I'LL MAKE HIS DREAM COME TRUE
"Hey."
Nagulat man ay agad akong nakabawi kay Josh nang yakapin ako nito mula sa likuran. Napapangiti naman ako saka siya hinarap dahil nakauwi narin siya galing sa trabaho.
Kita sa mga mata ko ang pag-aalala nang makita ang buong mukha niyang halatang pagod na pagod.
"Kamusta Mahal? Mukhang pagod na pagod ka ah." Nag-aalala kong sabi saka ay hinawakan ang pisnge niya. Ngumiti siya ngunit hindi gano'n kalapad. Dahil narin siguro sa pagod.
"Ayos lang ako Mahal. Mmm.. gusto ko na magpahinga." Ani nito saka ako ningitian at hinalikan sa noo. Nagpresinta pa muna akong ipaghanda siyang kumain ngunit halata na talaga sa kaniya ang pagod kaya naman sinamahan ko nalang siya sa kwarto namin.
Tinulungan ko siyang mag-ayos ng sarili saka humiga sa kama. Umupo ako sa tabi niya at malayang tinitigan ang mukha niyang patulog na sana. Dumilat siya saka ako tiningnan.
Ngumiti siya na para bang anghel ang nakikita niya.
Ngiting laging nakakabuo sa araw ko.
"Mahal..." Naglalambing niyang banggit saka marahang hinimas ang likod ng palad ko. Napatingin ako doon saka nakangiti siyang binalingan ng tingin.
"Kailan ba tayo magpapakasal?" Masaya at nanabik nitong tanong na para bang bukas na 'yon mangyayari. Nawala ang ngiti sa labi ko at nagbaba nalang ng tingin.
"Mahal...napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Mahina kong sabi at nag-angat ng tingin sa kaniya para pagmasdan ang reaksiyon niya.
Unti-unti ang malawak niyang ngiti ay napalitan ng malungkot dahil sa mga mata niya. Nagbaba rin siya ng tingin. Parang tinusok ang puso ko nang makita ang lungkot na 'yon sa mga mata niya.
Nang makitang nakatitig ako sa kaniya ay ngumiti siya ulit ngunit pilit nalang 'yon.
"Naiintindihan ko, Mahal. Magpapahinga na ako." Malungkot ang tono niyon saka ay hinalikan niya ako sa labi. Sinadya niyang tumagilid nang higa para hindi niya ako makita. Napabuntong-hininga naman ako saka lumabas nalang ng kwarto para kumain.
Napatulala ako. Malungkot na naman ang mahal ko. At dahil do'n apektado ako at nalungkot rin.
'Nagiging makasarili na ba ako?' Tanong ko sa sarili. Napag-usapan kasi naming hindi muna kami magpapakasal hangga't hindi ko pa natutupad at nakukuha ang pangarap ko. May kaya naman kami, may sariling bahay, may maayos na trabaho at nasa tamang edad na. Nakapag ipon-ipon narin para makabuo ng pamilya at syempre, para sa kasal.
Hindi pa rin ba ako handa magpakasal? Matagal na ang relasyon namin ni Josh. Marami narin siyang napatunayan sa'kin na isa siyang matino at mapagmahal na lalaki, pero bakit ganito?
Nalulungkot ako dahil ako mismo hindi maintindihan ang sarili.
Kulang ba ang tiwala ko sa kaniya para hindi ko ibigay ang sarili ko sa kaniya?
DUMAAN ANG mga araw at unti-unti, nawawalan na ng oras sa'kin si Josh. Wala naman nagbago sa kaniya, gano'n parin siya pero 'di ko maiwasan malungkot dahil nahahati na 'yong oras niya para sa'kin.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
