MY FLIRTY BOSS (My Heartless Boss 3)

92 3 0
                                    

MY FLIRTY BOSS
(My Heartless Boss 3)

"H-Ha?"

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko at tila nayanig ang mundo ko sa narinig mula sa kaniya. Lumunok ako ng malalim at mas tinitigan siya sa mata, sinisiguro kung nagbibiro lang siya.

Pero wala akong nakitang bahid ng pagbibiro doon. Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata niyang nakatuon sa'kin. Halos matunaw ako dahil katulad ko, ganoon din ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Hinawi niya sa likod ng tainga ko ang buhok ko pagkatapos ay masuyong hinaplos ang tuktok ng ulo ko. "For almost five years... I was always thinking on how to make a move on you. You don't know how much I dreamed about having you as my wife, make family with you... but of course, I don't want to force you just because that's what I really want. I love you, but I'll wait for you."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko punong-puno ang puso ko ng hindi maipaliwanag na emosyon na gustong-gusto nang kumawala.

Hindi ko rin alam ang isasagot sa biglaan niyang confession kaya para iparating ang nararamdaman ko sa mga sinabi niya, hinalikan ko siya ulit sa labi.

Parang nanigas siya kaya may pagkakataon akong bumitaw. Pagkatapos ay masuyo ko rin siyang tinitigan. "Pag-iisipan ko muna, Ziero. Mahihintay mo ba ang sagot ko?"

Nakabawi na siya sa pagkagulat kaya matamis siyang ngumiti sa'kin at tumango na para bang sapat na kasagutan na 'yon sa kaniya.

Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Ilang sandali pa ay minaobra na niya ang sasakyan patungo sa condo unit ko.

Ang sabi naman ni CEO Ziero, bukas na daw ulit ako magtrabaho bilang secretary niya. Sa ngayon ay kailangan ko parin daw siyang trabahuin, pero bilang girlfriend na niya.

"Ang kapal mo, ha." Sumandal ako sa limousine niya nang makalabas na. Papa'no kasi ay balak niyang sumama sa condo ko pero hindi ako sanay magpapasok ng lalaki sa tinitirhan ko kaya hindi muna ako dumresto papasok ng building. "Ang sabi mo magpapahinga ako, tapos gusto mo tatrabahuin parin kita?"

Ngumisi siya at tumabi sa pagkakasandal sa sasakyan patagilid, sa akin nakatingin. "Of course. I just want you to train on how to be a good wife."

"Ha," Pasinghal kong saad. "Hindi pa nga ako um-oo sa'yo?"

"I know you will."

Napairap nalang ako sa sinabi niya saka umalis sa pagkakasandal at umayos na ng tayo. "Sige na, uwi na. Aakyat na ako, gusto ko narin magpahinga."

Imbes na sundin ako ay ngumuso pa siya. "Can't I come with you?"

Pinameywangan ko siya. "Hindi pwede."

"But—"

"No buts, Ziero. Boss kita sa opisina pero kapag tayong dalawa lang, ako dapat lagi ang nasusunod. Gets?"

Mas lalo pa siyang ngumuso pero kumikislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Para rin siyang nagpipigil ng ngiti. "Yes, madame."

Napangiti ako. "Good." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Sige na. Ingat sa pagda-drive."

Nakagat niya pa ang labi na parang kinikilig. Hindi ko maiwasang matawa at agad na tinaboy siya dahil baka hindi na talaga ako makapagpigil at patulugin pa siya sa condo ko.

Kinabukasan ay linggo kaya makakapag-relax ulit ako at maglilibang sa condo ko nang mag-isa. Kaya pagkagising, agad kong ginawa ang morning routine ko. Ang maglinis at manood ng movie.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon