𝐈 𝐖𝐈𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐆𝐎
"Babe!
"Goodmorning babe—"
"Why the hell are you here, Kaizer??"
Nakakagulat na sa pagbungad ko palang para makita ang mahal ko ay agad akong sininghalan.
"B-Babe—"
"Di ba sabi ko sa'yo 'wag ka na magpapakita pa sa'kin!?"
Kahit pakiramdam ko nadurog ako sa sinabi niya ay pilit kong pinalapad ang ngiti ko.
Lilipas naman siguro 'to... ah! Basta. Babawi ako bukas, hehe.
"Babe naman—"
"From now on, hindi mo na ako tatawaging 'Babe'."
Sinuri ko ang kabuuan ng mukha niya. Pilit tinitingnan kung seryoso sa sinabi. Nangamba at kinabahan ako nang makita kung gaano siya kaseryoso.
Ngumiti ulit ako. Nagbibiro lang ata eh. "Babe maman, 'wag ka nang magalit sa'kin—"
"Maghiwalay na tayo."
Gulat akong napatingin sa kaniya! "T-Teka naman Babe... 'wag ka namang magbiro nang ganiya—"
"Mukha ba akong nagbibiro, ha!? Kaizer?!"
Napalunok ako. Damn this! "B-Bakit naman tayo maghihiwalay, Babe?" tumikhim ako para pigilan ang paggagaralgal nang boses.
"Nakakapagod ka na."
3 ARAW NA ang nakalipas simula ng pag-uusap namin ni Amesyl. 'Di parin niya kasi ako kinakausap— kahit sa tawag, messages at chats.
Hayy. Galit parin ba siya? Wala naman akong ginawang kasalanan, ah.
Pero isasantabi ko muna ang lahat dahil eto ang espesyal na araw sa buhay niya. Ngayon ang kaarawan niya.
Hindi ko inisip o dinamdam ang pakikipaghiwalay niya dahil alam ko namang hindi 'yon totoo. Malamang, nadala lang siya nang emosyon niya pero alam kong sa'kin parin ang bagsak niya.
Dahil gano'n niya ako kamahal...
Pero bakit pakiramdam ko ay parang may hindi tama?
Inalis ko 'yon sa isipan saka tiningnan ang hitsura ko sa salamin.
Gwapong mukha, check! Mabango, check!Flowers, check! At higit sa lahat.. engagement ring, check!
Ngayon rin ang balak kong magpo-prose sa kaniya. Alam kong matagal niya na 'tong pangarap— dahil ilang taon narin kaming magkarelasyon.
NANDITO NA ako sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni Mayl. Nakuha ko yung address dahil sinabi rin sa'kin ni Tita.
"Everyone,"
Naagaw nang atensyon ko ang isang lalaki na nagsalita sa stage. Hmm. Pamilyar sa'kin ang lalaking 'to dahil nakita ko na 'to minsan sa bahay nila Mayl. Kaso 'di ko pa alam kung anong koneksyon niya kanila Tita at Mayl.
Hawak ang baloons at flowers, tumungo ako kung saan si Mayl. Napatitig ako nang saglit sa kaniya.
Sobrang ganda talaga ng mahal ko.
"We want to inform you of our wedding soon, Mayl Cross."
Nanigas ako bigla sa kinatatayuan. Para akong binuhusan nang napakalamig na yelo sa narinig.
Parang nag bumagal ang paligid habang nakatingin ako sa lalaki palapit kay Mayl. Dumadagundong nang malakas ang puso ko, na para bang gusto no'n lumabas mula sa kinaroroonan.
At huli na nang makita ko sa harapan kong masaya nilang sinalubong ang labi ng isa't isa.
Nangilid ang luha kong ngumiti dahil nag-flash bigla sa harapan ko ang camera, sign na pincturan nila ang masayang nagmamahalang si Mayl at ang lalaki.
Masaya ako para sainyo... sa'yo. Kahit pa na ikadurog ko.
✍️: Janess Manunulat|@janesscious
• Work of Fiction
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...