MAGHIHIWALAY RIN KAYONG LAHAT!
Ang sarap sa pakiramdam nang hangin na aking nalalanghap habang nagmamasid-masid sa paligid. Madilim ngunit maraming tao parin ang nagsasaya dito sa Riverbank.
Napatulala ako sa nakakakit na iba't-ibang kulay nang Ferris Wheel.
Kay gandang pagmasdan.
Saka ay napabaling ang tingin ko sa mag-jowa na naglalandian habang nagba-bike. Nagtatawanan silaー ugh. Mahulog sana kayo sa maduming ilog na may lumalangoy pang daga.
Pasiring kong inalis ang tingin sa kanila saka dumapo naman ang paningin ko sa mag-jowang masayang nag-uusap. Nakaramdam ako nang kaunting inggit.
Konting konti lang 'yon ah.
Kumunot naman ang noo ko. Wala na bang pwedeng tingnan dito? Nakakairita naman kasi ang nakikita ko sa paligid.
Tumalikod ako para sana iwasan ang mga malalanding nilalang kasoー pusang kinalbo!!
ANG DAMEEEEENG MAG JOWAAAAA!!!?? Y NAMAN GANO'N!!!???
YawAaaaAaaaaaaAa
Inilibot ko ang paningin ko atー ugh! Walang sulokー na walang naglalandian na may mag-jowa! Ano na bang nangyare dito sa Riverbank at mukhang pinag-piyestahan na 'to nang malalanding nilalang!?
Mayroon sa kabila, magka-hawak nang kamay ang mag-jowa, akala mo naman maghihiwalay sila nang gano'n kalapit! Sa tabi naman, mayro'ng babae na halos pumatong na siya sa kandungan nang lalaki niya dahil sa pagkakalapat nang hita niya sa mga hita nito! Mayro'ng naghahalikan! Mayro'ng nagyayakapan! At higit sa lahat.. itong NASA HARAP KO!!! Halos magkadikit na nang sobra ang mga katawan nila dahil sa pagkakalapit nang babae sa lalaki '
saka sila nag-selfie! Hutangeneee!
'Sila ba 'to... ohー ako lang 'tong bitter?' Isang munting tinig sa aking isip.
Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ba kasi nandito silang lahat!!? May party ba lahat nang mga mag-jowa at hindi pwede maki-join ang mga single!?
"MAGHIHIWALAY RIN KAYONG LAHAAAATTTT!!" Habol ko ang hininga dulo't nang pagka-lakas lakas kong sigaw. Naagaw ko ang atensyon nang mga nakarinig sa'kin at agad naman akong nabalot nang kahihiyan.
'Arghhh! Bakit ba ang sama nang mga tingin nila!?' Nakagat ko ang labi ko sa hiya saka pipihit pa sana patalikod nang may narinig akongー
"Hahaha, baka kasi walang jowa,"
"Oo nga. Saka, imposible naman atamg magka-jowa ang ganiyang hitsura. Attention seeker hahaha,"
"Bitter."
"Pangit kasi eh. Kaya ayan, walang jowaers. Hahahahahaha!"
Kumuyom ang palad ko sa mga narinig. Aba't talaga naman oo!
"Kingina niyー "
Susugurin ko na sana ang mga haliparot na nagbulong-bulungan nangー
"Mahal!"
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
बेतरतीबEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...
