MAHAL NGA KASI KITA!

21 3 0
                                    


MAHAL NGA KASI KITA

"Meow... "

Napalingon ako sa nag-ingay. Agad ay kumislap ang mga mata ko sa nakita.

Si Love Of My Life, hihihi.

Nilapitan ko siya at saka ay malambing na ikiniskis ko ang mukha ko sa gilid nang mukha niya. Napapapikit naman siya sa pagdikit nang mga mukha namin.

Inilayo ko ang mukha ko nang bahagya saka marahan siyang tiningnan. Kahit saang anggulo talaga, ang ganda-ganda ng mahal ko. Halata ngang magkamukhang magkamukha kami eh.

Nag-ingay uli siya dahilan para dilaan ko siya sa mukha.

(Oh, dilaan niyo daw mukha ng jowa niyo kung mahal niyo😹)

"Mahal kita." Madamdamin ko iyong sinabi. Nagmula sa puso kong siya lamang ang tinitibok.

"Mas mahal kita... " Sagot niya dahilan para ngumiti ako nang napakalawak sa kaniya.

"Hindi. Mas mahal kita." Nakangiti kong paglalaban.

"Hindi, mas mahal na mahal kita..." Ngumiti siya ngunit kumunot lang ang aking noo.

"Tss. Mas mahal na mahal na mahal kita." This time, pilit na ang ngiti ko.

"Mas mahal nga kasi kita!" Nanggagalaiti niya 'yong sinigaw sa'kin. Sunod-sunod na ang paghugot ko nang malalim na hininga dahil sa inis.

"Mas mahal na mahal nga kasi kita!" Buong lakas ko iyong sinigaw sa pagmumukha niya.

"Grrrr.... "

"Grrrr... "

"QowihwskpalqbOphdhqpmnzvcmaooqlabdiiqnmsmeowmoewmeowarghhhhhai8sjaoannaiwahoqpqnakxjksoiq0anbsjshsn!*×^^#¥!?×;^#!$@_^@^€!!!!"

And we live happily ever after na may mga sugat sa mukha dulot nang kanya-kaniyang kalmot.

✍️:  Janess|@janessCious

• Work Of Fiction

****

Just visit my facebook account, (Janess) if you want to read my story there!

꧁𒊹︎︎︎꧂

Janess|@janessCious


ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon