LOVE IN PRIVATE
"Payakap."
Natawa ako nang ngumuso si Jerome sa'kin na parang bata. Tumayo ako saka nauna siyang niyakap nang mahigpit. Agad niya naman akong niyapos pabalik.
"Namiss kita." Mahina niyang sabi sa tainga ko habang magkayakapan kami. Hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko na siyang kinangiti ko nang malapad.
"Namiss rin kita." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa'kin bago bumitaw. "Doon tayo?" Turo ko doon sa parteng mabato sa kalayuan ngunit walang katao-tao.
Doon namin hilig tumambay, sa tabi ng ilog dahil nakakakalma rin sa pandinig ang agos ng tubig pati narin ang naghahanginang mga puno. Hilig namin tumambay o magdate sa lugar na tahimik at walang tao.
Hindi naman dahil sa may ginagawa kaming kababalaghan. Kundi dahil, patago lang ang relasyon namin.
Meaning, hindi kami legal, both side. Sinubukan naman namin noon pero hindi sila pumayag. Dahil narin siguro sa wala pa ako sa tamang edad.
Pero kahit ganoon, hindi ko makakailang sa murang edad ay nagmahal at minahal ako ng totoo. Bagay na hindi namin inaasahang pareho ni Jerome.
Ngunit may'ron pa pala kaming hindi inasahan at hindi napaghandaan. Isang malaking bagyo na posibleng magpataob sa aming dalawa na siya 'ring magiging dahilan ng pagkakahiwalay namin mula sa higpit ng hawak namin sa isa't-isa.
——
"Talaga bang hindi ka titigil sa pakikipagkita diyan sa lalaking 'yan, Joice?!" Galit na bulalas ni Mama. "Akala niyo walang nakakakita sainyo? Marami akong mata diyan sa paligid, kung alam mo lang!"
Napayuko nalang ako nang tahimik na lumandas ang isang butil ng luha mula sa mga mata ko.
——
"Di na talaga ako magtataka kung isang araw buntis na 'yang batang 'yan." Dinig ko pang usapan nila lola at tita. Agad nalang akong lumayo doon at hindi na sila inisip pa.
——
"Tigilan mo na daw si Jerome! Pine-perahan mo lang naman siya!" Saad pa ng pinsan ni Jerome. Na tinuring kong matalik kong kaibigan.
——
"A-Ayoko na..." Nabasag na ang boses ko habang takip ang mukha at impit na humahagulgol. "Bakit ganito? Baka hindi talaga tayo pwede..."
Narinig ko pa ang paghinga ng malalim ni Jerome sa tabi ko. Ngayon ay patago ulit kaming nagkita pero mas nag-iingat na kami ngayon. Ramdam ko 'ring kanina niya pa ako gustong hawakan pero nagpipigil siya lalo na't nasa hindi magandang sitwasyon kami.
Pero ilang sandali pa nang maramdaman ko ang pagharap niya sa'kin. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa mukha ko saka pinahid ang luhang nagkalat sa pisnge ko.
"Kaya natin 'to, okay?" Pagpapakalma niya pa sa'kin sabay hagod ng marahan sa ulo ko. Napatitig ako sa kaniya. "Di ba walang susuko? Hindi tayo pwedeng sumuko.." Mula sa mga mata niya ay nakita ko ang pagtulo ng luha niya doon na kaagad naman niyang pinunasan.
Mas lalo lang akong naluha habang pinagmamasdan ang mukha niyang pilit na ngumingiti sa'kin pero bakas naman doon ang sobrang pagod, sakit at lungkot. Nagbaba nalang ako ng tingin habang patuloy parin sa pag-agos pababa ang mga luha ko.
"Kaya pa ba natin?" Mahina kong tanong. "Mismong mga magulang at kamag-anakan ang kalaban natin dito... w-wala tayong laban sa kanila lalo na't wala pa tayong naipagmamalaking pareho, Jerome."
Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. "Hindi pwede. Walang bibitaw."
Tiningnan ko siya sa mata. Punong-puno 'yon ng pagmamahal para sa'kin at alam kong ganoon rin ang mga mata ko sa kaniya. Pero hanggang saan namin kayang ipaglaban ang ganitong pagmamahalan gayong marami kaming kalaban? Mga kalabang hindi rin namin alam kung papaano kakalabanin at susuwayin kung ang gusto lang talaga nila ay ang makakabuti para sa amin.
"Tingin ko dapat natin silang sundin—"
"Hindi." Napalunok si Jerome at nagsusumamong tumingin sa'kin. Parang maiiyak narin siya kaya mas lalo niya nalang hinigpitan ang hawak sa kamay ko saka hinalikan 'yon na parang doon lang siya nakakakuha ng lakas. "Please, mahal, wag..." Umiling-iling siya. "Hindi ko kaya..."
Hindi ko rin naman kayang mapahiwalay sa kaniya lalo na't nasanay na ako sa presensiya niya. Pero sa dami ng naranasan ko dahil hindi namin magawang maghiwalay, hindi ko na alam kung dapat parin naming ituloy 'to.
"Pangako," Huminga ako ng malalim at hinagod ang buhok niya pababa sa pisnge niya. "Babalikan kita... ipaglalaban na natin ang relasyong 'to sa tamang panahon, kung saan wala nang kahit na sinong hahadlang sa atin. Ipaglalaban natin 'to sa oras na hindi na natin kailangan magtago at maipagsisigawan na natin sa mundo ang isa't-isa. Pangako 'yan."
Dedicated to someone I love.
• NO MORE NEXT.
✍️: Janess Manunulat
add/follow for more stories.
— @janesscious
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
