MY BOYFRIEND IS A DRUG USER
"Ang ganda talaga ng mahal ko..." Ani ni Vino, ang 3-year boyfriend ko. Titig na titig siya sa'kin habang naglalakad kami. Hindi ko naman maiwasang matawa.
"Hindi naman ako mawawala." Biro ko pa. Para kasing 'pag kumurap siya ay mawawala ako sa paningin niya. Gano'n katagal siyang tumitig sa'kin.
Biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko na ikinakunot ng noo ko. Pero ngumiti nalang ako sa kaniya.
"Promise mo 'yan, ah."
"Syempre." Nilawakan ko ang ngiti sa kaniya. Napangiti rin siya.
Gabi na pero naglalakad-lakad parin kami ngayon sa labas. Eto kasi ang hobby naming dalawa lalo na kapag may free time kami. Pareho kasi kaming busy sa kaniya-kaniyang trabaho at pag-aaral. Pareho kaming working student.
"Dito muna tayo, mahal." Masuyo niya akong inalalayan paupo doon sa may hagdan na nasa gilid ng kalsada. Para akong kinikiliti nang makaupo doon. Iba kasi sa pakiramdam sa t'wing tinatawag niya akong 'mahal'.
Sa pangalawang baitang ako ng hagdan habang nasa pangatlo siya. Namalayan ko nalang na hawak na niya ang buhok ko, pilit inaayos 'yon kahit hindi naman siya marunong. Natawa na naman ako.
"Anong ginagawa mo?" Hindi lang 'yon basta tanong, inaaasar ko siya. Kahit nasa likod ko siya ay alam kong nakanguso siya. Napahalakhak ako.
"Sige lang, tawanan mo 'ko. Diyan ka masaya, eh." Kunwari ay nagtatampo niyang sabi. Kahit anong pigil ko ay napahalakhak talaga ako.
Pero natigil ako sa pagtawa nang yakapin niya ako mula sa likuran. Kahit hindi na bago sa'kin 'tong ginagawa niya, sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko.
"Mahal kita." Bulong niya sa mismong tainga ko. Napangiti ako saka isinandal ang mukha sa ulo niyang nakadantay sa balikat ko.
"Mahal din kita." Pakiramdam ko puso ko mismo ang nagsabi no'n. Ramdam kong napangiti siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa'kin.
"Promise mo sa'kin mahal, hindi mo ako iiwan, ha?" Mahina niyang sabi.
"Promise."
___
"Ma.."
Nanghihinang ngumiti sa'kin si Mama. Nilapag ko naman ang dala kong prutas sa table saka tumabi sa kaniya.
"A-Anak.. kamusta ka na?" Halos wala na siyang boses pero pinipilit niyang magmukhang matatag sa'kin. Napahinga nalang ako ng malalim dahil madalas niya talagang gawin 'to.
"Ma...kung nanghihina ka 'wag mo pilitin ang sarili mo na maging malakas sa harap ko. Kasi, kilala na kita. Hindi 'yan uubra sa'kin." Ilang beses pa akong bumuntong-hininga. Ngumiti lang siya ng tipid sa'kin.
"Ang totoo niyan," Biglang lumalim ang paghinga niya. Kinabahan ako. "Pagod na pagod na ako..." Saka dahan-dahang pumikit ang mga mata niya. Bigla ay nangilid ang luha ko at tarantang tinawag ang nurse at doctor.
___
"Shhh...okay lang 'yan mahal.. magiging maayos din si Mama..tahan na.."
Humahahulgol na ako ngayon habang yakap ni Vino. Nandito kasi kami sa hospital. Matagal nang pasyente rito si Mama dahil may sakit siya sa utak, kinailangan ng operahan pero dahil hindi sapat ang pera namin, nanatili nalang siya dito sa hospital. Kaya lang ngayon, palala na daw ng palala ang kalagayan ni Mama at kailangan na talaga siyang operahan.
Sunod-sunod na namang tumulo ang luha ko, iniisip na bakit kailangang maghirap nang ganito ni Mama. Mas humigpit ang yakap sa'kin ni Vino.
"M-Mahal...kailangan...k-kailangan na daw siyang... operahan.." Pumiyok ang boses ko. "H-Hindi ko alam.. kung saan makakakuha ng pera.."
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...