lalo lang tumulo ang luha ko. Ipinatong nilang dalawa ang kamay sa kamay ko na parang pinapagaan ang loob ko.
Nagulat nalang ako nang pareho silang umangat at idinantay ang maiikling kamay sa balikat ko. Tuloy ay natawa ako kahit naluluha. Gusto nilang yakapin ko sila kaya 'yon ang ginawa ko. Niyakap ko sila ng mahigpit na para bang sa kanila nalang ako kumukuha ng lakas.
Buti pa ang mga hayop at alaga, may simpatya at pagmamahal para sa tao. Pero sa tao? Kahit ibigay at ilaan mo ang lahat ng may'ron ka, iiwan ka parin nila sa dulo dahil lang sa hindi mo naibigay ang kanilang mga gusto.
• ONESHOT STORY ONLY
✍️: @janesscious | Janess Manunulat
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...