𝐈 𝐖𝐀𝐍𝐓 𝐓𝐎 𝐄𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐁𝐀𝐁𝐘Nagising akong wala na ang boyfriend ko sa tabi ko. I'm wondering, where the hell is he?
Hindi kasi ako sanay na wala siya sa tabi ko pagkagising ko. Nagsisimula naman ako mainis.
Baka mamaya umalis na naman 'yon nang hindi nagpapaalam sa'kin kung saan siya pupunta!?
Bumuntong-hininga ako saka dumeresto sa banyo para mag-ayos nang sarili.
I was about to open the door nang bigla ay kumalam ang tiyan ko. Huhu gutom na 'ko..
Kaya dali-dali akong bumaba para pumunta sa kusina.
Nagpalinga-linga pa ako at hinahanap ang kupal ko pero hindi ko talaga siya makita. Aissshh saan na ba kasi siya!?
Napahawak akong muli sa tiyan ko nang kumulo na naman. Hayst. Gutom nga pala ako. Tiningnan ko pa sa mesa kung may makakainー pero wala, kaya sa ref naman ako tumingin.
Pagkabukas ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita! Bakit naman ganito ang ayos nito!??
Napatitig ako sa ayos nang mga pagkain sa ref. T-Teka...
Ang mga carrots sa pinakataas ay naka ayos by letters na 'I WANT' habang ang dalawang orange juice ay naka ayos na letrang 'T' at ang melon ay 'O' kaya naman naging 'TO' ang word na yo'n. Habang ang naka-plastic naman na.. na.. Ano ba 'yan? Meat or what? Ay naka ayos naman sa salitang 'EAT'. Ang dalawang saging ay naging letter 'Y' ーrepolyo na hugis 'O' ーsauces and whatever ay naka letrang 'U' kaya naging word na 'YOU'! And last, ang pakwan na may naka-ukit na word na 'BABY'!
Napatakip ang dalawa kong palad sa bibig ko hanggang sa nag sink-in sa utak ko ang ibig sabihin nito!
I knew it! Ang may gawa nito ay si Calー
"There, baby... " muntik na akong mapasigaw nang may yumakap sa'kin mula sa likuran. Nagulat ako at nakatitig parin sa harapan nang ref.
"Do you like it?" mahina ngunit nang-aakit niyang sabi saka ako hinalikan sa pisnge. Nanuyo ang lalamunan ko at pinagpapawisan ako nang malamig.
Oh, darn it! Darn it!
Tumikhim ako para 'di mapansin nang jowa kong masarapー este, manyakー ang nanunuyo kong lamunan, saka ako nagsalita. "A-Anong ibig sabihin niyan?" Napapapikit ako nang mariin. Ano ba! Bakit ba ako nauutal!
Paulit ulit kong pinapagalitan ang sarili ko sa naiisip ko na ibig sabihin nito. No! E-Eat me?? No way! Ramdam ko ang namumula kong pisnge at ang kaba na nararamdaman ko sa sunod niya pang sasabihin.
"I know you get it, baby," Aniya sa baritono at nang-aakit paring boses. Bukod sa gwapo 'tong kupal ko ay makalaglag rin nang panty ang boses! Kaya malamang kung gusto niya akong kaininー ay papayag akoー
W-Wait! P-Papayag... B-Bakit ako papayag!? Waaaaaaaa!
Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa! Ano ba kasi 'tong pumapasok sa utak ko!!?
Humiwalay ako sa kaniya saka pinanlalakihan nang mata siyang tiningnan habang siya naman ay nagtataka sa inaakto ko.
"HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAA! BABY! BAKIT MO 'KO KAKAININ!!?? ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?? KUMAKAIN KA NA BA NG TAO NGAYON!? HUHUHUHUHU!!!! BABY! AKALA KO BA MAHAL MO AKO!!? BAKIT MO NAMAN AKO KAKAININ!!??? ANG DAMI-DAMING PAGKAIN SA REF— PERO AKO ANG NAISIPAN MONG KAININ!!? BAKIT ANG BRUTAL MO NA BABY! HIHIWAIN MO BA MGA LAMAN LOOB KO— SAKA LULUTUIN TAPOS KAKAININ??? BABY NAMAN EH! PAPAYAGAN NAMAN KITANG KUMAIN NG TAO, GUSTO MO SABAYAN PA KITA EH. PERO 'WAG AKO, HUHUHU. PA'NO NA TAYO MAGKAKAANAK NIYAN KUNG KAKAININ MO 'KO—
"DAMN— DAMN IT, BABY! I THOUGHT YOU GET IT! FUCK THAT LITTLE HEAD OF YOURS!" Napahinto ako sa pagsisigaw nang bulyawan niya ako nang malakas saka siya nagmamartsang umalis sa harapan ko.
H-Huh? May mali ba sa sinabi ko? Parang wala naman, ah?
✍️: Janess Manunulat|@janesscious
• Work of Fiction
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
РазноеEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...