TIME OF DEATH

41 2 0
                                    

𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐎𝐅 𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇


"Dad!"

Sa 'di kalayuan ay tanaw ko ang anak kong masigla akong tinatawag. Hindi pa man siya nakakalapit ay abot langit na ang aking ngiti.

"Hello there, my princess." Nang makalapit ay agad ko siyang binuhat saka inikot-ikot habang sabay kaming tumatawa. Nang mahingal na ay naupo kami sa damuhan.

"Dad," Ngumuso ito sa'kin saka ako niyakap. Tatawa-tawa naman akong niyakap siya pabalik.

"I missed you, Dad." Sa tono pa lang nito ay halata ang pangungulila niya sa'kin. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"I missed you, too, baby." Malambing ko ring sabi saka siya hinalikan sa pisnge.

"How are you? And... your mom?" Hininaan ko pa ang huli kong sinabi na akala mo'y may makakarinig sa'min gayong kaming dalawa lang ang naroon.

"I'm okay, Dad!" Hindi talaga nagbabago ang sigla niya kapag ako ang kausap.

"Mom is... " Natagalan ito bago makasagot nang tungkol sa Mommy na niya ang pinag-uusapan. Napailing na lang ako. "She's there."

Itinuro niya ang malaking puno. Doon ko lang napansing may babaeng nakatayo roon at parang may hinihintay.

"She's waiting for me, Dad. I told her that I want to see you, and I missed you, so much!" Humagikhik pa ito kaya nahawa rin ako. Kinurot ko ang pisnge niya dahil sa kakulitan.

Saka ay tinanaw ko sa malayo ang ina niya. Nakikita kong nakatanaw lang siya sa'ming dalawa.

"Dad," Gulat pa akong lumingon sa anak ko na kinakalabit na pala ako. "You heard me, Dad?" tanong nito.

"H-Ha? Ano ulit 'yon, baby?"

Ngumuso ito saka kumamot-kamot sa ulong tumingin sa'kin. Natawa naman ako.

"You're not listening, Dad.. " Nagmamaktol niyang reklamo saka nakangusong nagbaba ng tingin. Nakonsensiya naman ako.

"I'm sorry, baby..." Nilambing ko ito saka tinu-tusok tusok ng daliri ko ang malambot niyang pisnge. Kiniliti ko rin siya tagiliran. Nagpipigil naman siyang humagikhik dahil sa kiliti at kunwari paring nagtatampo.

"Ayieeee, tatawa na baby ko..." Tudyo ko pa. Hindi na siya nakapagpigil at malakas na humaglpak ng tawa habang kinikiliti siya nang sobra.

"Roger..."

"D-Dad! Ahh! Hahahaha! S-Stop— it— hahaha—Daddy!" Hindi ko tinigilan ang maliit niyang beywang. Tumatawang nahihingal naman siyang tumayo, tatakbo na palayo sa'kin.

"Roger..."

"Waaa... I will eat you! Argh!" Kunwaring banta ko saka siya hinabol.

"Aaaaaa! Mommy! Help me!" Sigaw ng anak ko kaya natatawa ko naman siyang hinuli at niyakap ng mahigpit.

"ROGER! WAKE UP!"

Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw na 'yon. Umangat ang tingin ko kay Melissa.

"Roger... " Nangunot ang noo ko nang makitang lumuluha siya at gumagaralgal ang boses. Hindi siya mapakali.

Inayos ko ang damit kong nalukot saka unti-unting pinahid ang mata upang lalong maliwanagan dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.

"What's wrong?" Baling ko sa kaniya. Pero parang hindi parin siya mapakali. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Hey, what is it? What's wrong?"

Tuliro lang si Melissa. Ningangatngat ang kaniyang kuko na para bang may gustong aminin sa harap niya pero kinakabahan.

"S-Si Kate—"

"What happened to her?" Agad ay binalot ako ng pag-aalala nang marinig sa kaniya ang pangalan ng anak namin. Sabay naming pinuntahan si Kate.

Si Kate ang pitong-taong gulang na anak ko at si Melissa naman ang nanay niya. Matagal na kaming magkahiwalay ni Melissa dahil madalas ay hindi kami magkasundo ngunit pareho kaming walang bagong asawa. Tutok lang kami sa anak naming si Kate.

Ngunit gano'n kasakit ang kirot na pareho naman namin siyang binabalingan ng atensyon ng nanay niya, pero heto siya ngayon at nahihirapan.

Nasa hospital kami para bantayan siya dahil sa sakit niya. Hindi ko alam kung anong klaseng sakit 'yon at ang hirap banggitin. Ang alam ko lang, lubos na nahihirapan ang anak ko, ang anak namin.

"Kate—"

"D-Dad... "

Nahihirapan narin siyang magsalita. Agad ko siyang nilapitan. Wala pa man ay nangingilid na naman ang luha ko.

Bakit anak ko pa? Sana ako nalang.

"Dad.. " Kumirot ang puso ko nang makitang tumulo ang luha niya habang dinadaing ang sakit na nararamdaman. Hindi ko na mapigilang mabuhos ang emosyon dahil sa nakikita ko sa anak ko.

"Baby..." Pinahid ko ang luha sa mukha ko saka pilit na tinatatagan ang loob para mas maging matapang ang anak namin. Dahil wala ring silbi kung mahina kami gayo'n kaming nanay niya lang ang naro'n para sa kaniya.

"Baby, hold on... please, baby, huh? 'Wag kang bibitaw, anak..." Pagpapalakas loob ko sa kaniya. Tumikhim pa ako upang maiwasan ang paggaralgal ng boses.

"I c-can't, Dad..." Nagsisimula na siyang umiyak. Napayuko ako, pinipigilan ang pagtulo ng luha. Kahit si Melissa ay pinipigilang maging mahina sa harap ng anak namin.

"H-Hindi ko na kaya, Daddy...Mommy..."

Iyon na ata ang pinakamasakit na narinig kong salita sa buong buhay ko. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa bawat segundong tinitingnan ko ang anak ko.

"Baby..." Lumapit rin si Melissa kay Kate at hinawakan ang kamay ng anak namin. Nasa kaliwang bahagi si Melissa habang ako ay nasa kanan ng kama ni Kate. Pinag-gigitnaan namin siya.

"Kaya mo 'yan, okay? D-Di ba may pupuntahan pa tayo? Kasama ang Daddy mo, anak. Pupunta tayo kahit saan..." Nagpilit na ngumiti si Melissa at tumingin sa'kin. Nakangiti akong tumango.

Doon ay nakita ko ang kislap sa mga mata ni Kate. Matagal na rin kasi simula nang magsama-sama kaming lumabas na tatlo. Sobrang bata niya pa no'n at sobrang liit, sobrang kulit.

"R-Really... Mom? Dad?" Mahinang tanong ni Kate. Kaya kahit lumuluha ay nakangiti kaming tumango sa kaniya ng Mommy niya. Doon ay ngumiti rin siya.

"Yes, baby. Kaya... magpagaling ka na ha? Para makaalis na tayo ng Mommy mo."

Kahit durog kami sa loob ng nanay niya ay pinilit naming maging matatag para kay Kate. Makikita ang saya sa mga mata niya ngunit kaagad 'yon napalitan nang ngumiwi siya, dinadaing ang sakit.

Patuloy sa pagluha si Kate. Hirap na hirap na. "I-I love you, Mommy, Daddy..."

"We love you too, baby.. " Sagot ko saka pinahid ang luha sa mata niya. Hinawakan ko rin ang kamay niya.

Pero nagsimula na kaming mataranta ni Melissa nang unti-unti ay pumipikit na si Kate na parang ano mang oras ay babawian na siya ng buhay. Mabilis kong tinawag ang doctor.

"N-No, baby... " Humahagulgol na nang tuluyan si Melissa nang makabalik ako. Kahit hinang-hina narin ay nilapitan ko ito saka inalo. Niyakap ko siya habang humahagulgol.

Pumasok na ang Nurse at Doctor para sana habulin pa ang buhay niya. Ngunit huli na ang lahat nang tanging hagulgol nalang ni Melissa ang naririnig sa bawat sulok ng kwartong 'yon matapos marining ang sinabi ng doctor.

"Time of Death, 2:40 am."

✍️:  Janess Manunulat|@janesscious

• Work of Fiction

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon