WHEN YOUR TOO MUCH JEALOUSY EATS YOU
"Tangina lang! Ilang beses na kitang sinasabihan, 'di ba?! 'Wag kang lumapit sa mga lalaki!"
"A-Ano ba! Paul! Bitiwan mo ako!"
Agad ay hinila ko siya palabas sa bahay ng gago niyang kaibigan. Pinilig ko ang ulo ko kaliwa't kanan na animo'y mababawasan no'n ang pagkulo ng dugo ko. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang braso niya at hindi pinapansin ang pagkakabaon ng mga kuko ko sa balat niya.
Pumikit ako at malalim na suminghap ng hininga saka hinarap siya. Nandidilim ang paningin ko sa sobrang galit! Umiigting ang mga panga ko't ano mang oras, magiging kriminal ako dahil sa berdeng halimaw na gustong kumawala sa buo kong pagkatao.
Hindi ko talaga kayang kontrolin ang galit ko kaya pabagsak ko siyang binitiwan sa pader. Ininda niya ang sakit nang pagkakabitaw ko sa kaniya ngunit hindi ko 'yon pinansin na para bang walang nakita.
Mahigpit ko siyang hinawakan sa panga saka pilit na inihaharap sa'kin. Matatalim na tingin ang binibigay ko sa kaniya habang siya ay naiinis na may halong nagmamakaawa. "Fucking tell me, Venice! Bakit nasa bahay ka ng lalaking 'yon, ha?! Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa'yo sa loob n—"
"Paul! Bestfriend ko si Chrsitian! Ano ka ba naman, ha?! M-Matagal ko na siyang kilal—"
"Kahit pa!" Agad ay putol ko sa mga sasabihin niya pa. Palalim nang palalim ang hiningang hinuhugot ko dahil sa sobrang galit. "Kahit pa magkaibigan kayo! Lalaki parin siya at babae ka! Dapat alam mo 'yan!"
Naiiyak na siyang papikit-pikit pa ang mga mata dahil sa lakas ng bulyaw ko sa mismong pagmumukha niya.
"Please... P-Paul....n-nasasaktan na ako... bitiwan mo na a-ako..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang ang dalawa kong kamay ay nasa leeg niya na. Hindi ko rin namalayang nakalutang na pala ang mga paa niya dahil pataas nang pataas ko siyang sinasakal. Nabigla ako kaya agad ko siyang nabitiwan.
Napaluhod siya't umiyak saka napahawak sa kaniyang tiyan. Nangunot-noo ako na agad nama'y pinalitan ng pag-aalala kaya agad ko siyang nilapitan.
Fuck! Buntis nga pala siya! Tangina ka talaga, Paul!
Naiinis kong minura ng palihim sarili kaya pumikit ako nang mariin. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang panga niya sa sobrang marahang paraan. "M-Mahal... "
Shit! Pa'no na 'to?!
Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon niya na ayo'y nakayuko at umiiyak sa tuhod na parang bata. Unti-unting nadudurog ang puso ko nang bumalot sa paligid ang hikbi at paghahagulgol niya. Wala akong nagawa kundi ay yakapin nalang siya sa kabila nang pananakit na ginawa ko sa kaniya.
Napangiti ako nang palihim nang gantihan niya ang yakap na 'yon. Kaya mas lalo ko pa siyang niyakap sa'kin, na kahit sa gano'ng paraan, maiparamdam ko sa kaniya ang totoo kong pagmamahal.
"Mahal... s-sorry... hindi ko sinasadya.. sadyang 'di ko lang talaga makontrol ang sarili ko lalo na kapag nagagalit ako. Sorry, sorry... " Mahina kong sabi ngunit sapat na 'yon para marinig niya dahil kalapit lang nang bibig ko ang tainga niya.
BINABASA MO ANG
ONESHOT TAGALOG STORIES
AcakEnjoy reading my Oneshot Tagalog Stories here! Most of them are: - Humor - Tragic - Romance - Fantasy - Action - Teen-Fiction - General Fiction - Thriller And many more! *** Facebook account: Janess Manunulat Fb Official Page: Janess Manunulat Pa...