𝐒𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐈𝐒𝐄𝐃 𝐌𝐄 𝐓𝐎 𝐒𝐓𝐀𝐘 𝐀𝐖𝐀𝐘 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐌𝐘 𝐁𝐄𝐒𝐓𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃"Ano 'yan?"
Tanong ko sa girlfriend ko nang marinig kong tumunog ang notification niya. Hindi naman sa mapaghinala pero sanay lang talaga akong tanungin siya sa lahat ng bagay.
"Friend request," She answered so I took a look on her phone. Agad nangunot ang noo ko nang makilala ang pangalan ng nagfriend-request sa kaniya sa facebook.
Walang sabi-sabi kong inagaw sa kaniya ang phone niya saka cinancel request ang lalaking nagsend ng friend request sa kaniya.
"Huh? Bakit?" Nagtataka niyang tanong tungkol sa ginawa ko. I let a loud breath.
"Basta." Kumunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang trip no'n at girlfriend ko ang pinuntirya? "'Wag mong kakausapin 'yon ha?"
"Bakit nga?" Knowing her, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang dahilan.
"He's my bestfriend." Simpleng sagot ko. Mas lalo naman siyang nagtaka saka umayos ng upo para harapin ako.
"Kaibigan mo naman pala e." Nakataas ang kilay niyang sabi.
"Hindi matino 'yon." Ani ko saka bumuga ng marahas na hininga. "Mahitsura kasi 'yon kaya lahat ng babae na may gusto sa kaniya sinasamantala niya. Tapos i-score siya sa babae dahil alam niya ang kahinaan mo, niyong mga babae. Then after that, he will leave them."
"Ay, grabe." Iling niya na para bang hindi makapaniwala. "What kind of a guy is that?"
"Kaya nga sinabihan na kita." Pagpapaalala ko. "Baka pagtripan ka rin no'n e. Kaya magpromise ka, hinding-hindi mo siya kakausapin o lalapitan ha?" Naglalambing kong sabi saka hinawakan ang kamay niya.
"Eh?" Natawa naman siya. "Para namang magkikita kami. Eh, nasa probinsiya niyo 'yan eh."
"Kahit na." Pangungumbinsi ko. "Promise me."
Nakangiti siyang huminga ng malalim. "Promise po."
Awtomatiko akong napangiti. "Good."
Napatulala ako at naisip ang lalaking 'yon na minsan ko na ring tinuring na matalik kong kaibigan. Sadyang hindi ko lang talaga gusto ang paraan niya sa paggamit ng mga babae.
At ngayong nakita niya ang girlfriend ko, kinakabahan ako. I know him very well. He will add those beautiful girls on facebook, do chat or flirt with them saka niya sila paiikutin para makuha niya ang gusto niya.
Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko katulad nang... paano kung magkakilala sila? Maging malapit sila? Paano kung mahulog sa kaniya ang girlfriend ko lalo na't kung histura ang titingnan, talo ako? Paano na?
'Yon ang kinakatakot ko. Ang maagaw ng bestfriend ko ang girlfriend ko dahil minsan ko nang nakita kung paanong bumigay ang mga babae sa kaniya.
___
LIFE WITH Sandra is so happy. Walang oras na hindi ako naging masaya kapag kasama siya, kapag kausap siya lalo na kapag nasa tabi ko siya.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
De TodoEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...