A VICTIM OF BEING A THIRD WHEEL
"Huy! Melan—"
"Shh! 'Wag kang maingay!" Saway sa akin ng impokritang babae. Napahilamos nalang ako sa buong mukha.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Gaga ka ba?! Kapag may nakakita sa'tin—"
"Wag ka nga kasing maingay!" Mahina ngunit may diing singhal niya. Para kaming tānga dito na nag-aaway sa sobrang mahinang boses. "Talagang mahuhuli tayo dahil ang lakas ng boses mo!"
Itinikom ko nalang ang bibig kahit pa gusto kong maghumiyaw sa inis at hilahin nang marahas ang buhok ng kaibigan kong ahas— I mean, bakit ba kasi ang landi niya!
Nandito kami ngayon sa damuhan at nagtatago, dito lang naman sa labas ng bahay ng boyfriend niya— and worst, halos mag 12 midnight na!
Talagang mapapagalitan ako nito pag nahuli akong wala sa bahay.
Binalingan ko siya na patingin-tingin parin doon sa bintana ng isang malaking bahay at pagkatapos titingin naman sa cellphone niya at magta-type.
"Seriously, Melanie? Ikaw ang babae tapos ikaw ang pupunta sa bahay niya?!" Mahina kong tanong na may bahid ng inis.
"Eh, alam mo namang hindi siya basta-basta makakapasok sa bahay, e." Aniya saka sumilip sa bintana. Doon nakita na din tumanaw ang boyfriend niya sa'min, slash pinsan kong baliw at bestfriend ko naman ang girlfriend niyang baliw.
What a great combination.
"Ako nalang daw muna mag-adjust, total sabi niya miss na miss na daw niya ako." Saka siya humagikhik na parang timang. Napalabi ako at bahagyang umiwas sa kaniya.
That's so ew.
Kahit kailan talaga hindi ako magjo-jowa. Just... look at my friend?! Ayokong mabaliw katulad niya, 'no.
Nabigla nalang ako nang bigla siyang tumakbo papalapit doon sa bintana. Huminga naman ako ng malalim saka nawawalang ganang sumunod sa kaniya.
"Baby..." Parang batang nagmamakaawa si Melanie dahil hindi niya abot ang bintana. Napangiti naman sa kaniya ang pinsan kong baliw na boyfriend niya.
"Hello there, baby."
Ngumiwi nalang ako saka umikot ang mata sa hangin. Jusko lang, ayokong manood ng live na kalandian! Nakakasuklam!
"Ano ba? Ganito lang tayo? Kayo??" Iritado kong reklamo. Natawa naman ang pinsan ko sa itinuran ko.
"Baby, bakit mo pa sinama 'yang bespren mong bitter?" Natatawa niyang asar sa'kin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin mula dito sa baba. Natawa din si Melanie sa kaniya.
"Baby, I have a plan." Mahinang sabi ni Marlon. Patuloy lang sila sa pag-uusap at hinayaan ko nalang dahil wala rin namang kwenta kung makikisawsaw pa ako.
"Jen!"
"Ano?" Kunot ang noo akong humarap kay Melanie.
Hinila niya ako papaalapit sa bintana. Tumaas ang kilay ko. "Anong gagawin natin—"
Napahinto ako nang maramdamang sumampa siya sa likod ko!
"Put— h-hoy, Melanie! Siraulo ka b—"
"Wag kang malikot gāga!"
Sunod-sunod akong huminga ng malalim dahil gusto ng utak kong ibalibag 'tong babaeng 'to para umalis siya sa likod ko!
Kaya naman itinikom ko nalang ang bibig kahit pa malapit na akong sumabog. Hindi ko makita ang nangyayari kay Melanie malapit sa bintana dahil—leche lang! Yukong-yuko ako dahil sa hita niyang nasa magkabilang balikat ko!
Hanggang sa—
chup*
chup*
"What the f*ck?" Parang nababaliw kong tanong sa sarili.
Punyet— naghahalikan sila! Naghahalikan sila habang ako dito— binabalanse ang bigat ng hinayupak kong kaibigan kahit pinilit lang naman ako!
"Hahahaha! Thank you, Jen, fir helping Melani—"
"G*go!" Agad kong pigil sa kaniya. Tinutulungan?! Pakiramdam ko nagpantig ang tainga ko sa narinig. "Hindi ko siya tinutulungan! Pinilit ako kahit ayaw ko! Pinilit ako!" Nanggagalaiti kong sabi. Narinig ko nalang ang tawa nilang dalawa.
Pero natahimik kami bigla nang...
"Warrr... arf! Arf! Arf!"
"T-T*ngina..."
"Baby! Akyat, bilis!"
Sa narinig kong 'yon ay naramdaman ko nalang na gumaan ang likod ko dahil wala nang nakapatong sa likod ko! Kinabog naman ang puso ko nang makita ang aso...
ASONG BULLDOG!
"Huwaaaaa! Melanie!" Agad akong nag panic. Aabutin sana nila ako para umakyat din pero huli na dahil nagsimula naring tumakbo papalapit sa'kin ang aso.
Kalmado akong huminga ng malalim saka— SAKA AKO MABILIS NA TUMAKBO!!!!
Matik na sinundan ng aso.
"MELANIEEEEEE! HUMANDA KAYONG DALAWA SA'KIN LINTEK KAYO!!!!"
✍️: @janesscious | Janess
• Work of Fiction
PHOTO IS NOT MINE.
![](https://img.wattpad.com/cover/258036539-288-k452497.jpg)
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
AcakEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...