COMEBACK? (Painful Break-up Part 2)

16 4 0
                                    


𝐂𝐎𝐌𝐄𝐁𝐀𝐂𝐊?

(𝐏𝐚𝐢𝐧𝐟𝐮𝐥 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤-𝐮𝐩 𝐏𝐚𝐫𝐭 2)

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ng mahigpit ang bulaklak. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo'y hinahabol ng sampung kabayo.

Namamawis rin ang ulo ko at kanina pa ang sunod-sunod na paghinga ng malalim habang nakatitig sa pintuan ng bahay nila Angela.

After 4 years, napagpasyahan kong ligawan na siya ngayong 21 na ako at 18 siya. Isa 'yon sa pangako naming dalawa, liligawan ko siya sa eksaktong araw at oras no'ng sinagot niya ako noong bata pa kami. Liligawan ko siya sa edad niya na pwede na. At sana ngayon, pwede pa.

Sana may chance pa.

Heto at takot na takot ako sa isiping baka may iba na siya. Wala naman, di ba? Nangako rin naman siya sa'kin na ako lang. Kami lang.

Napabuntong hininga nalang ako at wala sa sariling napalingon ng may lalaking kasing tangkad ko ang humarap rin sa pinto nila Angela.

Napataas ang kilay ko. Sino naman 'to? Boyfriend niya ba 'to?

Nasaktan ako sa isiping 'yon at napatingin sa dala niya. Kumpara sa'kin, halatang mas mahal ang bulaklak na hawak niya. Pati 'yong malaking teddy bear at chocolates, mamahalin.

Napalunok ako. Mukhang do'n palang talo na ako. Hindi naman ako gano'n kahirap pero simple lang ang dala ko para kay Angela. Nagtitipid ako ngayon lalo na't lumalaki ang gastusin ng pamilya ko pati sa pag aaral ko.

Nang tingnan niya ako ay nagsalubong ang kilay niya. "Sino ka?" tanong nito.

Sa itsura niya ay halatang hindi niya ako gusto makita. Hindi ko rin naman siya gusto makita. Tss.

Gusto ko sana siya sagutin na ako 'yong boyfriend ni Angela noon. Ako 'yong pinakaminahal niya sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay niya. Ako 'yon lalaking sineryoso niya at sineryoso siya. Ako 'yong lalaking kahinaan ni Angela.

Sana hanggang ngayon parin.

Sasagot na sana ako nang unahan niya ako magsalita na ikinadurog ng mundo ko.

"Kung nagbabalak kang manligaw sa kaniya, 'wag mo nang ituloy dahil ako ang boyfriend niya. Hindi ka magkakaro'n ng chance sa kaniya, tingnan mo nga 'yang dala mo, ang cheap. Kumpara sa'kin, mamahalin 'to." Nagyayabang niyang sabi saka bahagyang ngumisi. Naitikom ko ang bibig at palihim na kinuyom ang kamao.

Gago 'to ah. Antayin mong masalubong ng kamao ko 'yang pagmumukha mo.

Peroー

ANO!???

BOYFRIEND NIYA SIYA???

Natahimik ako bigla. May boyfriend na siya, tang ina.

"Saka, tingnan mo nga itsura mo kumpara sa'kin. Sabihin na nating mabango ka. Well, amoy naman kita. Kaso, tingnan mo nga. Mas mahitsura ako sa'yo. Alam mo naman siguro na halos lahat ng babae gwapo nalang ang pinipili, di ba?"

Napatitig ako sa kaniya. Tama. Mas mahitsura nga siya sa'kin. Mas bumaba naman ang tingin ko sa sarili ko at napabuntong hininga. Kanina ko pa talaga siya gusto sapakin.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon