NANGAKO KANG BABALIK, PERO BAKIT SA IBA KA HUMALIK?
"I love you. I promise, I will come back to you."
'Yan ang palagi umuulit sa isipan ko sa 'twing naiisip ko si Ream. Ang una at huling lalaki kong mamahalin.
Simula noong umalis siya sa bansang 'to para magsumikap, nagsumikap rin ako para sa sarili at pangarap ko. At ngayon, isa na akong ganap na Doctor.
I reached my dreams without him. Pero isang pangako niya lang ang pinanghahawakan ko ngayon, 'yon ay ang pangakong babalikan niya ako.
Wala mang connection sa kaniya, alam kong naging successful na siya sa nakalipas na taon. Siya 'yong tipo na lalaking hindi susuko hangga't hindi natutupad ang mga pangarap niya.
Kaya ngayon ay hindi mapaglagyan ang saya ko nang malamang uuwi na siya rito sa Pilipinas. Gustong-gusto ko na ulit siyang mahawakan, mayakap at mahalikan.
God, I miss him so much.
Nalaman ko sa isa sa mga kaibigan ko na kaibigan niya rin na pauwi na siya rito sa Pilipinas dahil sinabihan siya. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso dahil hindi ako ang una niyang sinabihan.
Bakit hindi siya sa'kin nagsabi?
Well, maybe he has his reason.
Inintindi ko nalang 'yon at naghanda na para pumunta sa arrival ng Tren mamaya. Balak ko siyang sorpresahin at alam kong matutuwa rin siya na makita ako at sa kung ano na ang naabot ko ngayon.
Suot ang off-shouldered blue dress na hanggang tuhod, naka flat blue shoes rin ako na tumugma sa suot ko. Tumingin ako sa salamin at malawak na ngumiti nang makita kung gaano ako kaganda.
'I'm really, really, really, really, really, excited to see him again!' Masaya kong wika sa sarili kaya halos lakad talon ang ginagawa ko papaalis dahil sa sobrang saya.
-
NAKARATING na ako sa rito sa Tren at palinga-linga nalang sa paligid para abangan siya. Hindi mawala ang pagkakalapad ng ngiti sa labi ko habang patingin-tingin parin paroo't parito.
Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isang magandang babae na nasa tabi ko na katulad ko, mukha ring may hinihintay at may mga ngiti sa labi.
She looks so stunning. Naiinggit ako sa ganda niya.
Nalipat lang ang atensyon ko nang huminto na ang Tren. Umangat ako ng tingin para makita ang naglalabasang pasahero at hindi na mapakaling makita ang lalaking tinitibok pa rin ng puso ko.
AND THERE HE IS!
'O! M! G! Ang gwapo na niyaaaa!'
Saad nang malandi kong utak kaya napahagikhik ako ng mahina. Nakangiti akong kumaway sa kaniya at ningitian niya rin ako pabalik.Why do I have this feeling that he's not smiling at me?
Ipinilig ko ang ulo ko saka akma nang tatakbuhin siya para yakapin nang unahan ako ng magandang babae kanina.
"Honey!"
Parang gumunaw ang mundo ko sa narinig. Natigilan ako at napako sa kinatatayuan.
Unti-unti nadudurog ang puso ko sa totoong ibig sabihin nito.
Pilit kong sinasabi sa sarili na hindi 'to totoo pero... heto ngayon ang katotohanan. Pinapamukha sa'kin nang harap-harapan.
Niyakap ng magandang babaeng 'yon si Ream. Nakita ko kung paano naiyak sa saya ang babae na makita siya at nakangiti niya namang pinahid ni Ream ang mukha niya saka ito mahigpit na niyakap.
Nanlalabo na ang mata ko dahil nagbabadyang nang maluha.
Gano'n ba talaga ako hindi kahalaga sa kaniya para hindi niya mapansin?
Naninikip na ang dibdib ko sa sakit. Halos hindi pa din makapaniwala sa nakikita.
Bakit gano'n? Sa'kin ka nangako pero sa iba mo naman tinupad.
Bahagya akong tumalikod at yumuko para walang makapansin sa pagluha ko.
Ang sakit. Umasa ako sa wala.
Sana naman, kung may mahal na siyang iba sinabi na niya sa'kin. Hindi naman siguro gano'n kahirap 'yon, hindi ba? Heto tuloy ako, nagmukhang tánga.
Kahit mabigat sa pakiramdam ay mabagal at maliliit na hakbang ang ginawa ko. Patuloy parin ang luha na lumalandas sa mga mata ko.
Kinagat ko ang sariling labi. Kahit saglit lang... sa huling pagkakataon... gusto kong makita ang mukha niya.
Kaya marahan akong humarap ulit para tingnan sila ngunit huli na para magsisi.
Ream and the stunning woman passionately kissed each other.
✍️: Janess Manunulat | @janesscious
Mangako ka kapag alam mong kaya mong tuparin.
Kasi, hindi 'yon basta simpleng salita na pwede mong sirain kung kailan mo gugustuhin.• NO MORE NEXT.
Photo is not mine.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
RandomEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...