WELCOME TO MODULE STRESS
*TING!*
; "['Tol, 1v1 tayo]"
Napatingin ako sa screen nang phone ko nang mag-chat ang tropa ko. Bumuntong-hininga muna ako saka siya nireplayan.
: "[Panira ka naman oh. Nagfo-focus 'yong tao sa module eh]" Reply ko.
; "[HAHAHA. Nagfo-focus? Talaga lang ah?]"
Siraulo.
Magre-reply pa sana ako nang unahan niya ako.
; "[Sige na 'tol. Di pa naman ata pasahan niyan ngayon, mamaya, oh bukas eh]"
: "[Tanga. Syempre, marami-rami 'to noh. Alangan naman saka ako mag-aral kung kailan pasahan na?]" Sarkastiko kong reply.
; "[HAHAHAAHA]"
; "[Sige na. Isang game lang tayo pramis. Oh kaya magpatalo ka lang 'di na kita kukulitin]"
Aba. Ginawa pa akong tanga ng sira-ulo.
: "[Sira!]"
: "[Oh sige na. Isang game lang ah]"
; "[Oo sige sige]"
Matapos ang chatan namin nang tropapitzz ko ay sinimulan ko nang i-open ang ML ko.
Nang bigla ayー
; "[Good afternoon Class. Maayos na ba lahat ng Modules niyo? Ayusin miyo na 'yan dahil pasahan na bukas. Lagyan ng puzziner ang mga papel at activities para hindi maghiwa,hiwalay. &&,739!;hucwijkpnsivainInzー ]
Hindi ko na natuloy ang pagbabasa dahil biglang nandilim ang paningin ko.
Depukar.
P-PASAHAN NA BUKAS!???
B-BUKAS????
OO??? BUKASSSS!????
KINGINAAAAAAAA!!!!
; "['Tol, kanina pa ako active]"
; "[Saan ka na ba?]"
Hindi ko pinansin ang chat nang kaibigan ko nang mapatitig ako sa cellphone ko.
" MODULE. "
" Deadline na bukas. "
T-T*ngina!? Imbes na MOONTOONー MODULE ANG NAKALAGAY!????
Pinilig ko ang ulo ko atー wolaaaaaaa!! MODULE NGA ANG NAKALAGAY! MODULE!!!
King ina. Kailangan ko muna mag Module bago ako pa ang magkaDEADLINE kinabukasan.
; "[Oyy]"
; "['Tol?]"
: "[Ayoko munang mamatay 'tol]"
: "[Mahal ko pa ang buhay ko]"
: "[Ayoko magkaro'n ng DEADLINE]] Reply ko sa kaniya.
; "[Huh? HAHAHA]"
; "[Ang drama mo naman 'tol]] Reply niya.
: "['Tol, di ba, pareho lang tayong Grade 10 at parehas rin nang school? Malamang, parehas din ang date natin nang pasahan ng Modules]"
; "[Oo nga 'tol. Bakit?]"
: "[PASAHAN NA BUKAS!]
Naka-capslock ko pa 'yong ni-reply sa kaniya at nangunot naman ang noo ko nang natagalan siya bago mag-reply.
: "['Tol?]" Ako naman ang nangulit ngayon.
; "[TOL! BAKIT ANG NAKALAGAY AA MOONTOON NGAYON AY " MODULE " NA?]"
At ayon na nga.
Naging SABOG NARIN SIYA.
✍️: Janess|@janessCious
• Work Of Fiction
• MODULE muna bago ML (MODULE muna bago LANDE)
****
Just visit my facebook account, (Janess) if you want to read my story there!
꧁𒊹︎︎︎꧂
Janess|@janessCious
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
